Archive for the 'Toys 4D Big Boys' Category

Firebase Red

Nakayuko kami nung ka-buddy ko at dahan-dahan ang paghakbang papuntang tower ng kalaban. Tahimik pa, hindi pa nila alam na lumulusob kami. Tagaktak ang pawis ko habang hawak ko ang aking baril. Napahinto kami sa nung narinig naming biglang nagputukan dun sa bandang kaliwa namin. Sumenyas sa akin yung ka-buddy ko na tumuloy ulit kami. Ilang metro pa lang ay tumigil ulit kami para siyasatin kung nasaan yung objective namin ngunit sa sukal ng gubat ay wala kaming makita.

Kamalasmalasan ay muntik akong madapa at napahawak ako sa isang maliit na puno na nayugyog sa bigat ko. Ito ang nagpabisto sa posisyon namin at inulan kami ng bala. Daglian kaming dumapa ng kasama ko. Inangat ko ang ulo ko ng bahagya para magreturn fire pero splat - sapul ako sa facemask. Buti na lang yung paintball ay sa maskara lang tumama at hindi sa mukha, pero out of the game ako pansamantala hanggang hindi nakakalog-in and out sa staging base namin.

*******************************************************************************

paintballgear.bmp

Read the rest of this entry »

Mean As

sky01.JPGsky02.JPGsky03.JPG

Ito yung bagong kinalolokohan naming mag-aama ngayon. Ang tawag dito ay XMODS Custom RC at ito yung Skyline model. Nadiskubre namin ito nung nakaraang Pasko at ito yung hininging pamasko nung pangalawa kong anak na lalaki. 

Hindi ito yung tipong ordinaryong RC toy na nabibili sa toy department ng mga tindahan. Ito ay intended para sa big boys. Ang kaibahan nito sa ibang RC ay mayroon siyang independent suspension system. Pwede siyang i-customise - may upgrade ng makina, bodykits and drift tires. Pwede pang lagyan ng headlights/taillights and even neon lights sa ilalim. Pwede ding palitan yung gears niya (may drift, drag, road race & top speed settings) at lagyan ng heat sink para di mag-overheat yung makina.

Ang nakaka-aliw sa kanya ay para siyang tunay na kotse kung tumakbo. Considering its size, it is super fast. Sa totoo lang mas madalas akong maglaro nito kaysa mga anak ko. Dumadayo pa nga ako sa school ng bunso ko dahil mayroon dung bagong simento na court na perfect para patakbuhin ito. Bibili nga sana ako kangina ng isa pa ulit pero ang bilis naubos yung stock dun sa Farmer’s.

Kung gusto makakita kung paano ito tumakbo ay maraming video nito sa youtube. Just type xmod dun sa search.