Shopping Adbentyurs

Kangina ay nagyaya si Luvsko na kumain kami sa mall ng dinner dahil sobrang pagod daw siya at ayaw niyang magluto. Sumangayon naman ako dahil gusto ko din magikot sa mall dahil late night shopping dito sa NZ pagka-Thursday.

Bago kami kumain ay humirit si Luvsko na tumingin kami ng luggage para sa naka-schedule naming pag-uwi sa pinas ngayong pasko.  Doon sa store na member siya ay cardholder’s day pala ngayon at lahat ng items sa store ay mula 25% to 50% ang discount. Dahil nga malaki ang matitipid ko sa luggage ay kumuha ako ng kusunada kong luggage. Napansin ko na may pangalawang mas maliit luggage na nakapasok doon sa loob nung malaking luggage. Akala ko ay kasama talaga ito. Hinde naman ako nagtanong pa at binili ko na lang siya. Aba, laking gulat namin pagdating sa bahay na hinde pala talaga kasama yung mas maliit na luggage doon sa original na luggage dahil meron itong price tag na separate. At ang mas malaking ikinagulat namin ay meron pang isang mas maliit na pangatlong luggage doon sa loob ng pangalawang luggage.  Ang hula ko ay tinamad yung stocker/filler ng luggage na paghiwa-hiwalayin yung mga luggage nung dumating ito as new stock.  Ngayon ang tanong, dapat ko bang ibalik yung extra na dalawang luggage? Hinde sa madupang ako pero sira-ulo na siguro ako kung ibabalik ko pa ito.

Balik tayo dun sa kwento ko sa mall. Nung makakain na kami ay nag-ikot kami sa mga ibang store.  Doon naman sa peyborit na clothing store ni misis ay 50% all clothing at nabili na din sa wakas ni Luvsko yung noon pa niya kursunadang damit na sabi niya ay hinde niya bibilhin hanggat hinde nagsale. Habang nandooon si Luvsko ay humirit kaming magaama na doon kami sa kalapit na shoe store. Sa totoo lang may shoe fetish ako dahil nga hirap akong bumili ng size 12 na sapatos sa pinas pero wala akong balak bumili kangina.  Pero nung nakakita ako ng royal elastics shoes na 75% off - mula $209.95 ay naging $49.95 na lang - di ko natiis bumili. Humirit din ang bunso ko ng puma shoes na dating $189.95 na ngayon ay $49.95 na lang din.  So kung kakalkulahin ko ay nakamenos ako ng $300. Siguro pang ika 14th pair of shoes ko na ito (para akong si Imelda).

At hinde pa dito nagtapos ang shopping adbentyurs namin. May nakita din kaming women’s clothing store na ibang klase ang sales gimmick - lahat ng clothing ay binagsak sa $7 ang price. Aba, kaya pala dinudumug ng mga tao yung tindahan.  E di pinabili ko na si Luvsko ng mga pasalubong na damit kay ermats at sa utol ko.

Ito ang gusto namin ni Luvsko sa NZ, pagnagsale ay sale talaga at malaki ang discounted price. Di tulad sa pinas na sale daw pero malaki na kung makakita ka ng lalampas ng 10%. At saka dito ay walang counterfeit or itsapeyk goods, tiyak mo na orig yung brand na binibili mo. Mas okey pa din mag-shopping dito sa Aotearoa.

Explore posts in the same categories: Kiwiana, Pamilyado

30 Comments on “Shopping Adbentyurs”

  1. kengkay Says:

    weeee… am sure libre na yung luggages na andun. kasi kung talagang may bayad yun e may i bukas din yung mga tindera di ba? ang aga ng pasko nyo ha. mas masarap talaga mag shopping kapag sale lalo na kung bagsak presyo, kami kapag uuwi ng pinas sa bangkok kami nag shopping ng pasalubong, mas mura, hahaha. inggit naman ako, uwi kayo pinas ngayong pasko, pangarap din namin yan.

    kengkay’s last blog post..na-hack si kengkay

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    mareng kengkay, ngayong lang kami makakauwi after 5 years, ikaw yata ay madalas umuwi.

    [Reply]

  2. dakilang islander Says:

    oo nga wag mo na isauli malay mo secret gift pala nila yun…hehhe
    ang sarap nyo nman makauwi ngayong pasko…

    dakilang islander’s last blog post..Sand Sculpture 2008

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    dakilang islander, hinde ko talaga ibabalik. papasko na nila yun sakin hehe

    [Reply]

  3. jinkee Says:

    sana sale pa bukas!

    jinkee’s last blog post..Skul holiday

    [Reply]

    Jinkee reply on October 5th, 2008:

    nakapunta ako sa ValleyGirl. Nakabili ako ng apat na tig $7. hi hi hi

    Jinkee’s last blog post..Skul holiday

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    jinkee, grabe sale ng valley girl ano? pero yung branch nila sa westfield albany walang sale.

    [Reply]

  4. ponchong Says:

    tumpak..! ibang klase talaga pag nagsale dito sa abroad. binababa talaga nila hanggang 70% o kung munsan nga todo na ang presyo kaya talagang pagtatabihan ng budget. hirap kasil dito sa suisse, mahal talaga ang bilihan kaya antay lang pagsale kasi bagsak presyo.

    good luck sa bakasyon.

    ponchong’s last blog post..FALL-en

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    ponchong, rinig ko nga mahal jan sa suisse.

