Archive for the 'Islas de Pilipinas' Category

Puntong Rizal

map of teresaKangina nung maydowntime ako sa trabaho ay nag-web surfing ako at natiyempuhan ko yung isang site tungkol sa isang migrants association sa Estados Unidos para sa hometown ng ermats ko. Ang lugar na iyon ay Teresa, Rizal at ito ang bayan na susunod sa Antipolo.  Bale ito yung nasa baba ng bundok ng Antipolo at yung daan pababa ay zigzag.  

OK ang childhood memories ko doon. Ang Teresa noon ay mostly agricultural pa yung economy pero mayroon ding mga cement factory na siyang ikinabubuhay nung ibang residente doon. Napakalapit ng Teresa sa Manila pero probinsyang-probinsya ang dating niya nung araw.

Madalas ako magbakasyon doon nung bata pa ako, pagsummer umaabot pa nga ako ng isang buwan. Dahil unang apo ay medyo spoiled kay Amang at Inang (yung grandparents ko sa side ni ermats). Ang paborito kong request kay Inang tuwing umaga ay gatas ng kalabaw, na isasabaw sa kanin at lalagyan ng konting asin. Negosyante sina Amang at Inang, may poultry at wholesaler ng paninda dun sa palengke. Successful naman business nila at napagtapos ang walo nilang anak.

Iba yung laro sa labas ng bahay kaysa yung ginagawa ng bagong henerasyon ngayon. Noon ay nagpako lang ako ng tatlong pirasong kahoy, naglagay ng isang pako bilang trigger - instant thompson machine gun na! Pabulusok ang kalye dun sa kila Amang kaya ang paborito naming laro ay yung karera ng mga home-made na sasakyang animo’y go-cart pero ball bearing ang mga gulong. Isa pang masayang salihan ay yung patintero na maramihan-yung hanggang walo kabilaan at saka taguan (lalo na sa gabi). Ang isa pang uso doon ay yung paggawa ng higanteng saranggola - ang tawag ay bulador - na minsan pa nga ay itinatali nila pag magdidilim na pero sa kinabukasang umaga ay lumilipad pa din pagbalik mo. Ang daming kalabaw dun nung araw at madalas kami sumasakay sa likod nito. Minsan may nagpapasakay din sa paragos (yung parang sled na gawa sa kawayan) na hilahila nung kalabaw.

Pagsummer ay madalas kami doon sa lupa nila Amang na may tanim na mangga. Iba pa rin ang lasa ng mangga sa atin. Pagseason naman ng mais at mane ay pumupunta kami doon sa kapatid ng lola ko na yun ang mga tanim.

Matagal na may rumor na dito daw sa lugar na ito ng Rizal province naibaon yung treasure ni Yamashita. Meron pa nga daw na nakahukay na ng bahagi nito (di ko alam kung totoo o hinde) pero may mga mangilan-ngilan din na taong bayan ang nagka-gold fever. Marami na ang mga naghukay kung saan-saan pero puro bigo. Yun ngang bunsong kapatid ni ermats ay nahawa din at naghukay minsan na pagkalalim-lalim…”Nakow malapit na, konting hukay na lang!”…..wala din.

Ang mapanasin mo sa lugar na ito ay yung puntong Rizal - yung ibang accent ng Tagalog. Ito yung pagkakaiba sa tono ng pagtatagalog at paggamit ng ibang nuance ng mga words. Ang halimbawa ay ang word na ‘katawan’ na binibigkas natin ng diretso, sa puntong Rizal ay nagiging ‘kataw-an’ (may konting break sa huli). Yung ibang words din may may letrang ‘D’ ay pinapalitang ng ‘R’, example ay rikit-rikit ang mga bunrok. Meron ding sariling slang tulad ng ‘buklat’ (short for ‘binuklat ka sa ilalim ng bato’) na ibig sabihin ay pangit ka.

Ganito ang dialogue doon (isipin mo ang punto ni Vic Ongasis sa Iskul Bukol habang binabasa ito at kuha mo na yung puntong Rizal):

Kapitbahay1: Hoy mare, parika rine at magtaglay ka ng rahon ng malunggay. Gusto ko kasi maghanra ng nilagang karne at inihaw na isra, pampalakas ng kataw-an.

