Archive for the 'Pa-ek ek lang' Category

Top 3 Fave Websites Ko

Medyo natagalan bago ako nakapagpost muli sa dahilang balagoong na naman ako sa opis namin ngayon. Nagkataon naman kasing nagbakasyon sa England yung kasama kong controller ng database. Yun naman kasing chinese na baguhan kong kasama ay hinde pa naaasahan sa mga complikadong trabaho, tapos ililipat pa sa kabilang team. Haaays, mukhang madugo na naman ang susunod na four weeks ko.

Anyway, kapag mayroon akong oras mag-surfing sa opisina ay nakagawian ko nang magpunta sa sites na never fail na maka-aliw sa akin. Hinde ko isasali yung mga pinoy blogs na paborito ko ha maski araw-araw din ako sumisilip sa mga blogs ninyo. Ang mga sites na sumusunod ay updated daily at kung gusto mo talagang mag-ubos ng oras sa opisina ay magagawa mo ‘to dito.

  1. Drew Curtis’ Fark.com - Ito ang isa sa mga comprehensive sites na nakita ko dahil repository siya ng ’not ordinary’ news, meaning yung mga weird and unusual news. Ang ikinatutuwa ko pati dito ay yung ‘play’ nila sa headlines tulad ng Man finds rattlesnake. Decides to keep it as a pet. You win the prize if you guess what happens next or kaya Good news: “professional and discreet…a 10-day guarantee…100% professional we don’t charge in advance”. Bad news: Classified ads for hitmen in Mexico”.
  2. List Universe by Jaimie Frater - Itong site ng fellow kiwi ko ay updated din daily at nagpe-feature ng top lists at trivia ng kahit ano under the sun. Karamihan pa ng suggestions sa top lists ay galing sa readers.
  3. Snopes.com - Kung mahilig ka sa Mythbusters na palabas ay magugustuhan mo itong site na ito dahil dine-debunk din niya yung mga urban legends. Well researched yung mga topics dito at kung hinde man updated ito daily ay worth it pa din puntahan. 

Meron din akong mga peyborit blogs na madalas puntahan at honorable mention ang photo blog ni brommel - isang expat na tumira din ng matagal sa pinas pero ngayon ay based na sa Jakarta. Araw-araw din updated ng photos ang site niya. Isa pang honorable mention ang Waiter Rant na tungkol sa experiences ng isang beteranong waiter. Madami din akong nadiscover tungkol sa dining sa site na ito.

Meron pa sana akong idadagdag pero yung ibang sites na pinupuntahan ko ay may halong adult content. Para malinaw, hinde sila x-rated sites at hinde yung adult content ang pakay ko sa kanila ha (nagmalinis pa…utot). Anyway, tatalakayin ko sila sa ibang post.

UPDATE!

Dahil maraming nag-request ng links sa mga sites na may halong adult content, eto sila (warning some portions are NSFW/AO).

Funpic - Itong ay isang hungarian website na nadiscover ko habang nagsu-surf ng net kahahanap ng pics. Itong site na ito ay mayroong huge collection ng funny and interesting pictures. Bukod sa pics ay marami pa siyang dagdag tulad ng links sa featured photo blogs, latest technological gadgets, etc. At tulad ng sabi ko sa taas ay mayroon portion na may halong adult content.

Break - Paano ko ba idedescibe itong site na ito? Isipin nyo na lang na para siyang youtube pero selected lang yung vids. At bukod sa vids ay mayroon pa siyang pics saka flash games.  Ang inaabangan ko dito ay yung Break Galleries pero tulad ng sabi ko sa itaas ay may halong adult content ito.

Ay Bastos na Bata

Naka-engkwentro na ba kayo ng batang bastos? Yun bang kung anu-anong kalaswaan ang sinasabi at super alaskador?

Malamang oo, pero panoorin ninyo ito batang ito.

wannago1

themanshowboybeerstand1

 PS. Problematic na naman ako sa computer ko kaya hanggang dito na lang muna ako.

Ispup ni David Blaine Parts 4 & 5

Nakita ko na din yung dalawa pang episode ng mga ispup ni David Blaine. Actually, naipost ko na yung parts 1 to 3 sa isang post ko, pero natutuwa pa din ako sa mga sequels nito. Para mag-enjoy kayo ng husto sa video at ma-gets niyo ng maige ang storyline, recommended ko na panoorin ninyo muna yung unang tatlong video.

Pasok! David Blaine at dalawang juding!

Gusto Nyong Makita Yung Ka-chat Ko?

Ay salamat, mukhang na-update ko na yung blogroll ko. Kung may na-miss ako, sabihin nyo lang ha. Hinde kasi kasama yung blogroll sa pag-lipat ng files sa bagong host kaya nangapa lang ako.

——————————————————————————————-

Pansamantala, gusto ninyo makita yung ka-chat ko? Oo? Medyo may edad na ha pero sige, eto… Read the rest of this entry »

Kalokohang Hapon

Isa sa mga paborito kong panoorin na video sa internet ay yung mga japanese pranks. Marami nito sa youtube saka dun sa tvinjapan.com.

Ang gusto ko kasi sa mga japanese pranks ay “no holds barred” sila kung gumawa ng practical joke. Dun nga ako nagtataka, sa kagaguhan nung mga pranks ay hinde sila nadedemanda. Sabagay, iba kasi ang kultura nila.