    [Reply]

  5. kiwipinay Says:

    galeng ano? daming bagsak presyo. sarap mag-shopping!

    kiwipinay’s last blog post..maligayang bati!

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    kp, siguro panay dress smart mo hehe

    [Reply]

  6. Kroaky Says:

    Ang cool! May libreng 2 luggages.hehe

    Ang daming sale! Sarap bumili.hehe

    Kroaky’s last blog post..Stop it.

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    kroaky, salamat sa pagbisita. dalaw ka lang parati ha.

    [Reply]

  7. mangyan ako Says:

    sarap talaga magshopping kung maraming sale.. xx xx xx

    hilig rin ako sapatos, basta kung nalulungkot ako, punta lang ako ng tindahan ng sapatos (na parang sinadyang katabi lang ng accomodation ko), bili ako ng sapatos, tapos ang lungkot - at may bago pa akong sapatos.. xx xx xx..

    kita-kits parekoy sa pasko!

    mangyan ako’s last blog post..Si Juan at ang Alimangong Pinoy

    [Reply]

    madbong reply on October 6th, 2008:

    pareng marvin, uuwi ka din pala sa pasko ha! sige kita tayo dun

    [Reply]

  8. donG hO Says:

    sarap nga pag sale. hirap lang kung walang pera.

    donG hO’s last blog post..Balaring: food tripping

    [Reply]

    madbong reply on October 7th, 2008:

    dong, minsan lang naman pinagbibigyan ang sarili, saka hinde ako bibili kung hinde talaga bagsak presyo.

    [Reply]

  9. lyzius Says:

    pareho tayo parekoy na may shoe fetish…pero pareho kami ni luvsmo na hindi bibili hanggat hindi sale…me extra bulsa kasi ako sa balat kaya hirap na hirap ako bumunot ng pera kapag pang shopping espree lang…

    pero kapag pagkain yan, all mine to give naman ako…

    lyzius’s last blog post..Ang Alamat ng XX ni Lyzius

    [Reply]

    madbong reply on October 7th, 2008:

    mareng jing, basta pag nasa ibang bansa bawal magconvert hehe

    [Reply]

  10. beero Says:

    ang agang xmas shopping nun ah. sana naman meron pa sa kin. lols. buti naman uuwi kayo sa pasko. iba pa rin kasi ang pasko dito sa pinas.

    beero’s last blog post..Prinsipe Ng Banyera at Videoke King

    [Reply]

    madbong reply on October 7th, 2008:

    beero, iba talaga pasko sa pinas kaya ngayon pa lang ay excited na kami umuwi.

    [Reply]

  11. lawstude Says:

    hey. musta na?

    buti ka pa pashopping-shopping na lang sa NZ.

    ingat lagi.

    lawstude’s last blog post..Boracay Sunset

    [Reply]

    madbong reply on October 7th, 2008:

    atty. oman, ayus lang parekoy. grabe na sa dami ang nagko-comments sa blog mo, top notch talaga!

    [Reply]

  12. ifoundme Says:

    waaaahhhh!!! ayoko na! ayoko na talaga makabasa ng mga kagaya nito. hehehee! joke lang…. hay naku… siguro nz is not for me. ngayon, they are questioning the validity of the curriculum of nurses who are 2nd coursers. so since 2nd courser ako, eto, ibang plan na naman ang gagawin ko. i hope everything will fall on their right places.

    ifoundme’s last blog post..I as a being

    [Reply]

    madbong reply on October 9th, 2008:

    ifm, may plano ka din naman sa us di ba?

    [Reply]

  13. donG hO Says:

    sarap pala magshopping dyan. tsaka peaceful din daw talaga. may pinsan ako dyan.

    donG hO’s last blog post..a unique church mural

    [Reply]

    madbong reply on October 9th, 2008:

    pareng dong, peaceful kumpara sa pinas pero nakakabahala na din yung krimen. tapos dito pa man din parang mas may karapatan yung kriminal. meron ditong store owner, sinaksak sa hita ng isang nagtangkang mangholdap sa kanya. dumepensa lang siya at hinataw niya ng hockey stick yung nanaksak sa kanya. aba e store owner pa ang nacharge ng pulis.

    [Reply]

  14. gasti Says:

    wuy pards uuwi ka na pala? at sa birthday ko pa. how sweet! lols!

    ang saya naman ng sale dyan..tama ka dito puro 10% off lang makikita mo. mahal pa rin kahit sale na. ang hilig ko hindi sapatos kundi action figures. ewan ko ba. gusto ko lang magcollect..hehe!

    balitaan mo ako pag ansa pinas ka na ah! maglalatag ako ng redcarpet.

    [Reply]

  15. kotsengkuba Says:

    grabe naman sale yan? hahaha, presyong ukay-ukay na ayan a. hahaha, sana makakita rin ako ng ganyang sale na hindi japeyks!

    kotsengkuba’s last blog post..Get this, punk. YOU HAVE NOTHING ON ME.

    [Reply]

  16. BURAOT Says:

    tol ako size 9 ha? hehehhe.

    tenkyusa linkback. sasalpak ko din ang link mo, kaso me kundisyon. kelangan ko ng 125 x 125 pic ng blog mo. ala entrecard, maarte yung blogroll ko eh. hehhhe.

    BURAOT’s last blog post..Pasyal Pasyal

    [Reply]

Comment: