Tag ni Misyel

Sa kauna-uanahang pagkakataon, mayroong nag-tag sa akin (salamati Misyel!). Hindi ko agad nagawa dahil nga sa mga nakalipas na pangyayari pero eto na mga sagot ko.

Ang first name ko talaga ay nagsisimula sa ‘V’ kaya mukhang mahirap sagutin kung ito ang gagamitin ko. Kaya ang gagamitin ko na lang yung ‘B’ mula sa palayaw kong Bong.

Rulez: Use the first letter of your name to answer each of the following.
Your answers have to be real places, names, and things. Nothing made up! :) Use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You can’t use your name for the boy/girl name question.

Your name
Bong

Four words
bongga, big brodah, barkada, balikbayan 

State/country
Bulgaria - hometown ni Ken Lee!!

Boy name
Bryan (yung pangalawa kong anak)

Girl name
Bridgit (babaeng nakilala ko sa Sweden nung nag-training ako dun)

Occupation
bantay ng mga numero sa market research

Word that describes you the best
baliw

Something you can wear
bra blouse bullcap

Something found in a kitchen
breading mix

Name one object that is so valuable to you
broadband (kung wala nito walang internet, walang blog)

Something you shout
“Bingo!!! I won, I won!!!”

Something you do at school
bulakbol, ano pa hehehe!

Name of a friend/schoolmate
Bentiyotot (tunay na pangalan niya Ben pero alam mo na ang barkada kung magbigay ng palayaw)

Name of an animal
bear

Name of a drink
beer (o ha pinalitan ko lang yung ‘e’ sa previous answer ng ‘a’)

Name of a holiday
berdey ni Queen Elizabeth (tuwing berdey niya, imbitado ako sa Buckingham - ay wish)

Name of a subject in school
Bowling (P.E. subject ko yan sa UP kaya counted yan, walang papalag)

Name of a cousin
Boie (long taym no see kasin!)

Name of a fast food chain
Burger Machine (hay miss ko na yung steamed hotdog nila saka yung roast beef sandwich)

Name of a person you’re crushing or had a crush on
Bea Alonzo (hindi naman crush pero type ko yung beauty niya, hangputi…)

Name of a food you like
Balaw-balaw (alam nyo ba yun? meron lang yata nito sa probinsiya ni ermat sa Rizal)

Name of a food you do not like
Bwala, I don’t think that there’s any food that I dislike

Name of a kid’s toy
Baril-barilan na ginawa ko mula sa tatlong pirasong kahoy nung bata pa ako, animo’y thomson machine gun ang porma

Name of a flowering plant
Bumamela (ay nabulol ako!)

Name of a shopping mall
Bayala Town Center (nabulol ulit ako!)

Name of a person you like
Bean (super idol ko siya)

Name of a person you dislike
Bin Laden (walang sinabi sa question kung personal na kilala ha)

Name of place in your school
barkada’s tambayan dun sa UP Manila

Name of an object in front of you
Battlefield 2 PC game CD ng mga anak ko

Wala muna akong ita-tag ha, karamihan sa inyo na-tag na nito.

PS- dahil ’tag’ ang topic ng post na ito, na-alala ko tuloy yung dati kong aso na si Tagpi, kamukha siya nitong nasa piktyur. Kasintalino din hehehe.

tagpi.jpg

Bagong Door Chain

Hay naku, isang linggo na akong walang broadband sa bahay. Mukha pating may problema yung dreamhost, nawawala yung isang post ko. Pag-inabot ka nga naman ng malas…

Anyways, may bago akong door chain, pero minsan inaabot akong ng limang minuto bago ko mabuksan ang pinto.

Bakit kanyo?

Tingnan nyo…

doorchain.jpg

Eastah in NZ

Itong Easter holiday ang isa sa paboritong holiday ng mga kiwi. Ito yung panghuling long holiday ng summer kasi ang susunod na long holiday ay bandang June pa. Ang holiday na ito ay sakop mula Good Friday hanggang bukas na Easter Monday. Yung mga anak ko nga meron pang Easter Tuesday pero ang mga school na lang ang merong holiday na to (tingin ko tinatamad lang yung mga teachers nila, di nga sobrang dami ng holiday ng mga bata dito).

