Rugby (Singhot, Singhot)

Isa akong adik sa rugby. Hinde yung solvent na sinisinghot ng mga batang kalye kundi yung larong rugby. Itong rugby ang pangunahing sport dito sa Aotearoa, kumbaga kung ano ang basketball sa Pinas, ang soccer sa Europe, ay yun ang rugby sa mga bansa sa British Commonwealth. Ito ay sumisikat na din sa mga ibang bansa.

Ang rason naman talaga sa post ko ngayon ay dahil nagsimula na yung Tri Nations series ngayong araw na ito at naglaban kangina ang NZ versus South Africa. Itong Tri Nations ay annual event na pinaglalabanan ng NZ, Australia and South Africa. As usual, panalo na naman ang NZ All Blacks.

Sieyempre noong bagong dating palang ako dito ay hindi ako pamilyar sa laro na ito dahil hinde naman ito uso sa pinas at puro basketball sa atin. Pero pagnakapanood ka na ng rugby ay madali ka maho-hook dito (nakaka-adik talaga) dahil mabilis ang game play nito at ang galing ng mga passing at kicking plays nila para makascore sa kalaban.

Pero bago maglaban, pagkatapos na pagkatapos ng national anthem ng dalawang koponan ay nagpe-perform ng traditional haka ang All Blacks. Itong haka na gamit nila ay hango sa warrior dance ng mga Maori. Unang pinerform ng All Blacks ang haka nung 1884 pa.Tuwing napapanood ko ito ay nag-iinit ang pagkakiwi ko.

Eto ang haka dun sa isang laban ng All Blacks versus Australia.

Sinong hinde masisindak diyan sa All Blacks pagsinayawan ka nila ng ganyan, ang lalaki pa manding tao yang mga yan. Ito nga palang version ng haka na ito ay yung bagong version na ‘Kapa o Pango’ na kung napansin ninyo sa ending nung vid ay meron kasamang “laslas ang leeg nyo” gesture.

Ang mga manlalaro nito ay kailangang mataas ang physical level, lalo na’t puro tackle ang ginagawa dito. Actually yung laro nga kanginang 9pm ay nilaro habang umuulan ng malakas sa kalagitnaan ng winter. Hinde lang basta umuulan ngayon sa NZ, may kasama pang hail stones yung ulan. Mukhang sisiponin ako sa sobrang lamig ngayong araw na ito kaya ako napapasinghot (o di alam nyo na kung bakit ganun yung taytol ng post ko).

Ang nagustuhan ko siguro sa rugby ay yung diskarte nila sa passing dahil sa rugby bawal ang forward pass, kailangan patalikod or pa-side yung pasa. Bilib din ako sa mga magaling sa kicking ng rugby ball dahil yung bola ay hinde bilog (Prolate spheroid siya) pero nako-control nila yung bola.

Para makita ninyo ang sinasabi ko, tunghayan ninyo ang isang tribute video kay Dan Carter na idol ko.

Pero sa totoo lang, hinde ko pinapayagang maglaro ng rugby yung mga anak ko dahil matinde ang mga physical injuries na nakukuha ng mga players dito. Lahat ng game na napanood ko ay may dumadanak na dugo.

40 Responses to “Rugby (Singhot, Singhot)

  • 1
    lyzius
    July 6th, 2008 03:25

    hello parekoy….kala ko sa rugbyng solvent eh…wow pare heavy! ambigat tol!

    lyzius’s last blog post..Masabaw ba Talaga si Waw Sabaw?

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    mareng lyzius, para kang naka-solvent pag napanood ka ng live game ahehehe.

    [Reply]

  • 2
    ponchong
    July 6th, 2008 07:35

    medyo iniintroduce na rin yan dito sa amin banda pero di ako masyado familiar sa rules ng laro kaya siguro medyo di interesting sa akin. pero lately lang din nahook ako sa football, para kasi itong wine dito. at tulad mo pareng madbong, ayoko ko lang din dito ay masyadong physical at mataas ang chance ng injuries kasi nga contact sport pero ibang klase ang naibibgay na saya. anyway, Spain ang champion ngayon sa EUROFOOT.

    ponchong’s last blog post..KALYO

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    ponchong, uso din naman dito ang soccer pero hinde kasing popular ng rugby.

    [Reply]

  • 3
    Panaderos
    July 6th, 2008 08:52

    Magmumukhang syoke ang mga football player dito sa States pag hinilera sa mga iyan. Aside from the helmet, sagana sa padding ang mga football players dito and kung magsisigaw pa minsan eh akala mo na they’re playing the toughest sport in the world. :)
    Panaderos’s last blog post..Something Worth Pondering

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    c-baker, oo magmumukha nga silang syoke pag kinumpara sa players ng rugby. meron din namang padding yung ibang rugby player, pero pagkanipis-nipis nito.

