Double Tag
Na double-tag ako ni Lawstude at Dakilang Islander. Pasensya na kung natagalan kong sagutin at mayni-rush kasi kaming bagong project nung nakaraang linggo.
Tag 1 ni Lawstude:
The Rules:
1. Link to your tagger and post these rules on your blog.
2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird.
3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs.
4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.
1. Ipinanganak ako sa Quezon City sa Veteran’s Memorial Hospital (yung lolo ko kase ay war veteran). Lumaki ako sa Caloocan hanggang 7 years old pero lumipat din sa Parañaque kung saan kami nagtagal.
2. Lahat ng pinasukan kong eswelahan ay nasa Manila. Ang elementary at high school ko ay sa Letran College, samantalang nagtapos ako ng kolehiyo sa UP Manila.
3. PC Gamer talaga ako, kailan lang ako nahilig sa blogging. Hinde ako masyado nakakalaro ng PC games ngayon dahil hinde updated yung video card ko at hinde na kakayanin ang graphics requirement ng mga bagong games. Ata saka, masyadong mahal ang PC games dito sa NZ.
4. Sa tatlong Pangulo ng Pilipinas na inabot ko habang nasa Office of the President pa ako, si FVR ang nakita ko halos araw-araw dahil naging in-house staff reporter ako sa Office ng Press Secretary na kumo-cover sa kanya. Tuwing umaga gumagawa ako ng point paper para sa kanya tungkol sa possible media issues, tapos kino-cover ko pa yung mga pribadong meeting niya sa Malacañang. Pero hinde ko siya nakausap kahit minsan.
5. Nakagawa na rin ako ng batas pambansa (Executive Order) at national procedural guidelines na ginagamit pa rin hanggang ngayon.
6. May shoe fetish ako at mahigit isang dosena na ang sapatos ko. Meron pa nga akong hinde nagagamit. Ito ay dahil size 12 ang paa ko at frustration ko noon sa pinas e wala parating size 12 sa mga sapataos na nakukursunadahan ko. Dito kase sa NZ ay pangkaraniwan lang ang ganitong size saka parati pang may sale ng sapatos kaya ako napapabili.
7. Nakarating na ako sa Sweden, Netherlands, Finland and Korea at sagot ang travels ko ng World Bank. Doon sa Sweden and Korea ay medyo matagal-tagal ako nag-stay dahil mga training courses yun.
———————————————————–
Tag 2 ni Dakilang Islander:
Here’s the rule:
Join us on this flight. Let all the bloggers around the globe come together in unity by blog linking. All you have to do is add your name to the list. Don’t forget to specify the country where you are from and of course, link your name to your respective blog. If you have two or more blogs, add and link them all. Then invite 8 or more bloggers to do the same.
Okay, here we go:
Julia from Philippines, Catherine from Malaysia, Shi from USA, Mitch from Philippines, Hailey from Philippines, Sexymom from USA, Liza from Philippines, Sasha from Philippines, Thess from Netherlands, Marie from Philippines, Mind Bubbles from USA, Evi from Canada, Christine - Marikit from AU, Christine - Strawberrygurl from AU, Mel’s Untamed World from PH, Mel’s Uncensored Life from Philippines, Vanity Kit from USA, Something Purple from USA, Em’s Detour from USA, Sassy Finds from Philippines, My Charmed Life from Philippines, Mommyhood and Me from Philippines, Changing Lanes from Philippines, Pit Stop from Philippines, Shopaholic Ties The Knot from Philippines, The Wifey Diaries from Philippines, Counting Stars with Zahara from Philippines, Paradigm and Random Thoughts from USA, Hail & Farewell, Behind the Mask from Philippines, Redlan’s Web of Arts from Philippines, Sreisaat Adventures in Cambodia, J-B-L-O-G-G-E-D in Maldives, Dakilang Islander from Bermuda w/ luv, Aotearoa Tales from New Zealand,………..
————————————————————–
Dahil 2 ang tag, papipiliin ko itong mga ita-tag ko kung alin sa dalawa ng gusto nilang gawin. I’m now tagging the following:
1. Misyel
2. Ponchong
3. Mangyan
4. Lyzius
5. Madcow23
6. Kiwipinay
7. Mark Sy

June 15th, 2008 22:42
ayus! sige parekoy! i-try kong isingit this week if not, sa weekend. mag-a-20 kasi at dami deadline dun sa isa kong raket.
kiwipinay’s last blog post..maligayang bati!
[Reply]
madbong reply on 17 June, 2008:
tnx kp, hayaan mo ihahanap kita ng gnp dito sa north shore
[Reply]
June 16th, 2008 01:49
parekoy sige one of these days po gawin ko ang assignment ko…regards
lyzius’s last blog post..Senaryo sa Jerport
[Reply]
madbong reply on 17 June, 2008:
regards din sa sg sistah lyzius
[Reply]
lyzius reply on 21 June, 2008:
nagawa ko na po yung tag…sensya na at nag tagal
lyzius’s last blog post..Tagkuraraw
[Reply]
June 16th, 2008 06:49
astig na pala ang cv mo. hehehe nasa office of the president ka pa. at pareho din pala tayong naghahanap paminsan ng size ng sapatos, 11 naman kasi ako. pero hindi ako naniniwala sa kasabihan na kung malaki ang sapatos mo blah blah blah. hahahaha!
R.J.’s last blog post..‘history repeats itself’: a father’s day special
[Reply]
madbong reply on 17 June, 2008:
ardyey, di rin ako naniniwala na pag malaki yung blah blah blah eh blah blah blah…ahehehe.
[Reply]
June 16th, 2008 15:43
Tumira ka rin pala sa Paranaque. Sa kanan ka or sa kaliwa na service road?
Sa Manila rin ako nag-college, hindi nga lang UP.
Nakita ko na rin si FVR minsan nang dumayo siya sa Central Bank. Mabait naman and quite Presidential ang dating. Although nakapaligid ang PSG, they were not at all intimidating.
Panaderos’s last blog post..Rocky Mountain High
[Reply]
madbong reply on 17 June, 2008:
pre, ikaw din pala si c-baker. sa may sucat kami, tumira ka din ba sa pque?
[Reply]
Panaderos reply on 17 June, 2008:
Yeah, ako rin “siya”. Hehehe Sa may Bicutan naman ako. Nandoon pa rin nakatira ang mga parents ko.
Panaderos’s last blog post..Rocky Mountain High
[Reply]
June 16th, 2008 19:39
Thanx for doing the tag bro. Nice to know something about you. UP asteg.
[Reply]
madbong reply on 17 June, 2008:
galing ng last post mo bro, naalala ko yung napuntahan naming ilog na ganyan sa may quezon
[Reply]
June 16th, 2008 20:51
naks! jetsetter ka pala dude. hehe. penge naman ng sapatos na di mo na ginagamit. ewan ko nga lang kung magkasya sa kin yun. hehe. kung kelangan mo ng alalay pag bumibiyahe ka, pwede mo kong i-hire - taga-dala ng isang dosenang pares ng sapatos. LOL.
beero’s last blog post..QuesTUNE
[Reply]
madbong reply on 17 June, 2008:
bro beer-o, ang ipapabibit ko sayo e kahon-kahong beer
[Reply]
June 17th, 2008 04:00
salamat at naisingit mo pa gawin ang mga tag tag na ito kahit busy ka ata palagi…napansin ko tag nalang ginawa mo ah wala ka nang bagong post
dakilang islander’s last blog post..Destination: New York & Las Vegas
[Reply]
madbong reply on 18 June, 2008:
islander, bakas mo naman ako ng sampu sa las vegas
[Reply]
June 17th, 2008 04:03
bro astig pala ang background mo…madbong rocks!! hehh
dakilang islander’s last blog post..Destination: New York & Las Vegas
[Reply]
June 18th, 2008 01:37
astig! assistant staff talaga ngang magiging proud tayo. tsaka dami mo nang napuntahan sa labas ng bansa at sa pinas na rin.
donG hO’s last blog post..bantayan roadtrip
[Reply]
madbong reply on 18 June, 2008:
tnx sa pagdalaw donG, asteeg din mga pics mo
[Reply]
June 18th, 2008 13:32
ang astig ng mga nalaman ko tungkol sa inyo… galing naman! salamat sa tag, gawin ko po yan soon.
misyel’s last blog post..Hay Salamat!
[Reply]
madbong reply on 19 June, 2008:
misyel, mukhang magaling ka na wahu! nakakagala ka na ba?
[Reply]