Karamihan dito ay lumalabas ng city para sa isang last hurrah sa summer. Sa amin simple lang ang holiday namin at di na kami nag-out-of-town pa. 

Maundy Thursday

Nung gabi nitong araw na to ay nagyaya na si luvsko na mag-grocery shopping dahil sarado ang mga supermarket ng Good Friday at Easter Sunday. Ang una naming pinuntahan ay yung bago naming nadicover na tindahan ng mga pinoy products (wala munang plugging, kailangan may bayad). Madami na din silang paninda, mura pa dahil sa bahay ang puwesto.

Tapos nito, nagpunta kami doon sa Foodtown, isa sa malaking grocery store dito. Maraming tao na namimili. Pero ang napansin namin ay karamihan ng mga item sa shelves ay may discount tag na. At yung discount nung karamihan ay malaki-laki ang matitipid mo (halos 20-30%).  Ako, natuwa din dahil yung mga beer lahat may discount pati yung mga premium na beer (kaya daw malaki tiyan ko sabi ni luvsko). Maya-maya lang nag-announce yung store manager na “All cooked and cut meat at the deli and all fish are now 50% off. Happy Eastah…”. Aba e dagli kagad kaming nagpunta at nakabili kami ng murang salmon belly at ibang pambaon sa school ng mga bata. Ito ang isang gusto ko sa NZ, pagnag-sale, sale talaga.

Read the rest of this entry »

Ken Lee Part 2

Nung una kong napanood yung part 1 nito sa blog ni Chillidobo ay natuwa ako. Mga alas tres ng umaga nun dito at nung pinatugtug ko ito muli ay nagising si esmi na humahagalpak ang tawa. Siguro inabot din kami ng mga 5 mins sa kakatawa.

Ito yung next installment na medyo improved na yung english ni Ken Lee (medyo lang ahahaha). Hope you guys enjoy the vid as well.

Burat Na Virus Yan

Sensya na po sa babasa nito at medyo bastos ang taytol ng post ko ngayon.

Biernes ng gabi, kakatapos ko pa lang bumisita sa mga site na bastos kakatapos ko pa lang magdownload ng patch ng game ay may nakita na akong kakaiba sa computer ko. Bigla na lang akong may nakita na tumatakbo sa dos mode screen at agad namang nag-flag yung antivirus ko.  Dali-dali akong nag-full scan, ayun may nakitang trojan virus.

Ang akala ko ay ayos na ang lahat pero mayamaya lang ay may lumalabas nang mga outgoing messages mula computer ko (maski wala naman akong pinapadala).  Ni-re-reject naman ito nung antivirus ko pero mantakin mo ba namang ilang outgoing messages ang ni-re-ereject na kada minuto.  Aba, paktay na dahil maski ano gawin ko napuno na ng ganitong messages yung screen ko. Para bang nilagyan ng post-it yung buong screen. Ang mga messages pa man din niya ay yung sa viagra at cialis at kung anu-anong bastos na subject taytol.

E di ano pa ang magagawa ko kundi magreformat at re-install ng lahat ng programs ko. Nakakaburat talaga dahil kakainstall ko pa lang ng bagong sistem nung Enero dahil sumemplang yung hard drive ko.  Nakakagigil din dahil hindi tuloy ako makapagblogging (uy blog adik na rin yata ako).

Read the rest of this entry »

Bagong Chapter ng Hell’s Angels

hellsangels_india_chapter2.bmp

Masyadong busy ngayon sa trabaho kaya share ko na lang itong picture ng bagong chapter ng Hell’s Angels sa India. Ang source of income daw nila hindi drugs, prostitution or extortion kundi… (you should have guessed it already)…. 5-6. Amoy pa lang, nakakasindak na. 

I Heart My Job

Kasalukuyang pumapasok ako sa isang IT/market research company dito sa Auckland. Itago na lang natin itong kumpanya ko sa pangalang ”Database Factory.” 

