Archive for the 'Kiwiana' Category

Rugby (Singhot, Singhot)

Isa akong adik sa rugby. Hinde yung solvent na sinisinghot ng mga batang kalye kundi yung larong rugby. Itong rugby ang pangunahing sport dito sa Aotearoa, kumbaga kung ano ang basketball sa Pinas, ang soccer sa Europe, ay yun ang rugby sa mga bansa sa British Commonwealth. Ito ay sumisikat na din sa mga ibang bansa.

Ang rason naman talaga sa post ko ngayon ay dahil nagsimula na yung Tri Nations series ngayong araw na ito at naglaban kangina ang NZ versus South Africa. Itong Tri Nations ay annual event na pinaglalabanan ng NZ, Australia and South Africa. As usual, panalo na naman ang NZ All Blacks.

Sieyempre noong bagong dating palang ako dito ay hindi ako pamilyar sa laro na ito dahil hinde naman ito uso sa pinas at puro basketball sa atin. Pero pagnakapanood ka na ng rugby ay madali ka maho-hook dito (nakaka-adik talaga) dahil mabilis ang game play nito at ang galing ng mga passing at kicking plays nila para makascore sa kalaban.

Pero bago maglaban, pagkatapos na pagkatapos ng national anthem ng dalawang koponan ay nagpe-perform ng traditional haka ang All Blacks. Itong haka na gamit nila ay hango sa warrior dance ng mga Maori. Unang pinerform ng All Blacks ang haka nung 1884 pa.Tuwing napapanood ko ito ay nag-iinit ang pagkakiwi ko.

Eto ang haka dun sa isang laban ng All Blacks versus Australia.

Sinong hinde masisindak diyan sa All Blacks pagsinayawan ka nila ng ganyan, ang lalaki pa manding tao yang mga yan. Ito nga palang version ng haka na ito ay yung bagong version na ‘Kapa o Pango’ na kung napansin ninyo sa ending nung vid ay meron kasamang “laslas ang leeg nyo” gesture.

Ang mga manlalaro nito ay kailangang mataas ang physical level, lalo na’t puro tackle ang ginagawa dito. Actually yung laro nga kanginang 9pm ay nilaro habang umuulan ng malakas sa kalagitnaan ng winter. Hinde lang basta umuulan ngayon sa NZ, may kasama pang hail stones yung ulan. Mukhang sisiponin ako sa sobrang lamig ngayong araw na ito kaya ako napapasinghot (o di alam nyo na kung bakit ganun yung taytol ng post ko).

Ang nagustuhan ko siguro sa rugby ay yung diskarte nila sa passing dahil sa rugby bawal ang forward pass, kailangan patalikod or pa-side yung pasa. Bilib din ako sa mga magaling sa kicking ng rugby ball dahil yung bola ay hinde bilog (Prolate spheroid siya) pero nako-control nila yung bola.

Para makita ninyo ang sinasabi ko, tunghayan ninyo ang isang tribute video kay Dan Carter na idol ko.

Pero sa totoo lang, hinde ko pinapayagang maglaro ng rugby yung mga anak ko dahil matinde ang mga physical injuries na nakukuha ng mga players dito. Lahat ng game na napanood ko ay may dumadanak na dugo.

Mt Ruapehu

Exactly a year ago, nagkayayaan ang tropa magpunta sa Mt Ruapehu, isang bundok sa gitna ng North Island na mayroong ski fields.  Actually, siya lang ang tanging lugar dito sa North Island na mayroong snow, ang lugar na puro niebe talaga ay South Island. Ngayong time of the year maganda magpunta sa Ruapehu dahil kasagsagan ng snow.

Dahil hinde kami makakabalik this year at dahil inggit ako sa mga travel blogs, ipapakita ko na lang yung pics namin last year.

