Archive for July 24th, 2008

Another Lipat Bahay?

Tulad ng nabanggit ko sa huli kong post, isa na namang madugong 1 month ang nagaganap sa trabaho ngayon. Wala pa din yung kasama kong nagbakasyon, yun namang chinese na baguhan ay hinde na talaga maasahan pa sa pagreview ng mga database dahil tuluyan nang nilipat sa kabilang team. Oh well, no big loss dahil hinde naman ako satisfied sa quality ng trabaho niya. Namputcha, wala din namang ginawa yung biatch kunde magbid sa trademe auction website kada 15 minutes.

At saka dati na naman nila akong binabalagoong sa mga complikadong trabaho. Oks lang sa akin na tambakan ako ng trabaho, ang ayoko lang ay yung singit ng singit ng mga project kahit hinde pa tapos yung nakasalang - kumbaga nakakatorete minsan yung tatlo o apat ang trabaho ang sabay-sabay na ginagawa at lahat sila ay priority daw (priority nyo utot nyo!!). May regular na nga akong takehome na trabaho para sa kabilang team ay hirit pa ng hirit yung bisor ko na i-overtaym pa yung dapat na normal na gagawin lang during workhours. Itong linggong ito ay puro overtaym ako ng 3 hanggang 5 oras sa bahay tuwing gabi bukod sa normal na 8-hour working day. Hinde na nga ako makapost ng regular ay wala din akong oras bisitahin ang mga blog nyo.

Anyway, medyo tinatamad din ako magsulat ng mga post na bago sa dahilang baka lumipat na naman ng bagong domain si Kotsengkuba (kahit kalilipat lang namin nung kailan lang). Nakanangteteng naman kasi sa kapraningan yung China at nakablock ngayon yung kotsengkuba.com. Wala pa namang communication sa akin si KK kung kailan ang lipatan pero pagnakita ninyong nawawala itong blog ko sa mga susunod na araw ay yun na yun. Sana maging maayos ang paglipat sa bagong domain.