Archive for October, 2008

Dose,Trese

Friday, October 31st, 2008

Wala akong magawa sa opis ngayon dahil tapos na lahat ng tatapusin at may panahon ako para linisin ang aking working folders.  Kalilinis ay nakita yung isang file ko na kala ko ay nabura ko na noon. Hokey, bibigyan ko kayo ng isang palaisipan.  Yang pichur sa itaas, bilangin ninyo kung ilan ang tao tapos bilangin ninyo ulit sila tapos nila magswitch. Paano nagiging trese ang dose?

Update (Sagot sa puzzle)

Mga kapatid, eto ang sagot sa puzzle na nakita ko din sa isang blog.

(more…)

Buraot’s Prenship Award

Tuesday, October 28th, 2008

Ako ay natutuwa sa award na binigay sa akin ni pareng Buraot. Ito ay isang prenship award. Nakakataba ng puso na mayroong blogger na nakaka-alala sa iyo lalo na’t galing sa isang bigating blogger tulad ni Buraot.  Nagpapatunay na bibibigyang value niya ang aming samahan maski sa mundo ng blogging lang kami nagkakilala. Balak ko pa man ding umutang sa kanya.

Ngayon naman, ipapasa ko itong prenship award sa mga sumusunod na bloggers na ka-prenship ko:

Ardyeytology

Dakilang Islander

Lyzius

Panaderos

Dong Ho

Lawstude

R-Yo

 

Who Is Your Height With?

Thursday, October 9th, 2008

Kangina ay nabaybay ako sa isang website at nalaman ko na ka-height ko pala si Bridgit Nielsen (naging ex ni pareng Stallone), si Haring Henry the VIII at si Weird Al Yancovic - to name a few. Nalaman ko din na hanggang kilikili lang ako ng world’s tallest man na si Leonid Stadnyk. Akala ko nun si Di Caprio ay katamtaman, six footer pala siya.

Who is your height with? (Sinu-sino ang ka-height ninyo?)

click mo sa baba para bumukas yung link


 

Shopping Adbentyurs

Thursday, October 2nd, 2008

Kangina ay nagyaya si Luvsko na kumain kami sa mall ng dinner dahil sobrang pagod daw siya at ayaw niyang magluto. Sumangayon naman ako dahil gusto ko din magikot sa mall dahil late night shopping dito sa NZ pagka-Thursday.

Bago kami kumain ay humirit si Luvsko na tumingin kami ng luggage para sa naka-schedule naming pag-uwi sa pinas ngayong pasko.  Doon sa store na member siya ay cardholder’s day pala ngayon at lahat ng items sa store ay mula 25% to 50% ang discount. Dahil nga malaki ang matitipid ko sa luggage ay kumuha ako ng kusunada kong luggage. Napansin ko na may pangalawang mas maliit luggage na nakapasok doon sa loob nung malaking luggage. Akala ko ay kasama talaga ito. Hinde naman ako nagtanong pa at binili ko na lang siya. Aba, laking gulat namin pagdating sa bahay na hinde pala talaga kasama yung mas maliit na luggage doon sa original na luggage dahil meron itong price tag na separate. At ang mas malaking ikinagulat namin ay meron pang isang mas maliit na pangatlong luggage doon sa loob ng pangalawang luggage.  Ang hula ko ay tinamad yung stocker/filler ng luggage na paghiwa-hiwalayin yung mga luggage nung dumating ito as new stock.  Ngayon ang tanong, dapat ko bang ibalik yung extra na dalawang luggage? Hinde sa madupang ako pero sira-ulo na siguro ako kung ibabalik ko pa ito.

Balik tayo dun sa kwento ko sa mall. Nung makakain na kami ay nag-ikot kami sa mga ibang store.  Doon naman sa peyborit na clothing store ni misis ay 50% all clothing at nabili na din sa wakas ni Luvsko yung noon pa niya kursunadang damit na sabi niya ay hinde niya bibilhin hanggat hinde nagsale. Habang nandooon si Luvsko ay humirit kaming magaama na doon kami sa kalapit na shoe store. Sa totoo lang may shoe fetish ako dahil nga hirap akong bumili ng size 12 na sapatos sa pinas pero wala akong balak bumili kangina.  Pero nung nakakita ako ng royal elastics shoes na 75% off - mula $209.95 ay naging $49.95 na lang - di ko natiis bumili. Humirit din ang bunso ko ng puma shoes na dating $189.95 na ngayon ay $49.95 na lang din.  So kung kakalkulahin ko ay nakamenos ako ng $300. Siguro pang ika 14th pair of shoes ko na ito (para akong si Imelda).

At hinde pa dito nagtapos ang shopping adbentyurs namin. May nakita din kaming women’s clothing store na ibang klase ang sales gimmick - lahat ng clothing ay binagsak sa $7 ang price. Aba, kaya pala dinudumug ng mga tao yung tindahan.  E di pinabili ko na si Luvsko ng mga pasalubong na damit kay ermats at sa utol ko.

Ito ang gusto namin ni Luvsko sa NZ, pagnagsale ay sale talaga at malaki ang discounted price. Di tulad sa pinas na sale daw pero malaki na kung makakita ka ng lalampas ng 10%. At saka dito ay walang counterfeit or itsapeyk goods, tiyak mo na orig yung brand na binibili mo. Mas okey pa din mag-shopping dito sa Aotearoa.