Halos 5 oras din ang biyahe papunta doon (kasama na yung mga rest breaks). Itong Ruapehu ay  338 kilometers from Auckland pero maayos ang mga daan at maganda yung mga views na madadaanan papunta doon. Ang pinuntahan namin mismo ay yung Whakapapa ski field.

Sino ba yan? Akala mo kanya yung snowmobile, nakikisakay lang naman. Pero madaming nakapilang pinoy na gustong sumakay din dahil photo opportunity nga naman.

Ito yung unang ski-lift pataas, ang haba din ng pila bago makasakay. Peak season kasi nung nagpunta kami dito. Habang umaakyat kami sa taas ay nag snowboarding naman yung dalawa kong anak na lalake.

Ito yung view sa taas ng lift. Medyo makulimlim na nung dumating kami sa taas. Tingnan ninyo yung dalawang skier sa baba bandang kaliwa na animo’y langgam. May sense of danger din dito sa Ruapehu dahil active volcano siya at nag-erupt siya mga 2 months tapos naming magpunta. Buti na lang hinde inabot yung ski-fields.

Ito yung pababa na kami ng lift. Kung mapapansin ninyo sa gitna bandang kaliwa, may nadisgrasyang skier na nirerespondehan ng mga rescuer. Mukhang masama yung bagsak niya dahil nilagyan pa ng neck-brace at sinakay pa sa sled ng snowmobile pababa.

Tapos maglaro ng snow sa bundok, break muna para magposing sa harap ng isang Swiss-type chalet na isang hotel doon sa baba ng bundok.

Bago kami umuwi ay nagsidetrip din kami sa Huka Falls. Ang tubig dito ay galing doon sa bundok at ang haba ng ilog Waikato ay mahigit 400 kilometers.

Very exciting din makakita ng snow for the first time. Highly recommended ko na bisitahing mo itong lugar na ito kung mapupunta ka dito sa Aotearoa ng winter time.

Aksidente

Noong unang linggo ng Abril ay nagdesisyon si Luvsko na bumili ng sarili niyang sasakyan. Tulad ng naikwento ko dun sa isa kong post, ang sasakyan dito ay hinde luxury kundi necessity. Naging desidido siya bumili kasi may learner’s license na siya. Nahihirapan na din kasi siya mag-commute dahil nagbago na ang ruta ng bus dun sa pinagtratrabahuhan niya at lumayo na ang hintayan ng bus stop. Hindi na rin nagdadaan mismo sa kalye namin yung bus at malayo na rin yung pinakamalapit na babaan.

Nagkataon namang binebenta nung isang barkada yung luma niyang 1993 Honda Ascot. Binenta sa amin sa presyong kapatid at malaki ang natawad namin. Maganda naman ang pagkaka-maintain nung sasakyan at makinis pa, ang tingin ko ay nakaswerte kami.

Simula nung binili niya ito ay panay na ang praktis niya, nakikita ko namang natututo na magdrive. Konti pang praktis ay kukuha na siya ng restricted license - pag meron ka nito ay pwede ka na magmaneho ng walang kasama sa sasakyan pero hinde nga lang allowed magdrive mula 10pm hanggang 5am.

Noong 4 Mayo ay pumasok si Luvsko sa parttime niyang trabaho bilang caregiver sa ospital. Bandang 1pm ay naghanda na ako para sunduin siya. Nitong araw na ito ay malakas ang buhos ng ulan at kakatila lang nung nilabas ko ang sasakyan niya. Halos wala pang 300 meters sa bahay ay mayroong roadworks na ginagawa sa intersection na malapit sa amin. Nakasunod ako sa isang pickup truck ng sumignal ito pakanan at tumigil upang palampasin yung mga kasalubong niya. Nagpreno naman ako pero dumulas yung mga gulong ko dahil sa basang kalye at tinamaan ko yung pickup.