Sa totoo lang wala naman akong tunay na background sa market research except na nagtrabaho ako dati sa isang call centre bilang interviewer. Ito yung tumatawag sa bahay-bahay sa buong NZ para mangulit at makipagtsismisan mag-survey. Saka ko nalang ikwe-kwento itong dati kong trabaho na ito.

Noon nga na nag-exam ako para sa current job ko ay mayroon akong portion na hindi ko nakuha yung tamang sagot, pero na-justify ko naman kung bakit iba ang sagot ko (gumana ang pagkapilosopong pinoy hehehe).

Kino-consider ko na masuwerte ako dito sa current job ko. Una ay varied ang trabaho at hindi paulit-ulit. Dun sa team namin ay matutuwa ka sa iba’t-ibang survey na makikita mo, minsan pa nga ay survey na gawa sa pinas. Dahil dito ay hindi ako nabo-bore sa trabaho at ang bilis lang lumilipas ng working day. Ito marahil ang nagbibigay sigla sa akin maski na minsan sang tambak ang mga database na nakapila. Para sa akin ay importante na nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo dahil kung hindi ay magiging routine na lang ang ginagawa mo at mawawala yung focus mo sa trabaho.

Read the rest of this entry »

Prison Dance

Meron na namang video clip yung mga preso mula sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Kung na-a-alala niyo sila yung biglang sumikat last year nung sinayaw nila yung “Thriller”. Maganda nga itong naisip nila para sa welfare ng mga preso, ehersisyo na nalilibang pa sila. At pwede din silang mag-aplay na entertainer pag lumaya na.

Serbisyong Publiko

Paano ba magtrabaho para sa gubyerno? Malaki ba ang diferens kaysa magtrabaho sa pribadong sektor?

Matagal din akong nagtrabaho sa gubyerno, so paano ba ako napunta doon? Aktuali, wala naman akong balak magtrabaho dito sa sektor na ito. Siguro ang una sa aking nagenganyo para pumasok dito ay sa kadahilanang produkto ako ng isang pampublikong unibersidad.  Siguro masasabi nyong medyo “idealist” ako noon at gusto kong magserbisyo sa publiko (peks man, pramis, hope to die) .

Read the rest of this entry »

Baby Baboy

baboyanakko.jpg

Ay salamat at Biernes na naman! Ito kasing nakaraang buwan na ito ay talagang madugo ang o-trabs dito sa opisina. Nagkataon kasi na may sakit yung isang kasama ko kaya sa akin ang bagsak ng lahat ng trabaho.  Pero nakaraos din naman at medyo matumal ang trabaho ngayong araw na to, kahit na 3pm pa lang dito sa opis ay close shop na ako.

Dahil walang magawa ay pinuntahan ko yung funpic.  Aliw ako dito sa hungarian site na ito dahil parating updated and marami siyang categories. Pero na-intriga ako sa picture na nasa itaas.

Una kong tanong sa sarili ko, “Bakit yung isang ale ay baboy ang bitbit”?  Inisip ko na maari niyang pet ito at ipinasyal lang.  Pero sa pagkakakalong nung babae ay para bang sarili niyang anak yung kalong niya. Dinaig pa si Paris Hilton at ang chihuahua niya!

Ang pangalawang katanungan ay “Bakit nakabihis yung baboy ng pang-baby”? Napabungisngis ako at napaisip na uso din naman sa mga pets na aso at pusa yung binibihisan ng amo nila, so pwede rin siguro sa baboy. At nakabota pa ang hinayupak!

Pangatlong tanong ko sa sarili ko ay “Saan kayang lugar sila naroon”?. Alangan namang sa clinic dahil iba yung doktor ng tao sa hayop. Hindi rin siguro sa mall dahil “no pets allowed” di ba.

Ang panghuli kong tanong sa sarili ko ay “Kung yung babae ay turing baby talaga sa baboy, bine-breastfeed din kaya niya ito pagnagutom ito”? Nakakakilabot isipin kung ganun nga.

Kayo, ano sa tingin ninyo ang istorya sa likod ng larawan na ito?