    [Reply]

  • 4
    rimewire
    July 6th, 2008 13:56

    ay sayang kala ko may kasama na kong adek sa ragbing solbent dito sa blogospir

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    rimewire’s last blog post..Those Lips That Love’s Own Hand Did Make

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    rimewire, salamat sa pagdaan, pareho pala kayong elyen ni ferbert. tumitira din ako ng solvent ahehe

    [Reply]

  • 5
    linglingbells
    July 6th, 2008 14:25

    natutuwa nga ako diyan sa pineperform nila before ang game.. :D
    linglingbells’s last blog post..Donut

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    lingling, pagnapanood mo ng live yung haka ay nakakasindak talaga.

    [Reply]

  • 6
    donG hO
    July 7th, 2008 02:40

    astig! sana nakabili ka ng copy ng national geographic ng july 2006. meron nga din pala akong vcd ng mga greatest football moments of all time.

    donG hO’s last blog post..the man behind the colors of the philippine islands

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    uy pareng dong, mahilig ka din pala sa footy. ano ang meron dun sa geographic? try ko maghanap kangina dun sa used books/magazines pero wala akong makita.

    [Reply]

  • 7
    kengkay
    July 8th, 2008 20:42

    ayan, andyan ka kasi sa NZ kaya adik adik ka na rin sa rugby:) nung asa pinas ako nagstay sa hotel where i worked yung isang rugby team ng australia… nay ko po.. ang lalaking mama at halos lahat sila yung mga mukha nila e tagpi tagpi na dahil nga sa larong rugby. sempre may photo ops, ahahaha, di ko makita yung sarili ko at natabunan ako ng mga malalaking mama.

    kengkay’s last blog post..si kengkay e influential blogger?

    [Reply]

    madbong reply on 8 July, 2008:

    kengks, di kasi uso dito ang basketball kaya nalipat sa rugby. hrm ka pala.

    [Reply]

  • 8
    r-yo
    July 8th, 2008 22:46

    ei! thanks for the visit. I have always thought that rugby is interesting pero di ko talaga siya maintindihan. siguro, kailangan ko muna tumira dyan sa NZ, ano? :-) At ang galing ng takutan ng teams!

    r-yo’s last blog post..Proudly Pinoy?

    [Reply]

    madbong reply on 9 July, 2008:

    r-yo, salamat din sa pagdaan. ako din nung una di ko maintindihan pero nakuha ko din after ilang panood. meron na ding japan rugby team na sumali sa pacific nations cup kelan lang. tingnan mo dito…..http://www.rugbyjapan.com/

    [Reply]

  • 9
    mangyan ako
    July 9th, 2008 00:37

    astig ‘tong rugby na ‘to, football rin ‘to diba? pero dito dapat talaga astig ang player kasi ‘yong hindi giba ka dito.. parang mas masarap manood kesa maglaro.. he he he..tsaka mas masara panoorin kung umuulan, ‘yong ang putik putik ng field…

    mangyan ako’s last blog post..Bisi

    [Reply]

    madbong reply on 9 July, 2008:

    mangyan, honga mas masarap manood kesa maglaro hehe.

    [Reply]

  • 10
    FerBert
    July 9th, 2008 08:11

    nakakanood ako ng larong ganito sa isang sports cable channel dito sa pinas.. matagal ko ng gustong laruin to kaso wala naman akong kalaro dito.. i love blood! gusto ko yung dumadanak ng dugo.. it’s so you know. yeah.. i dont know.. lol

    [Reply]

    madbong reply on 9 July, 2008:

    FB, pwede tayong maglaro kung gusto mo lols

    [Reply]

  • 11
    Maldito
    July 9th, 2008 09:28

    ayoko na sa kanila.indi satisafctory ang performance nila dahil madaming may nalate sa steppings…ahahha…

    ang lalaki nila..pootah,kung ako ang nag join dyan sa kangkongan nalang ako pupulutin..katakoot…

    ahhehee……join ka bro..baka ma known kapa wordlwide at tawaging Pinoy Rugby boY!

    o di ba ang hard core?ahahahhaa…

    Maldito’s last blog post..Buntis Society

    [Reply]

    madbong reply on 9 July, 2008:

    maldito, ano ko bale? para akong nagsuicide kung yung mga yan ang makakabangga ko ahahaha
    meron daw cebu city rugby football club a

    [Reply]