Dali-dali kong tinabi yung kotse ni esmi, at pinuntahan agad yung driver ng pickup para tingnan kung may nasaktan. Kinabahan kasi ako dahil nakita kong may mga bata na na pasahero yung pickup. OK naman daw sila at ako din naman ay kinumusta nung driver kung hinde daw ba ako nasaktan. Mabuti na lang at mabait yung nabangga ko at hinde yung tipong nagwawala tapos ng aksidente tulad sa pinas. Anlaking tao pa man din yung Maori na nabangga ko, kayang-kaya akong gulpihin.

Ang damage sa pickup niya? Nakupe lang ng konti yung kaha nung lumang pickup niya.

Ang damage sa sasakyan ni Luvsko? Yupi ang buong hood (parang nilukot na papel), wasak ang headlights, radiator, baterya at air cleaner. Ito ang hindi ko gusto sa Honda, parang lata lang ang kaha.

Iiling-iling nga yung Maori at sabing “worse off” daw yung sasakyan ko. Nagpalitan kami ng detalye nung Maori at nung tanungin ako kung tatawag pa kami ng pulis ay sabi ko hinde na dahil kasalanan ko naman. Ang sabi ko ay yung kanya-kanyang insurance company na lang ang mag-usap. Nagkamayan na lang kami at inuwi ko na yung sasakyan. Itinawag ko naman kaagad sa insurance company ko ang pangyayari at ibinigay ang insurance details dun sa Maori mismo nung araw na yun.

Kinabukasan ay dinala ko yung Honda sa isang panelbeater (yun ang tawag sa latero dito) para magpa-quote kung magkano ang aabutin sa pag-repair sa kotse. After 3 days ay ibinalita sa akin nung panelbeater na nagdesisyon yung insurance company ko na”i-write off” na lang daw yung Honda dahil yung presyo ng pagpagawa sa kanya ay pareho lang sa presyo na pagka-insure namin sa kanya. Yun pala, ang insurance companies dito ay ipapagawa lang yung sasakyan kung hindi aabot sa more than 2/3 ng insurance value niya. So ang nangyari ay babayaran na lang kami ng value ng sasakyan less yung “standard excess” na $300. Wala pa namang isang linggo ay resolbado naman lahat pati na yung pagbalik sa amin ng pera (hinihintay ko na lang pumasok sa bangko).

Pero nakakatakot pa din talaga ang aksidente, laking pasalamat ko sa Itaas na walang nasaktan.

Proud Kiwi

Today is a special occasion for me and my family. Just a few hours ago, we were awarded our New Zealand citizenship papers. Along with some 500 people, we attended our citizenship ceremony at the Bruce Mason Centre. After reciting an oath of allegiance to Queen Elizabeth II, we were given our respective certificates of citizenship.

Truth be told, I didn’t have any second thoughts about applying for citizenship in this great country. From the moment I arrived, I have been treated fairly and with respect. New Zealand has given me a second chance at life - to provide something better for my family especially for my children.

This is not to say that I’ve totally forgotten about the land of my birth. I will always hold the Philippines dear in my heart. I am still instilling in my children the positive values of our culture.

Actually, I feel that I have done my fair share in serving the Filipino people as I have worked in the public sector for most of my working life, majority of which I spent with the Office of the President and its attached agencies. I can proudly say that I have served the Philippines with conviction and integrity.

Now that I am a New Zealander, I am now committed to my adoptive country. I now join my fellow Kiwis in continuing to build a stronger independent country. New Zealand’s future is now our future.

Biyaheng Aotearoa

May nabasa akong report last year na ito daw Aotearoa* ay 3rd sa buong mundo sa ownership ng vehicles. Una lang ang US at pangalawa ang Saudi. Sa populasyong 4 million kasi, around 82 porsyento ang merong sasakyan dito sa NZ. Lahat na yata ng modelo ng sasakyan meron dito ultimo mamahaling sports cars. Dito naman kasi mayroon nga na public transport - yung bus primarily dito samin sa North Shore. Ang problema, may oras ang public transport hanggang hatinggabi lang. 

