Top 3 Fave Websites Ko
Medyo natagalan bago ako nakapagpost muli sa dahilang balagoong na naman ako sa opis namin ngayon. Nagkataon naman kasing nagbakasyon sa England yung kasama kong controller ng database. Yun naman kasing chinese na baguhan kong kasama ay hinde pa naaasahan sa mga complikadong trabaho, tapos ililipat pa sa kabilang team. Haaays, mukhang madugo na naman ang susunod na four weeks ko.
Anyway, kapag mayroon akong oras mag-surfing sa opisina ay nakagawian ko nang magpunta sa sites na never fail na maka-aliw sa akin. Hinde ko isasali yung mga pinoy blogs na paborito ko ha maski araw-araw din ako sumisilip sa mga blogs ninyo. Ang mga sites na sumusunod ay updated daily at kung gusto mo talagang mag-ubos ng oras sa opisina ay magagawa mo ‘to dito.
- Drew Curtis’ Fark.com - Ito ang isa sa mga comprehensive sites na nakita ko dahil repository siya ng ’not ordinary’ news, meaning yung mga weird and unusual news. Ang ikinatutuwa ko pati dito ay yung ‘play’ nila sa headlines tulad ng “Man finds rattlesnake. Decides to keep it as a pet. You win the prize if you guess what happens next“ or kaya “Good news: “professional and discreet…a 10-day guarantee…100% professional we don’t charge in advance”. Bad news: Classified ads for hitmen in Mexico”.
- List Universe by Jaimie Frater - Itong site ng fellow kiwi ko ay updated din daily at nagpe-feature ng top lists at trivia ng kahit ano under the sun. Karamihan pa ng suggestions sa top lists ay galing sa readers.
- Snopes.com - Kung mahilig ka sa Mythbusters na palabas ay magugustuhan mo itong site na ito dahil dine-debunk din niya yung mga urban legends. Well researched yung mga topics dito at kung hinde man updated ito daily ay worth it pa din puntahan.
Meron din akong mga peyborit blogs na madalas puntahan at honorable mention ang photo blog ni brommel - isang expat na tumira din ng matagal sa pinas pero ngayon ay based na sa Jakarta. Araw-araw din updated ng photos ang site niya. Isa pang honorable mention ang Waiter Rant na tungkol sa experiences ng isang beteranong waiter. Madami din akong nadiscover tungkol sa dining sa site na ito.
Meron pa sana akong idadagdag pero yung ibang sites na pinupuntahan ko ay may halong adult content. Para malinaw, hinde sila x-rated sites at hinde yung adult content ang pakay ko sa kanila ha (nagmalinis pa…utot). Anyway, tatalakayin ko sila sa ibang post.
UPDATE!
Dahil maraming nag-request ng links sa mga sites na may halong adult content, eto sila (warning some portions are NSFW/AO).
Funpic - Itong ay isang hungarian website na nadiscover ko habang nagsu-surf ng net kahahanap ng pics. Itong site na ito ay mayroong huge collection ng funny and interesting pictures. Bukod sa pics ay marami pa siyang dagdag tulad ng links sa featured photo blogs, latest technological gadgets, etc. At tulad ng sabi ko sa taas ay mayroon portion na may halong adult content.
Break - Paano ko ba idedescibe itong site na ito? Isipin nyo na lang na para siyang youtube pero selected lang yung vids. At bukod sa vids ay mayroon pa siyang pics saka flash games. Ang inaabangan ko dito ay yung Break Galleries pero tulad ng sabi ko sa itaas ay may halong adult content ito.

July 16th, 2008 06:32
pwede mo bang isama sa pang apat yung site ko? hahahaha
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
FB, pwedeng-pwede hehe
[Reply]
July 16th, 2008 22:04
I checked Drew Curtis at mukhang masaya nga siya. Post mo agad ang adult sites ha. Responsible naman kami e. heheh
r-yo’s last blog post..Plus 7 Years? Why Not!
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
r-yo, updated na yung post…jan na yung sites na may adult content
[Reply]
July 17th, 2008 18:26
thanks for dropping by marikit. naaliw naman ako sa paggamit mo ng salitang “balagoong”.
huling rinig ko dyan bata pa ako. 
christine’s last blog post..A Basket of Updates
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
christine, salamat din sa pagdalaw sa blog ko.
[Reply]
July 18th, 2008 04:03
ngayon ko lang narinig tong mga sites na to. mabisita nga.
donG hO’s last blog post..finding katutubo village - porac
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
dong, hope you enjoy my recommendations.
[Reply]
July 18th, 2008 07:20
ok yung list universe ah, informative. Syanga pala, William yung pangalan ng kakilala ko, tinuro ko na site mo. Kayo na lang mag usap. I think he wants to look for a job there. Salamat marami!
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
bro mark, bigay mo lang sa kanya yung e-mail address ko.
[Reply]
July 18th, 2008 08:48
hi! wala lang.hehe
mhar’s last blog post..Through to life story (nosebleed) and true to life story.
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
mhar, sa call center ka pala nagtratrabaho.
[Reply]
July 18th, 2008 16:57
tnx sa info. i’ll check the sites later. sana pati yung link ng adult sits na hindi exreyted lols.
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
lawstude, inupdate ko na yung post ko…malakas kayong dalawa ni dong sa akin
[Reply]
July 18th, 2008 21:57
ahahaha..kuya o! yung mga kalalakihan nating bloggers ay intresado sa adult site na pinupuntahan mo..post mo din daw at pati ako ay makiki usi din..lols..
try ko nga ding puntahan yang mga sites na pinupunthan mo mukhang ok e=)
rio’s last blog post..Yes or No?
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
rio, anjan na..pwede ka na din maki-usi hehe
[Reply]
July 19th, 2008 20:56
ok ‘yong list ah… mahilig din ako sa mga urban legends na yan, so siguro mapapadalas ako sa snopes.com…. mmmhh.. sige na nga try ko na rin ‘yong “break”… he he he..
mangyan ako’s last blog post..Tambyolo ng Buhangin
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
mangyan, mahilig ka din pala sa urban legends. grabe pala talaga ang sandstorm.
[Reply]
July 19th, 2008 23:34
ako fave ko inquirer.net
at wetter.com
kengkay’s last blog post..Ayaw Talaga
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
mareng kengkay, mahilig din ako magpunta sa mga gossip sites tulad ng pep.ph para updated sa tsismis ahahaha
[Reply]
kengkay reply on 22 July, 2008:
nye, di ko alam yang pep na yan, mapuntahan nga
kengkay’s last blog post..Toro
[Reply]
July 20th, 2008 12:51
Thanks for the recommendations. Masubukan nga iyong mga sites na ito. Lalo na iyong mga may adult content. Hehehe
Panaderos’s last blog post..A Long and Winding Road
[Reply]
madbong reply on 20 July, 2008:
panaderos, walang anuman…hope you enjoy my recommendations
[Reply]
July 21st, 2008 10:22
wala pa rin bang bago? hehe
mhar’s last blog post..taym pers portion: ang problemang kabayo…
[Reply]