Nakaw
Sorry talaga mga kapatid at medyo busy lang talaga kasi naghahabol sa overtime para may pambaon paguwi sa pinas next month. Yes, mga tsokaran, uuwi kami ng pamilya sa pinas after 5 years dito sa Niew Zeeland. Kaya i-ready na ninyo yung crispy pata, inihaw na bangus/tilapia, at iba pang pagkain na wala dito sa Aotearoa.
Pero kangina ay may nangyaring hinde namin inaasahan. Sa kaunaunahang pagkakataon sa pagtira namin dito sa NZ ay ninakawan kami. Ganito ang pangyayari…..
Dahil rubbish/recycling day bukas ay nagsimula akong magayos ng mga basura at mga bote/papel nung pagdating ko galing opisina. Nung nagawi ako sa garahe at binuksan ang pinto ay parang may kulang doon sa istante. Aba, nawawala yung 2 document case kong bago na nakakahon pa. Dali-dali kong sinilip yung set ko ng car speaker na nandun sa kabilang shelf. Nak ng pateng, wala na din!
At doon ko napansin na yung pinto ng cabinet at nakatiwangwang din, at yung tent kit namin saka yung ibang gamit na pang-camping ay tsuge na din. Pati na yung ibang panglinis ko sa kotse at ibang car accessories ay natangay din. Walang patawad at pati spraypaint na kalahati na lang yata ang laman ay kinursunada din. Mabuti na lang at hinde natangay yung industrial sewing machine/overlocker ni luvsko dahil may kalakihan at kabigatan ito. Siguro ang halaga ng nanakaw sa amin ay wala pa namang NZ$250 (hinde pa nga natangay nung magnanakaw yung pangloob ng tent, ay tanga!) pero nakakakaba pa ding isipin na nilusob ng kawatan ang lugar mo.
Ang pasalamat ko ay hinde yung bahay ang nilooban dahil naka-alarm ang bahay (nakahiwalay kasi yung garahe sa bahay namin). Medyo may kasalanan din ako dahil hinde ko nai-lock yung pinto sa garahe. Pero nakakatakot pa din ang pangyayari dahil paano na lang kung inabot ng mga anak ko yung mga magnanakaw nung pag-uwi nila galing eskwela? Ang tangi nalang na nagawa ko ay abisuhan ang mga kapitbahay sa nangyari at i-report ang insidente sa pulis. Kinontak naman ako nung burglary section agad after ilang oras upang kunin ang detalye pero duda ako na may mangyayari pa dahil mahirap naman talagang resolbahin ang ganitong burglary.
Di bale at naniniwala naman ako sa karma. Alam kong may balik naman ito sa kung sino mang nagnakaw sa amin. Mapeperwisko ka ding hayup ka!!
Explore posts in the same categories: Kiwiana, Nakakaburat, Pamilyado
November 21st, 2008 at 1:51 pm
prevention is better than cure… so next time ingat na lang kayo… and atleast walang nangyaring masama sa inyo…
mang badoy’s last blog post..oh my GOD?
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
badz, yun na nga lang pasalamat ko na walang nangyaring masama sa amin. yung gamit madaling palitan.
[Reply]
November 21st, 2008 at 3:19 pm
pati din dyan may nakawan…buti sa garahe lang..ingat nalang sa susunod!
dakilang islander’s last blog post..Firework chaser
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
d islander, maski saang parte ng mundo di mawawala ang kawatan pero jan sicuro sa inyo ay bihira dahil maliit na isla lang ang bermuda
[Reply]
November 21st, 2008 at 4:05 pm
sus moriones, nakakarating pala sa inyo yung mga ganon. pero mabuti naman at hindi sa loob ng bahay at hindi sa oras na nadoon kayo.
jinkee’s last blog post..Rangitoto trek
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
mareng jinkee, tingin namin bagets yung nagnakaw dahil sa mga partikyular na items na kinuha niya - spraypaint, tent at mga pc/ps2 games ng mga anak ko.
di ba kayo inalok ng maori ng hangi? hehe
[Reply]
November 21st, 2008 at 4:43 pm
sad to hear the news. sa susunod kuya make sure na safe yung bahay para makaiwas sa mga magnanakaw. buti nga di marami nanakaw sa inyo.
beero’s last blog post..Drinking Do’s and Dont’s
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
beero, gusto ko nga bumili ng guard dog yun nga lang hinde amin tong bahay.
[Reply]
November 23rd, 2008 at 2:58 am
grabe naman yun… delikado din pala dyan.
napadaan lang po at nakibasa at naki comment =)
lalaine’s last blog post..LED Watch
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
hi lalaine, salamat sa pagpunta sa site ko. hirap ako magcomment sa site mo
[Reply]
November 23rd, 2008 at 5:25 pm
buti na lang talaga at di nadatnan ng mga anak mo…ipagpasalamat mo na lang sa diyos at maging maingat na lagi…papano sa darating na bakasyon n’yo….may maiiwanan ba para magbantay?
mahuli man ang mga yon ay wala ring silbi dahil ang kaparusahan lang sa pagkakaalam ko ay number of hours of community service lang….