Kapitbahay2: Sige mare, nasa raan na ako. Nakow, tanas ang tsinilas ko manghihiram muna ako sa katapatir ko. Banghirap gumala ng nakapaa.

Kapitbahay1: Huwag kang is-le! Magparausos ka nalang papunta rine. Baka kita’y mamura.

Kapitbahay2: Isa kang buklat bruka! Ay hu-o, pariyan na nga ako. Ika’y masyadong maramramin. Yung sanrok mo nakita kong nakasabit sa ringring namin, dalhin ko na rin ngay-on. Itali mo nga ng lubir ang inyong aso at baka ako’y hagarin.

 Miss ko na din itong lugar na ito, pero six months to go na lang makikita ko na uli.

Lakbayan Tag ni Lyzius

Ni-tag ako ni Lyzius tungkol sa mga narating ko nang lugar sa Pinas. Sa totoo naman talaga, aminado akong bitin ako sa paglalakbay sa sariling bansa. Dito sa Lakbayan website, makikita mo kung gaano na kalayo ang narating mo sa Pinas. Nais ko itong ipasa kila Lawstude, Jinkee at Ardyey

********************************************

Show me how much of the Philippines have you travelled &add your link here…1) Mind bubbles, 2) May, 3) VANITY KIT 4) SOMETHING PURPLE,5.) A DETOUR, 6) Big Eyed Gal, 7) The Chronic Shopper,8) Free IT and Blogger’s EBook, 9) Ness 10) Mica11) Bernadeth 12. Bernisaac 13. Expressions and Thoughts14. Our Family Story 15. Mumsified 16. J-B-L-O-G-G-E-D17. Dakilang Islander 18. Si Lyzius Sa Dubai 19. Madbong (NZ) 20. add your name here


My Lakbayan grade is C!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Click mo na lang yung link ng Lakbayan para makuha mo resulta mo.

Prison Dance

Meron na namang video clip yung mga preso mula sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Kung na-a-alala niyo sila yung biglang sumikat last year nung sinayaw nila yung “Thriller”. Maganda nga itong naisip nila para sa welfare ng mga preso, ehersisyo na nalilibang pa sila. At pwede din silang mag-aplay na entertainer pag lumaya na.

Serbisyong Publiko

Paano ba magtrabaho para sa gubyerno? Malaki ba ang diferens kaysa magtrabaho sa pribadong sektor?

Matagal din akong nagtrabaho sa gubyerno, so paano ba ako napunta doon? Aktuali, wala naman akong balak magtrabaho dito sa sektor na ito. Siguro ang una sa aking nagenganyo para pumasok dito ay sa kadahilanang produkto ako ng isang pampublikong unibersidad.  Siguro masasabi nyong medyo “idealist” ako noon at gusto kong magserbisyo sa publiko (peks man, pramis, hope to die) .

Read the rest of this entry »

Holdap ‘To, Taas Ang Kamay

Nung nakaraang buwan, nagkaroon ng holdapan dun sa may Milford Beach which is only a block from where I work. May limang kabataan na nanggulpe at nangholdap ng magsingirog na nakaparada lang sa may beach.  Hindi pa nakuntento, nanggulpe at nagholdap pa uli ang mga mokong ng isa pang magsingirog na naglalakad naman sa may bandang Takapuna. May binugbog pang isang binata na naglalakad dun sa Takapuna beach. Mabilis naman rumesponde yung mga pulis.  Ilang araw lang ay huli na kaagad yung mga mokong.

Nakakabahala din itong mga krimen na nangyayari dito sa North Shore.  Mayroon din akong dalawang kasama sa work na nabiktima last year - yung isa na-isnatch yung bag sa Milford mall, samantalang yung isa ay ninakaw yung kotse sa parking lot nung mall. Hindi na ba safe ang New Zealand?  Well, bilang isang pinoy ay masasabi ko lang na wala pa ding sinabi ang krimen dito kumpara sa atin.  Pagnagbabasa nga ako inquirer.net ay hindi man lang major news ang mga patayan at nakawan sa atin at pangkaraniwan mo lang ito mababasa sa balita.

Read the rest of this entry »