Tabing Dagat
Tuesday, September 16th, 2008Ngayong Setyembre officially nagumpisa ang spring dito sa New Zealand. Medyo malamig pa din ang simoy ng hangin pero lumalabas na si haring araw, di tulad nung winter na puro ulan at makulimlim ang panahon.
Isa sa mga paboritong aktibidad namin (ako at mga kaopisina ko) ay magpunta sa beach tuwing pananghalian. Masuwerte kami at ang beach ay nasa dulo lang ng kalye ng opis namin. Yung iba kong kasama sa trabaho ay tumatakbo habang kami naman ng mga kasama kong pinoy ay nagwo-walking lang pero estima ko ay umaabot din kami ng 5 hanggang 6 kilometro balikan sa paglalakad.
Hayaan ninyo akong ipakita sa inyo ang aming kapaligiran.

Eto ang daan papuntang beach. Ang madadaanan mo dito ay yung mga mamahaling bahay. Itong lugar na ito ang isa sa mga pinaka-expensive na residential area sa buong NZ. Haaay, kailan kaya ako mananalo ng lotto?
Doon sa side namin ng beach ay mabuhangin at mas maganda puntahan ito pag-summer. Bakit kanyo? Dahil madaming naka two-piece na nagkalat sa beach. Yun nga lang, yung tubig ay malamig pa din maski summer na, parang galing sa refrigerator.
At ang mismo harap ng beach ay yung Rangitoto Island na isang dormant na volcano. Sabi nung ibang scientist ay extinct na daw, sabi naman nung iba ay maari pa daw sumabog. Kung sakaling puputok pa ito ay abot kami. Tingnan ninyo na lang yung mga volcanic rocks sa beach na ibinuga nitong bulkan noong huli niyang pagsabog mga 600 years ago.
Etong lugar na ito ay halfway na sa ruta namin sa paglalakad. Pag high tide at medyo malaki ang alon ay mayroon pang nag-su-surfing. dito.
Eto naman ang dalawa kong kasamang pinoy sa trabaho, ang aking mga kasangga sa opisina (siyempre sino pa ang magkakampihan). Lintek sa posing, kala mo nasa cover ng music album! Magpopost ulit ako ng pictures ng beach pag may naka-two piece na.