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
arabongpinoy, haaay sinabi mo. dito wala namang kwenta ang parusa sa mga kriminal, para lang pinalo mo sa kamay.
[Reply]
November 24th, 2008 at 1:38 pm
tsk tsk. ang hirap nga naman sa mga mapagsamantalang tao. sana tubuan ng sandamukal na pigsa sa pwet yang nagnakawa sa inyo.
maiba tayo. uwi pala kayo dito! yuhoooo!
inuman? lols
jeck’s last blog post..Rich Girl, Poor Boy
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
pareng jeck, aba siyempre eb at inuman tayo hehe
[Reply]
November 24th, 2008 at 3:29 pm
kelan uwi mo parekoy???
sana makauwi rin kami…
makikiinom na rin pag nagpainom ka!
hehehehe
lyzius’s last blog post..Nagtaksil Ako kay Chroneicon
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
jing, sana makauwi ka din para magkita tayo
[Reply]
November 24th, 2008 at 4:22 pm
buti rin at walang nangyari sa inyo. advantage din talaga na naka alarm yung bahay. siguro lagyan nyo na rin ng alarm ang garahe nyo.
nga pala, baka gusto mong makibyahe pag uwi mo sa pinas.
dong ho’s last blog post..kayaking boracay
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
wow pareng dong, salamat sa pagimbita sakin sa biyahe, saan ba itinerary mo sa enero? e-mail kita pag dating ko jan.
[Reply]
November 24th, 2008 at 5:33 pm
di bale sagot ko ang sisig.
karmahin sana nagnakaw.
lawstude’s last blog post..Procrastinating @ Caragman Cove
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
lawstude, gusto ko sisig saka yung seafood na recipe mo, yung na sa post mo hehe
[Reply]
November 26th, 2008 at 7:29 pm
ganun? me nakawan din pala diyan? siguro dahil malalaki bahay diyan tapos magkakalayo ang kapit bahay kaya di pansinin. heniway, ganyan talaga ang buhay. bawiin mo na lang sa hataw pagdating sa pinas. ako nga, maglalakad na lang pagdating doon dahil di ko pa kaya palitan ang na carnap kong sasakyan.
r-yo’s last blog post..Mt. Fuji, At Long Last!
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
aryo, maliit lang bahay namin. tingin ko yung nagnakaw ay oportunista lang. uuwi ka din pala ngayong pasko?
[Reply]
November 26th, 2008 at 8:22 pm
shet. uuwi na sya!!!. pasalubong!!!!! gusto ko yung bundok dyan sa new zealand lols.
di baleng manakawan wag lang masunugan.
sama ko sa inuman ha?
popoy’s last blog post..SUSO
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
poy, sige dalhan kita ng bundok hehe.
[Reply]
November 26th, 2008 at 10:43 pm
wahahaha! oo bumabalik naman yun. baka me pagka eng eng yung tulisan na yun. malay mo laklakin nya yung spray paint? nyahahahh!
naks, uuwi na kaw…. kelan kaya ako? haaayyyyy
BURAOT’s last blog post..Piktyur Piktyur: I Zipper Mo Bibig Mo
[Reply]
madbong reply on November 27th, 2008:
buraot, honga tingin ko sinisinghot nya yung fumes ng spraypaint hehe. bakit di ka umuwi? dami mo namang ipon a
[Reply]
November 28th, 2008 at 2:21 pm
uuwi ka? wow!!! daan ka naman dito bigyan mo kami ng gatas galing sa d%@U ng cow. hahahah! Ingat sa pag uwi and enjoy the vacation.
Ingat din dyan sa house nyo. tsk! tsk! sa susunod sabihin mo, “swiper no swiping!” hahahah! Pag uwi mo naman sa atin at may snatcher, sabihin mo “snatcher no snatching!” hahahaha! adik na din ako kay dora parang c tifa.
Hersy’s last blog post..And This is it!
[Reply]
madbong reply on November 30th, 2008:
hersy, ahahaha mahilig din ako kay dora. wala pa bang snow jan sa inyo sa tsina?
[Reply]
December 2nd, 2008 at 5:23 pm
huli na ba ako????
kuya….pasalubong…
kala ko po walang mga kawatan dyan sa NZ,meron din po pla…
ingat po kau at happy trip po…
rio’s last blog post..Ang Sampung Kalokohan ni Rio
[Reply]
December 4th, 2008 at 3:25 pm
mahina ako sa conversion pero mukhang may kalakihan din yung presyo ng nawala sa inyo pero at least walang ngyari masama sa mga bata at sa inyo na rin. siguro small time magnanakaw lang yan at naligaw sa lugar nyo..dagdag ingat na lang siguro pre!
malapit na pala kayo umuwi ng pinas! maninibago ka siguro sa makikita mo rito.
gasti’s last blog post..booklat
[Reply]
December 15th, 2008 at 11:51 am
nakuuuuuuu….. mag-ingat na lang next time… ang importante ay hindi kayo nasaktan o ano man…
ifoundme’s last blog post..santa, that’s all i want this (next) year
[Reply]