Mt Ruapehu
Exactly a year ago, nagkayayaan ang tropa magpunta sa Mt Ruapehu, isang bundok sa gitna ng North Island na mayroong ski fields. Actually, siya lang ang tanging lugar dito sa North Island na mayroong snow, ang lugar na puro niebe talaga ay South Island. Ngayong time of the year maganda magpunta sa Ruapehu dahil kasagsagan ng snow.
Dahil hinde kami makakabalik this year at dahil inggit ako sa mga travel blogs, ipapakita ko na lang yung pics namin last year.
Halos 5 oras din ang biyahe papunta doon (kasama na yung mga rest breaks). Itong Ruapehu ay 338 kilometers from Auckland pero maayos ang mga daan at maganda yung mga views na madadaanan papunta doon. Ang pinuntahan namin mismo ay yung Whakapapa ski field.
Sino ba yan? Akala mo kanya yung snowmobile, nakikisakay lang naman. Pero madaming nakapilang pinoy na gustong sumakay din dahil photo opportunity nga naman.
Ito yung unang ski-lift pataas, ang haba din ng pila bago makasakay. Peak season kasi nung nagpunta kami dito. Habang umaakyat kami sa taas ay nag snowboarding naman yung dalawa kong anak na lalake.
Ito yung view sa taas ng lift. Medyo makulimlim na nung dumating kami sa taas. Tingnan ninyo yung dalawang skier sa baba bandang kaliwa na animo’y langgam. May sense of danger din dito sa Ruapehu dahil active volcano siya at nag-erupt siya mga 2 months tapos naming magpunta. Buti na lang hinde inabot yung ski-fields.
Ito yung pababa na kami ng lift. Kung mapapansin ninyo sa gitna bandang kaliwa, may nadisgrasyang skier na nirerespondehan ng mga rescuer. Mukhang masama yung bagsak niya dahil nilagyan pa ng neck-brace at sinakay pa sa sled ng snowmobile pababa.
Tapos maglaro ng snow sa bundok, break muna para magposing sa harap ng isang Swiss-type chalet na isang hotel doon sa baba ng bundok.
Bago kami umuwi ay nagsidetrip din kami sa Huka Falls. Ang tubig dito ay galing doon sa bundok at ang haba ng ilog Waikato ay mahigit 400 kilometers.
Very exciting din makakita ng snow for the first time. Highly recommended ko na bisitahing mo itong lugar na ito kung mapupunta ka dito sa Aotearoa ng winter time.








June 20th, 2008 14:31
huwaw. parang ang sarap tumalon dun sa Huka falls. ganda ng kulay ng water. ikaw ba yung nasa snowmobile? nakita rin kita, gwapo mo fafa! ahahaha
jeck’s last blog post..Mga sangkap ng isang malas na araw
[Reply]
madbong reply on 20 June, 2008:
ako ba yun? hehe. hypothermia ka pag dun ka tumalon sa falls ng gitna ng winter
[Reply]
June 20th, 2008 15:25
wow! i also like to try the snowmobile. kahit 30minutes lang ok na ok na. i enjoy ski-lifts! sa pangarap na lang muna yan.
nice place! dami kasing magagawang adventure dyan.
donG hO’s last blog post..your island experience - be part
[Reply]
madbong reply on 20 June, 2008:
dong, ok yung ‘be part’ mong post para sa readers mo.
[Reply]
June 20th, 2008 16:47
kapag nakakakita ako ng ganyang lugar, naaalala ko yung japanese pranks na rocketship na sauna. hahaha! =D
R.J.’s last blog post..sometimes i wish i was born in the 60’s
[Reply]
madbong reply on 20 June, 2008:
pareng ardyey, inukutan ko pa nga yung mga toilet dun bago ko ginamit dahil baka mabiktima din ako lolz
[Reply]
June 21st, 2008 03:40
sarap naman jan…makakarating din ako jan…asan ka sa pichur?
lyzius’s last blog post..Its My Party and I’ll Cry If I Want To
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
marekoy, i’m sure makakarating ka din dito pero di mo ko mahanap sa pichur? ahehe
[Reply]
June 21st, 2008 05:39
Very nice place and very nice views.
Panaderos’s last blog post..Missing From YouTube
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
c-b, i believe we should take the time to explore the places we live in.
[Reply]
June 21st, 2008 07:35
oy parekoy ganda pics ah! tama yata sabi nung isang kaibigan ko na marami daw magandang tanawin dyan. baka swertihin ako at makapunta sa NZ, dahil trabaho ni misis eh sa NZ embassy. pupuntahan ko yang lugar na yan at hahanapin ko yung yellow snowmobile at magpapapiktyur din ako lols
AZRAEL’s last blog post..Baka nagkakalimutan tayo
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
pareng azrael, e di si mariel nga yung seksitary mo?
pagnakarating ka dito, punta tayo sa southern alps sa south island mas maraming snow doon.
[Reply]
June 21st, 2008 21:52
salamat sa pagbisita sa ebahay ko
ang ganda naman pala dyan pero dahil wala akong balak mabalian sa skiing or snowboarding e pipila lang din ako sa photo ops dun sa snowmobile, hehehe
kengkay’s last blog post..Halikan
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
kengkay, thanks din sa pagbisita. mas maraming snow sa inyo, lahat yatang bahagi ng germany nagnie-niebe di ba?
[Reply]
kengkay reply on 24 June, 2008:
waaa, op kors not
itong lugar nami sa alemanya e mild winter lang ang inaabot parati. minsan lang mag snow ng todo todo kaya kapag winter, umaakyat pa talaga kami ng bundok para mag sledding!
kengkay’s last blog post..Walang Gana
[Reply]
June 22nd, 2008 07:08
buti hindi kayo masyado affected ng global warming d’yan ngayon? kasi this season dito sa suisse medyo lugi ang ma ski resorts kasi nga late na nagkaroon ng snow. ang gusto ko lang din this coming winter ay magspend ng christmas o new year sa bundok with the snow. iba talaga ang experience ng ganon.
sikat talaga ang mga chalets ng swiss ano?
ponchong’s last blog post..Why Is The Philippines Poor? (Independence Day Special)
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
ponchong, oo nga iba ang dating ng swiss chalet. yung hotel sa picture, kita sa malayo at ang picturesque ang dating. kala mo e nasa europa ka. pag-christmas dito summer kami kaya mga kiwi sa mga beach naman ang punta.
[Reply]
June 23rd, 2008 13:57
Grabe. I always dream of seeing and feeling a snow. Looking at your pics made me even carve more. Nice shots.
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
lawstude, congrats for winning the filipino blog of the week. you deserve it bro. nagkasama na ba kayo ni dong sa mga travels?
[Reply]
June 23rd, 2008 17:10
wow parekoy mas lalong tumindi ang pangarap ko na makapunta sa lugar na may snow sa mga photos mo ahh…
ang ganda tingnan ng puting bundok
dakilang islander’s last blog post..Clearwater Beach
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
d islander, ayus yung pics mo sa beach sana lang merong closeup sa nakabikini lols
[Reply]
June 23rd, 2008 17:26
…ganda naman ng mga pics….noong napadaan kami d’yan summer time kaya yong tuktuk lang ang may snow noon. wala ka bang napuna sa huka falls noong nando doon kayo?
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
uy arabongpinoy, nakarating ka na pala dito sa aotearoa. recently lang ba yun? ano yung napuna sa huka falls? yung step-ladder waterfall siya? [dami kong tanong]
[Reply]
arabongpinoy reply on 24 June, 2008:
..matagal na yon..Dec 2004 yata ng mapunta kami riyan sa bandang aotearoa ng mapasyal kami ng rotorua at taupo. pero tatlong beses na kaming napunta riyan sa NZ.
maliban sa step ladder ang huka falls…di mo ba na puna ang flow ng river?
[Reply]
madbong reply on 24 June, 2008:
sirit pards, wala akong maalala sa flow ng river. sabihin mo kung ano ha
June 23rd, 2008 19:43
kaiingit naman ang snow… sarap!!! walang snow sa lugar ko e sa pinas din wala!!!!
mang BADdoy’s last blog post..huwat if?
[Reply]
madbong reply on 23 June, 2008:
mang BADdoy, terima kasih sa pagdalaw. may mga naging klasmeyts akong taga KL
[Reply]
mang BADoy reply on 25 June, 2008:
wow marunong kang mag BM, astig!!! terima kasih din kasi ang daming nag view ng site ko thru your site… hehehe… pa cross link naman! thanks!
mang BADoy’s last blog post..sulat 4 bebeko(part I)
[Reply]
madbong reply on 25 June, 2008:
oki, anjan na
June 23rd, 2008 20:02
madbong, salamat sa pagbisita mo sa blog ko kahit medyo matagal akong namahinga.
Naku! kung anong lamig diyan ay siya namang init dito sa gitnang silangan. Ibig sabihin ba ay hindi bundok kundi isang active volcano ang lugar na yan? ang ganda ng lugar, gusto ko rin pumunta sa new zealand in the near future para magbakasyon.
Ang sarap sigurong maglangoy sa huka falls kaya lang siguradong uurong ang itlog ko sa sobrang lamig niyan! hahahaha!
Ingat palagi at hello sa iyong pamilya!
mixglorioso’s last blog post..Eto Ang Sayo Presents: Isang Daan na! Sampung Libo Pa!
[Reply]
madbong reply on 24 June, 2008:
mix, natutuwa din ako na success ang job hunting mo jan. actually, kahapon pa lang yung official start ng winter at nakisama naman si nature. pre nakakulong ako sa kwarto at naka-heater, grabe lamig sa labas ngayong gabi.
[Reply]
June 23rd, 2008 21:57
puntahan ko din mga yan after 48 years. ipon muna ko piso kada-araw. hehe. ganda naman jan. haayyy…kelan kaya ako makakapunta sa ganyang mga lugar? sa panaginip lang siguro. LOL
beero’s last blog post..2-Day Weekend Escapade
[Reply]
madbong reply on 24 June, 2008:
beero, 365 pesos tayms 48 years equals 17520 pesos, kulang pa ding pamadyak ahehe. mukhang nag-enjoy ka ng husto sa fiesta sa inyo.
[Reply]
June 24th, 2008 20:09
sarap naman dyan… bigla tuloy ako nilamig…. bosing ‘kaw ba ‘yong nasa snowmobile? siguro mura halo-halo dyan..he he he..
mangyan ako’s last blog post..The Platform Fine Dining
[Reply]
madbong reply on 24 June, 2008:
mangyan, yun ngang mga sangkap ng halo-halo ang nakalimutan kong dalhin. bro, buti ka pa kita mo ko kaagad, si lyzius hinahanap pa rin ako sa mga pics ahahaha
[Reply]
June 24th, 2008 21:20
may kakaibang ganda talaga yung white-on-black scenery ng snow-covered mountains. stark beauty. kakaiba sa nakasananayan nating luntiang gubat o asul na karagatan
nice shots, tol.
Taroogs’s last blog post..Wild ang Life kapag may wildlife…
[Reply]
madbong reply on 24 June, 2008:
thanks pareng taroogs, kaya stark beauty yan dahil puro volcanic rocks. wala pating tumutubong halaman sa itaas maski ano.
[Reply]
June 24th, 2008 22:06
uyyy, gustu ko dyan hehehe….ang sarap naman mag-ski lift. wala kasi dito sa UAE ang snow, dami dito buhangin hehe…
bumisita lang po.:)
Aling Baby’s last blog post..Wala lang, gusto ko lang i-share
[Reply]
madbong reply on 24 June, 2008:
aling baby, salamat sa pagbisita. rinig ko nasa mid 40s daw temperatura ngayon diyan sa uae.
[Reply]
June 25th, 2008 16:01
pare! mukhang action star ang dating mo dyan sa snowmobile..haha! astig! mukhang angsarap tumkbo sa snow..parang malamig na buhangin..
maganda talaga tanawin dyan sa new zealand sana makapunta rin ako
[Reply]
madbong reply on 26 June, 2008:
gasti, actually feeling ko noon parang ako si triplexxx (si diesel ha hinde porno) ahahaha
[Reply]
June 25th, 2008 16:05
Hi! nice site you have here… care to xlinks?
william’s last blog post..Perfect Attendance
[Reply]
madbong reply on 26 June, 2008:
william, thanks for visiting. sure no problemo
[Reply]
madbong reply on 26 June, 2008:
pards, hirap nga pala akong mag-comment sa blog mo kasi ‘open id’ yung hinihingi niya. maski wordpress itong blog ko, ang extension ko ay dot kotsengkuba (dahil naka sub domain ako). wala din akong password sa google and blogger. sana mabasa mo ito at magawan ng paraan yung sa comments mo
[Reply]
June 25th, 2008 23:31
huwaw! ang ganda naman dyan kuya!!=)
astig sa porma ah!!=)hehehe
rio’s last blog post..Miss ko na kayo
[Reply]
madbong reply on 26 June, 2008:
rio, uy lapit na ang june 30. ikwento mo sa amin kung ano ang mangyayari ha at suspense na suspense kami
[Reply]
June 26th, 2008 05:34
very nice photos esp yung sa bundok na may yelo. thanks for sharing.
yup, exciting sa una ang snow. pero di ko ma-imagine na titira ako sa may snow. dito nga lang sa Akl nangangatog na ako.
regards…
Jinkee’s last blog post..21 June: Shortest Day
[Reply]
June 26th, 2008 15:27
mareng jinkee, honga grabe ang lamig ngayon. ay, nakalimutan ko ipadala yung recipe ng banana cake, email ko sayo mamaya
[Reply]
June 28th, 2008 20:52
huwaw!! ang ganda naman diyan..
linglingbells’s last blog post..bibbo kid
[Reply]
madbong reply on 30 June, 2008:
hi lingling, mukhang settled in ka na sa iskul natin this sem.
[Reply]
June 29th, 2008 07:43
ang ganda dyan! gusto ko yong falls, malamig kaya dun? siguro nga.kasi lahat kayo dun naka coat at jacket,hehehe…napadaan lang
mhar’s last blog post..imaginary friend (part 1)
[Reply]
madbong reply on 30 June, 2008:
mhar, salamat sa pagdaan. oo sobrang lamig sa falls.
[Reply]
June 29th, 2008 07:44
gusto ko din dyan! hehehehe…
mhar’s last blog post..imaginary friend (part 1)
[Reply]
July 1st, 2008 22:46
hintayin mo ako at papunta na ako dyan. hihihi! i’ll be there soon.
ifoundme’s last blog post..hostage of respect?
[Reply]
madbong reply on 2 July, 2008:
IFM, sige titirhan kita ng snow, ilalagay ko sa fridge
[Reply]