Nung baguhan pa ako dito at todo banat ng 2 jobs, yung 1st 9 months ko dito wala pa akong kotse. Ang mahirap lang ang labasan dun sa pangalawang trabaho ay eksakto 12midnight, wala na akong inaabot na bus. Nung una OK lang dahil malapit pa yung bahay kung saan ako nakiki-flatting, mga 30 minutes na lakad oneway. Nung una nakasama ko naman yung landlord ko sa second job kaya may nagpapasakay, pero nung nagresign siya ay no choice. Pero mahirap din gawin pagwinter na, madalas umuulan. Dito necessity talaga yung sasakyan lalo na kung hataw yung iskedyul.

bus_route_after12.bmp

Eto yung ruta ng bus sa hatinggabi na nakita ko kanina lang sa website nila kung halimbawa mula sa dati kong second job papunta dito sa amin ngayon. Tingnan nyo ha walang bus kundi taong naglalakad, may konsuwelo namang approximate time at distance.

Dito naman kasi ay madali makabili ng sasakyan sila pa ang mag-o-offer sayo ng car finance. Siempre mahal pa rin yung mga bago at halos bago. Pero dahil nag-i-import ang NZ ng secondhand vehicles mula Japan at ibang bansa ay mura kang makakabili ng secondhand. Yung mga japanesa car, makakatiempo ka ng mura at yung spare parts nila marami dito. May kakilala ako, nakabili ng roadworthy na kotse sa halagang $500 roughly 15 kitawsan pesos. Konting kutingting at palit ng piyesa kumakaripas na. 

Read the rest of this entry »

Eastah in NZ

Itong Easter holiday ang isa sa paboritong holiday ng mga kiwi. Ito yung panghuling long holiday ng summer kasi ang susunod na long holiday ay bandang June pa. Ang holiday na ito ay sakop mula Good Friday hanggang bukas na Easter Monday. Yung mga anak ko nga meron pang Easter Tuesday pero ang mga school na lang ang merong holiday na to (tingin ko tinatamad lang yung mga teachers nila, di nga sobrang dami ng holiday ng mga bata dito).

Karamihan dito ay lumalabas ng city para sa isang last hurrah sa summer. Sa amin simple lang ang holiday namin at di na kami nag-out-of-town pa. 

Maundy Thursday

Nung gabi nitong araw na to ay nagyaya na si luvsko na mag-grocery shopping dahil sarado ang mga supermarket ng Good Friday at Easter Sunday. Ang una naming pinuntahan ay yung bago naming nadicover na tindahan ng mga pinoy products (wala munang plugging, kailangan may bayad). Madami na din silang paninda, mura pa dahil sa bahay ang puwesto.

Tapos nito, nagpunta kami doon sa Foodtown, isa sa malaking grocery store dito. Maraming tao na namimili. Pero ang napansin namin ay karamihan ng mga item sa shelves ay may discount tag na. At yung discount nung karamihan ay malaki-laki ang matitipid mo (halos 20-30%).  Ako, natuwa din dahil yung mga beer lahat may discount pati yung mga premium na beer (kaya daw malaki tiyan ko sabi ni luvsko). Maya-maya lang nag-announce yung store manager na “All cooked and cut meat at the deli and all fish are now 50% off. Happy Eastah…”. Aba e dagli kagad kaming nagpunta at nakabili kami ng murang salmon belly at ibang pambaon sa school ng mga bata. Ito ang isang gusto ko sa NZ, pagnag-sale, sale talaga.

Read the rest of this entry »

I Heart My Job

Kasalukuyang pumapasok ako sa isang IT/market research company dito sa Auckland. Itago na lang natin itong kumpanya ko sa pangalang ”Database Factory.” 

Sa totoo lang wala naman akong tunay na background sa market research except na nagtrabaho ako dati sa isang call centre bilang interviewer. Ito yung tumatawag sa bahay-bahay sa buong NZ para mangulit at makipagtsismisan mag-survey. Saka ko nalang ikwe-kwento itong dati kong trabaho na ito.

