Ang Ginto Ni Tom
Ang tagal ko din bago nakapag-blog muli, medyo abala lang sa trabaho at medyo tinamad din magsulat.
Ang aking isusulat ngayon ay isang parangal sa anak ng boss ng misis ko na si Tom Ashley. Nakilala ko itong si Tom mga 3 years ago dun sa annual Christmas dinner ng kumpanya ni misis. Isa siyang tahimik na tao, very unassuming. Ang kwento sa akin ay windsurfing daw ang pinagkaka-abalahan niya, at nanggaling pa daw siya sa Brasil para lang dito. At that time, akala ko ay isang hobby lang niya ito.
Fast forward to this year, ang laking gulat ko nung sinabi sa akin ni misis na kasali daw si Tom sa NZ contingent sa Beijing Olympics. Natural ay naging excited kami dahil ngayon lang kami mayroong personal na kakilala na sumali sa Olympics. Actually, hinde si Tom ganun kasikat among the NZ contingent nung umpisa dahil mayroong mga media favourites na na-overshadow siya. Pero yung mga media favourites na yan ay hinde nakadeliver sa performance nila at ang yung expected na makakagold ay kundi silver ay bronze lang.
Enter Tom Ashley. Congratulations for winning NZ’s third gold medal in the Beijing Games, you’re a legend mate!!!
Explore posts in the same categories: Isports
September 1st, 2008 at 11:32 pm
parekoy ang tagal mong nawala…wow naman ang swerte nyo me kilala kayong personal na sumali at nanalo sa olympics…
papichur ka pre tas post mo din dito…
Lyzius’s last blog post..New Home Here We Are
[Reply]
madbong reply on September 4th, 2008:
mareng jing, hinihintay ko nga dumalaw siya sa workplace ni misis para papichur
[Reply]
September 2nd, 2008 at 6:08 am
well cum back pare!
astig, ramdam ko ang excitement mo na nagkaron ka ng kakilalang olympian, at naguwi pa ng gold!
madami din akong kilalang surfers, mga bata sa navotas at malabon na nakasakay sa isang piraso ng styrofoam at nagsasagwan patawid ng ilog.
R.J.’s last blog post..billboard
[Reply]
madbong reply on September 4th, 2008:
ardyey, may kilala din akong surfer sa mga kanal hehe…malapit ka na maging tatay wehey!
[Reply]
September 2nd, 2008 at 1:38 pm
galing naman niya! hiramin mo yung medal nya tapos pose kang parang olympic winner!
r-yo’s last blog post..Sour Grapes, Anyone?
[Reply]
madbong reply on September 4th, 2008:
r-yo yan nga ang hinihintay kong photo opportunity, inaabangan ko talaga
[Reply]
September 3rd, 2008 at 5:39 pm
wow. buti pa NZ may ginto na. tayo kaya kailan?
welcome back parekoy.
lawstude’s last blog post..The Rocker and the Roller
[Reply]
madbong reply on September 4th, 2008:
lawstude, ang first olympic gold medal ng nz nun pang 1912. sports minded naman kasi talaga ang mga tao dito. uy binoto na pala kita bro
[Reply]
September 4th, 2008 at 3:05 am
tagal mong nawala parekoy! ganda pa naman ng mga entry mo puro pasabog! heheh i think napanood ko ‘to sa tv naks naman kilala mo pala ‘to..bigatin!
dakilang islander’s last blog post..Bellagio Fountain Show
[Reply]
September 4th, 2008 at 7:49 am
Congratulations to your friend for such an achievement. Matindi iyan!
Welcome back to blogging!
Panaderos’s last blog post..“Take 5″ Tag
[Reply]
September 4th, 2008 at 1:23 pm
maligayang pagbabalik, parekoy!
ayos, nakipagkiskisan ka na pala ng siko sa isang olympian. pwede kayang hiramin yung gold medal nya at gawing platito para sa pulutan? lols
jeck’s last blog post..A fairy tale (Part 2)
[Reply]
September 11th, 2008 at 9:34 am
apir parekoy! kababalik ko lang din. antagal mong nawala talaga a.
akala ko ginto mo talaga a.
ponchong’s last blog post..KWENTA-han tayo!
[Reply]