  • 12
    rio
    July 9th, 2008 16:41

    kuya, hindi ako mahilig sa ganitong laro kaya hindi ko napapanood ito..hindi tuloy ako maka relate..huhu!!…
    pwede pa kung PBA ang usapan, makikipagtalastasan ako ng galing sa pagkokomento lalo na kung ginebra ang kuponan..hehehe

    rio’s last blog post..June was my EB month

    [Reply]

    madbong reply on 9 July, 2008:

    rio, mali ang hula ko ngek! blooming ka ngayon ha ahehe

    [Reply]

    rio reply on 11 July, 2008:

    sabi naman sau kuya e..hindi nga! ahaha..
    blooming? ayos ah!..bumabawi ka ba dahil talo ka? hehe

    rio’s last blog post..Tag ng mga kuya kong weirdo

    [Reply]

    madbong reply on 12 July, 2008:

    si rosario talaga…..ahehehehe

  • 13
    mang BADoy
    July 9th, 2008 17:27

    nakakanood ako ng larong ganito sa isang sports cable channel. i love blood! gusto ko yung dumadanak ng dugo.. patayan na.. hehehe

    mang BADoy’s last blog post..BABALA: Yahoo Messanger Fraud

    [Reply]

    madbong reply on 9 July, 2008:

    badoy, ahahaha tingnan mo yung comment ni ferbert sa taas, halos pareho yung sinabi nyo…parang iisa lang kayong tao

    [Reply]

    mang BADoy reply on 10 July, 2008:

    uu nga nakakaloko yun a…

    mang BADoy’s last blog post..BABALA: Yahoo Messanger Fraud

    [Reply]

  • 14
    dakilang islander
    July 10th, 2008 16:11

    masyadong physical ang laro na ‘to feeling ko basag mga buto ko pagmabangga ng ganito kalaki

    dakilang islander’s last blog post..US airlines sucks!!

    [Reply]

    madbong reply on 11 July, 2008:

    d islander, sa bermuda siguro soccer ang uso.

    [Reply]

  • 15
    lawstude
    July 10th, 2008 20:42

    nakakapanood ako nyan sa star sports pero di ko talaga naiintindihan ynag laro na yan. nakakatuwa lang kasi mabilis ang action tapos may mga dugo-dugo pa.

    lawstude’s last blog post..Governor’s Island

    [Reply]

    madbong reply on 11 July, 2008:

    bro oman, nagsearch ako kangina sa net meron na din palang philippine rugby team. di ko lang alam kung magaling sila.

    [Reply]

  • 16
    beero
    July 11th, 2008 16:35

    mahilig akong maglaro pero di ko siguro kakayanin ang rugby. masyadong physical ang larong to. pang-maskulado lang to. hehe. mas ok pa sa kin ang pagsinghot ng rugby. hehe

    beero’s last blog post..Itchy Conversation

    [Reply]

    madbong reply on 13 July, 2008:

    beero, pareho pala tayong nagka-allergy sa seafood. ako naman sa alupihang dagat.

    [Reply]

  • 17
    mark
    July 13th, 2008 08:02

    Mahilig na nga yung 2 boys ko niyan, kami ang inaabangan lang namin ay yung haka. Pwede kaya rin yan sa Pinas? Hard to imagine. Syanga pala, malapit ka lang ba sa airport? May papunta dyan kc nag papatulong mag hanap ng accomodation? TY

    [Reply]

    madbong reply on 13 July, 2008:

    bro mark, tawagan mo ako dun sa number ko sa post mong bago.

    [Reply]

  • 18
    may
    July 28th, 2008 07:26

    astig nga tong rugby league.. super bigatin un laro nila… nalaman ko lang un larong to nung nagtraining ako sa Aussie account ng call center na pinasukan ko dati.. dapat tlga malaki katawan mopag sumali ka dito.. hehe… :) just blog hopping… :)
    may’s last blog post..half baked smile

    [Reply]

  • 19
    Erick
    August 9th, 2008 22:34

    Hi All,

    Rugby Union is now played in the Philippines.

    Last December 2007 at the 24th SEA games in Thailand the Rugby Team gained a Silver medal for the Philippines.

    Last Month the National side won the 1st of the Asian 5 Nations Regional Tournaments against Brunei (101-0) & Guam (20-8). Check the websites for results & my official contact in the “contacts” section of the site http://www.prfu.com

    [Reply]

  • 20
    caryn
    August 21st, 2008 15:16

    heehee. napangiti ako sa title na ito. noong nasa kolehiyo ako, naging accidental addict yata kami; marami kasing klase ng glue at lacquer na ginamit namin noon sa paggawa ng mga model (architecture kasi). kung kaya’t minsan napapansin na lang namin na high kami. hehehe.

    naku, i never really watch rugby, though i have a few friends who are big fans ;-)
    caryn’s last blog post..Kyoto: Kyoto station

    [Reply]

Leave a Reply