Noon nga na nag-exam ako para sa current job ko ay mayroon akong portion na hindi ko nakuha yung tamang sagot, pero na-justify ko naman kung bakit iba ang sagot ko (gumana ang pagkapilosopong pinoy hehehe).

Kino-consider ko na masuwerte ako dito sa current job ko. Una ay varied ang trabaho at hindi paulit-ulit. Dun sa team namin ay matutuwa ka sa iba’t-ibang survey na makikita mo, minsan pa nga ay survey na gawa sa pinas. Dahil dito ay hindi ako nabo-bore sa trabaho at ang bilis lang lumilipas ng working day. Ito marahil ang nagbibigay sigla sa akin maski na minsan sang tambak ang mga database na nakapila. Para sa akin ay importante na nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo dahil kung hindi ay magiging routine na lang ang ginagawa mo at mawawala yung focus mo sa trabaho.

Read the rest of this entry »

Firebase Red

Nakayuko kami nung ka-buddy ko at dahan-dahan ang paghakbang papuntang tower ng kalaban. Tahimik pa, hindi pa nila alam na lumulusob kami. Tagaktak ang pawis ko habang hawak ko ang aking baril. Napahinto kami sa nung narinig naming biglang nagputukan dun sa bandang kaliwa namin. Sumenyas sa akin yung ka-buddy ko na tumuloy ulit kami. Ilang metro pa lang ay tumigil ulit kami para siyasatin kung nasaan yung objective namin ngunit sa sukal ng gubat ay wala kaming makita.

Kamalasmalasan ay muntik akong madapa at napahawak ako sa isang maliit na puno na nayugyog sa bigat ko. Ito ang nagpabisto sa posisyon namin at inulan kami ng bala. Daglian kaming dumapa ng kasama ko. Inangat ko ang ulo ko ng bahagya para magreturn fire pero splat - sapul ako sa facemask. Buti na lang yung paintball ay sa maskara lang tumama at hindi sa mukha, pero out of the game ako pansamantala hanggang hindi nakakalog-in and out sa staging base namin.

*******************************************************************************

paintballgear.bmp

Read the rest of this entry »

Auckland Luge

luge021.JPGluge01.JPGluge03.JPGluge041.JPG

Nung isang weekend ay nagpa-social event yung office namin sa Auckland Luge.  Itong lugar na ito ay mga 20 minutes lang ang layo mula sa amin. This luge ride is very similar to the Skyline Luge that you’ll find in Rotorua (one of the major tourist attractions in North Island).  If you are looking for a cheap and exciting way to entertain the kids during the weekend, I would highly recommend the place.

To get up the hill, there are two travellators (yung parang sa mall but gigantic version) and it takes about 8 minutes to get to the top. Habang nakasakay nga sa travellator ay naalala ko nung araw sa probinsiya ni ermat na gumagawa kami ng parang  go kart na ball bearing yung gulong at nagkakarera pababa ng daan.

Mayroong tatlong routes: the scenic route, intermediate route and the fast route. Mabilis nga dun sa fast route kaso parang maigsi masyado yung trip pababa dahil ng puro straightaway. Yung intermediate route pa din ang paborito ko.

Actually, mga ilang buwan palang ito bukas, hindi pa nga ayos lahat. Pero mayroon ding added attractions like V8 racing simulator, a mini golf course and my favourite - the segway.  I never imagined that I would be able to ride a segway that day because it was not part of the advertised features in the luge website.  The bloke I talked to said that it was just recently added and that these amazing vehicles cost something like NZ$10,000. I couldn’t quite understand how the segway works except that it is based on a gyro mechanism - you lean forward to go, lean backward to stop or reverse, and lean sideways to turn.  And the best part? It just takes a minute to learn to ride it.