Another Lipat Bahay?

Tulad ng nabanggit ko sa huli kong post, isa na namang madugong 1 month ang nagaganap sa trabaho ngayon. Wala pa din yung kasama kong nagbakasyon, yun namang chinese na baguhan ay hinde na talaga maasahan pa sa pagreview ng mga database dahil tuluyan nang nilipat sa kabilang team. Oh well, no big loss dahil hinde naman ako satisfied sa quality ng trabaho niya. Namputcha, wala din namang ginawa yung biatch kunde magbid sa trademe auction website kada 15 minutes.

At saka dati na naman nila akong binabalagoong sa mga complikadong trabaho. Oks lang sa akin na tambakan ako ng trabaho, ang ayoko lang ay yung singit ng singit ng mga project kahit hinde pa tapos yung nakasalang - kumbaga nakakatorete minsan yung tatlo o apat ang trabaho ang sabay-sabay na ginagawa at lahat sila ay priority daw (priority nyo utot nyo!!). May regular na nga akong takehome na trabaho para sa kabilang team ay hirit pa ng hirit yung bisor ko na i-overtaym pa yung dapat na normal na gagawin lang during workhours. Itong linggong ito ay puro overtaym ako ng 3 hanggang 5 oras sa bahay tuwing gabi bukod sa normal na 8-hour working day. Hinde na nga ako makapost ng regular ay wala din akong oras bisitahin ang mga blog nyo.

Anyway, medyo tinatamad din ako magsulat ng mga post na bago sa dahilang baka lumipat na naman ng bagong domain si Kotsengkuba (kahit kalilipat lang namin nung kailan lang). Nakanangteteng naman kasi sa kapraningan yung China at nakablock ngayon yung kotsengkuba.com. Wala pa namang communication sa akin si KK kung kailan ang lipatan pero pagnakita ninyong nawawala itong blog ko sa mga susunod na araw ay yun na yun. Sana maging maayos ang paglipat sa bagong domain.

 

Explore posts in the same categories: Nakakaburat

22 Comments on “Another Lipat Bahay?”

  1. ponchong Says:

    basta mag-iwan ka ng link at bibisitahin kaagad kita.

    ponchong’s last blog post..matterHORN

    [Reply]

    madbong reply on July 27th, 2008:

    ponchong, thanks bro. ang ganda nga pala nung pics mo sa bundok

    [Reply]

  2. beero Says:

    medyo matagal akong di nakadalaw dito. sensya na pareng madbong. hehe. gaya mo, medyo busy din ako sa opis. di kaya busy-busyhan lang. hehe.

    anyways, sana na maging maayos ang paglipat mo ng bahay. hehe. ok naman siguro ang bagong domain.

    beero’s last blog post..I am “Some”

    [Reply]

    madbong reply on July 27th, 2008:

    beero, ayus lang yun. mukhang di na kami lilipat ng domain.

    [Reply]

  3. chillidobo Says:

    ispiking op lipatan

    lumipat na pala ako

    http://angblognichillidobo.wordpress.com/

    kitakits okei?

    [Reply]

    madbong reply on July 28th, 2008:

    chilli, balik wp ka pala. updated na links mo parekoy

    [Reply]

  4. Taroogs Says:

    haggard nga ng ganyan, tol… yung lahat “priority”. Kapag nangyayari sakin yan, sinasabi ko na lang… ok, priority lahat… pero ito, pinaka-priority… ito somekinda-priority… ito, medjo-priority… etc… hehe. taob ang mga makukulit :-)
    Taroogs’s last blog post..The Church and State are EQUAL.

    [Reply]

    madbong reply on July 28th, 2008:

    taroogs, masubukan nga yan hehe

    [Reply]

  5. R.J. Says:

    kahit saan ka naman yata magtrabaho merong mga kupal. dito meron din. nyahahah! they’re everywhere!

    R.J.’s last blog post..fixing a bed

    [Reply]

    madbong reply on July 28th, 2008:

    ardyey, sinabi mo…hinde talaga mawawala ang kupal maski saan

    [Reply]

  6. mang BADoy Says:

    ok lang yan expect mo na yang mga challenges na ganyan!

    mang BADoy’s last blog post..IWETNESS: MISTER X (part II)

    [Reply]

    madbong reply on July 28th, 2008:

    badoy, expected ko naman yan yun nga lang nakakapikon minsan

    [Reply]

  7. Panaderos Says:

    Good luck sa paglipat sa bagong domain. Makakaasa ka na susubaybayan ko ang susunod na kabanata sa buhay ng blog mo. Ingat, Pards. :)
    Panaderos’s last blog post..A Final Goodbye

    [Reply]

    madbong reply on July 29th, 2008:

    panaderos, sa new jersey ka ba? karamihan ng relatives ko sa father’s side nasa NJ

    [Reply]

    Panaderos reply on August 2nd, 2008:

    Oo, Pards. Medyo malapit sa Manhattan ang tinitirhan ko.

    Panaderos’s last blog post..Alexandria - A Sentimental Trip

    [Reply]

  8. donG hO Says:

    hirap nga pag may mga siksik projects. nakakaconsume ng time na dapat ay para sa project mo. sana makabalik na yung mga kasama mo.

    donG hO’s last blog post..rice terraces of labueg

    [Reply]

    madbong reply on July 29th, 2008:

    dong, sinabi mo bro pero siguro mga 2 weeks anjan na yung kasama ko

    [Reply]

  9. taps Says:

    oh my… hectic sched.

    nakaka-aning yan.

    [Reply]

    madbong reply on July 29th, 2008:

    taps, na-aning nga ako ngayung araw na to dahil ang daming makulet

    [Reply]

  10. ifoundme Says:

    mag iwan ng link para mastalk ka pa rin namin. hehehe! magtaray ka para di ka tatambakan ng trabaho na puro singit naman…. kainis nga yan.

    ifoundme’s last blog post..happy and content

    [Reply]

    madbong reply on July 29th, 2008:

    ifm, hinde ako pwedeng magtaray dahil binigyan ako ng salary increase kangina ahehe

    [Reply]

  11. frenzy Says:

    kaya mo yan ..

    go for the gold ..

    mas maganda ang kakalabasan pag pinaghihirapan ..

    hehe …

    [Reply]

Comment: