Archive for the 'Isports' Category

Ang Ginto Ni Tom

Ang tagal ko din bago nakapag-blog muli, medyo abala lang sa trabaho at medyo tinamad din magsulat.

Ang aking isusulat ngayon ay isang parangal sa anak ng boss ng misis ko na si Tom Ashley. Nakilala ko itong si Tom mga 3 years ago dun sa annual Christmas dinner ng kumpanya ni misis. Isa siyang tahimik na tao, very unassuming. Ang kwento sa akin ay windsurfing daw ang pinagkaka-abalahan niya, at nanggaling pa daw siya sa Brasil para lang dito.  At that time, akala ko ay isang hobby lang niya ito.

Fast forward to this year, ang laking gulat ko nung sinabi sa akin ni misis na kasali daw si Tom sa NZ contingent sa Beijing Olympics. Natural ay naging excited kami dahil ngayon lang kami mayroong personal na kakilala na sumali sa Olympics.  Actually, hinde si Tom ganun kasikat among the NZ contingent nung umpisa dahil mayroong mga media favourites na na-overshadow siya. Pero yung mga media favourites na yan ay hinde nakadeliver sa performance nila at ang yung expected na makakagold ay kundi silver ay bronze lang.  

Enter Tom Ashley. Congratulations for winning NZ’s third gold medal in the Beijing Games, you’re a legend mate!!!

Rugby (Singhot, Singhot)

Isa akong adik sa rugby. Hinde yung solvent na sinisinghot ng mga batang kalye kundi yung larong rugby. Itong rugby ang pangunahing sport dito sa Aotearoa, kumbaga kung ano ang basketball sa Pinas, ang soccer sa Europe, ay yun ang rugby sa mga bansa sa British Commonwealth. Ito ay sumisikat na din sa mga ibang bansa.

Ang rason naman talaga sa post ko ngayon ay dahil nagsimula na yung Tri Nations series ngayong araw na ito at naglaban kangina ang NZ versus South Africa. Itong Tri Nations ay annual event na pinaglalabanan ng NZ, Australia and South Africa. As usual, panalo na naman ang NZ All Blacks.

Sieyempre noong bagong dating palang ako dito ay hindi ako pamilyar sa laro na ito dahil hinde naman ito uso sa pinas at puro basketball sa atin. Pero pagnakapanood ka na ng rugby ay madali ka maho-hook dito (nakaka-adik talaga) dahil mabilis ang game play nito at ang galing ng mga passing at kicking plays nila para makascore sa kalaban.

Pero bago maglaban, pagkatapos na pagkatapos ng national anthem ng dalawang koponan ay nagpe-perform ng traditional haka ang All Blacks. Itong haka na gamit nila ay hango sa warrior dance ng mga Maori. Unang pinerform ng All Blacks ang haka nung 1884 pa.Tuwing napapanood ko ito ay nag-iinit ang pagkakiwi ko.

Eto ang haka dun sa isang laban ng All Blacks versus Australia.

Sinong hinde masisindak diyan sa All Blacks pagsinayawan ka nila ng ganyan, ang lalaki pa manding tao yang mga yan. Ito nga palang version ng haka na ito ay yung bagong version na ‘Kapa o Pango’ na kung napansin ninyo sa ending nung vid ay meron kasamang “laslas ang leeg nyo” gesture.

Ang mga manlalaro nito ay kailangang mataas ang physical level, lalo na’t puro tackle ang ginagawa dito. Actually yung laro nga kanginang 9pm ay nilaro habang umuulan ng malakas sa kalagitnaan ng winter. Hinde lang basta umuulan ngayon sa NZ, may kasama pang hail stones yung ulan. Mukhang sisiponin ako sa sobrang lamig ngayong araw na ito kaya ako napapasinghot (o di alam nyo na kung bakit ganun yung taytol ng post ko).

Ang nagustuhan ko siguro sa rugby ay yung diskarte nila sa passing dahil sa rugby bawal ang forward pass, kailangan patalikod or pa-side yung pasa. Bilib din ako sa mga magaling sa kicking ng rugby ball dahil yung bola ay hinde bilog (Prolate spheroid siya) pero nako-control nila yung bola.

Para makita ninyo ang sinasabi ko, tunghayan ninyo ang isang tribute video kay Dan Carter na idol ko.

Pero sa totoo lang, hinde ko pinapayagang maglaro ng rugby yung mga anak ko dahil matinde ang mga physical injuries na nakukuha ng mga players dito. Lahat ng game na napanood ko ay may dumadanak na dugo.