Ang isa sa paborito kong show ay yung D1 na orig talaga yung mga pranks. Malamang nakita nyo narin itong mga pranks na ito pero i-po-post ko pa rin dahil da best sila sa paningin ko.

Massage Chair sa Ski Resort

Stunt Driver/Fake Taxi

Stunt Driver 2/Fake Police Car

(Ang biktima pa din dito sa stunt driver 2 ay yung actor sa una, natunugan niya yung driver nung fake taxi ay siya ding driver ng fake police car pero huli na ang lahat).

Meron pa akong paborito na hinde ko makita sa youtube, mas elaborate yung prank dahil may nahulog na kotse sa bangin tapos yung rescuer nahulog din. Heniways, hope you enjoy the videos.

Ispup ni David Blaine

Mahilig din ba kayo manood ng magic? Nung bata pa ako, hangang-hanga ako sa mga magikerong illusionist. Ang isa sa dabest illusions na napanood ko ay si David Copperfield na pina-disappear yung Statue of Liberty. Hindi ko din makalimutan yung tumawid din siya mula isang side ng Great Wall of China papunta sa kabila. Alam ko namang illusion lang ito, yun nga lang ay para bang palaisipan kung paano ginagawa ito ng mga magikero.

Sa ngayon ang mga sikat na illusionists ay si David Blaine at si Criss Angel. Meron akong nakitang ispup ni David Blaine sa YouTube, medyo luma na siya pero aliw pa din ako tuwing pinapanood ito. Nakakatawa yung expression nung gumaganap na David Blaine at mas lalo na yung dalawang juding na biktima niya.

Eto yung part 2 (para sakin mas nakakatawa ito kaysa part 1):

May part 3:

Marami pa siyang sequel sa YouTube (hanggang part 6 yata meron) pero itong unang tatlo yung kuwela.

Sana mapasaya kayo sa kagaguhan ng gumawa nitong vid.

Bagong Door Chain

Hay naku, isang linggo na akong walang broadband sa bahay. Mukha pating may problema yung dreamhost, nawawala yung isang post ko. Pag-inabot ka nga naman ng malas…

Anyways, may bago akong door chain, pero minsan inaabot akong ng limang minuto bago ko mabuksan ang pinto.

Bakit kanyo?

Tingnan nyo…

doorchain.jpg

Ken Lee Part 2

Nung una kong napanood yung part 1 nito sa blog ni Chillidobo ay natuwa ako. Mga alas tres ng umaga nun dito at nung pinatugtug ko ito muli ay nagising si esmi na humahagalpak ang tawa. Siguro inabot din kami ng mga 5 mins sa kakatawa.

Ito yung next installment na medyo improved na yung english ni Ken Lee (medyo lang ahahaha). Hope you guys enjoy the vid as well.

Bagong Chapter ng Hell’s Angels

hellsangels_india_chapter2.bmp

Masyadong busy ngayon sa trabaho kaya share ko na lang itong picture ng bagong chapter ng Hell’s Angels sa India. Ang source of income daw nila hindi drugs, prostitution or extortion kundi… (you should have guessed it already)…. 5-6. Amoy pa lang, nakakasindak na. 

Prison Dance

Meron na namang video clip yung mga preso mula sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Kung na-a-alala niyo sila yung biglang sumikat last year nung sinayaw nila yung “Thriller”. Maganda nga itong naisip nila para sa welfare ng mga preso, ehersisyo na nalilibang pa sila. At pwede din silang mag-aplay na entertainer pag lumaya na.

Baby Baboy

baboyanakko.jpg

Ay salamat at Biernes na naman! Ito kasing nakaraang buwan na ito ay talagang madugo ang o-trabs dito sa opisina. Nagkataon kasi na may sakit yung isang kasama ko kaya sa akin ang bagsak ng lahat ng trabaho.  Pero nakaraos din naman at medyo matumal ang trabaho ngayong araw na to, kahit na 3pm pa lang dito sa opis ay close shop na ako.

Dahil walang magawa ay pinuntahan ko yung funpic.  Aliw ako dito sa hungarian site na ito dahil parating updated and marami siyang categories. Pero na-intriga ako sa picture na nasa itaas.

Una kong tanong sa sarili ko, “Bakit yung isang ale ay baboy ang bitbit”?  Inisip ko na maari niyang pet ito at ipinasyal lang.  Pero sa pagkakakalong nung babae ay para bang sarili niyang anak yung kalong niya. Dinaig pa si Paris Hilton at ang chihuahua niya!

Ang pangalawang katanungan ay “Bakit nakabihis yung baboy ng pang-baby”? Napabungisngis ako at napaisip na uso din naman sa mga pets na aso at pusa yung binibihisan ng amo nila, so pwede rin siguro sa baboy. At nakabota pa ang hinayupak!

Pangatlong tanong ko sa sarili ko ay “Saan kayang lugar sila naroon”?. Alangan namang sa clinic dahil iba yung doktor ng tao sa hayop. Hindi rin siguro sa mall dahil “no pets allowed” di ba.

Ang panghuli kong tanong sa sarili ko ay “Kung yung babae ay turing baby talaga sa baboy, bine-breastfeed din kaya niya ito pagnagutom ito”? Nakakakilabot isipin kung ganun nga.

Kayo, ano sa tingin ninyo ang istorya sa likod ng larawan na ito?