Mt Ruapehu
Thursday, June 19th, 2008Exactly a year ago, nagkayayaan ang tropa magpunta sa Mt Ruapehu, isang bundok sa gitna ng North Island na mayroong ski fields. Actually, siya lang ang tanging lugar dito sa North Island na mayroong snow, ang lugar na puro niebe talaga ay South Island. Ngayong time of the year maganda magpunta sa Ruapehu dahil kasagsagan ng snow.
Dahil hinde kami makakabalik this year at dahil inggit ako sa mga travel blogs, ipapakita ko na lang yung pics namin last year.
Halos 5 oras din ang biyahe papunta doon (kasama na yung mga rest breaks). Itong Ruapehu ay 338 kilometers from Auckland pero maayos ang mga daan at maganda yung mga views na madadaanan papunta doon. Ang pinuntahan namin mismo ay yung Whakapapa ski field.
Sino ba yan? Akala mo kanya yung snowmobile, nakikisakay lang naman. Pero madaming nakapilang pinoy na gustong sumakay din dahil photo opportunity nga naman.
Ito yung unang ski-lift pataas, ang haba din ng pila bago makasakay. Peak season kasi nung nagpunta kami dito. Habang umaakyat kami sa taas ay nag snowboarding naman yung dalawa kong anak na lalake.
Ito yung view sa taas ng lift. Medyo makulimlim na nung dumating kami sa taas. Tingnan ninyo yung dalawang skier sa baba bandang kaliwa na animo’y langgam. May sense of danger din dito sa Ruapehu dahil active volcano siya at nag-erupt siya mga 2 months tapos naming magpunta. Buti na lang hinde inabot yung ski-fields.
Ito yung pababa na kami ng lift. Kung mapapansin ninyo sa gitna bandang kaliwa, may nadisgrasyang skier na nirerespondehan ng mga rescuer. Mukhang masama yung bagsak niya dahil nilagyan pa ng neck-brace at sinakay pa sa sled ng snowmobile pababa.
Tapos maglaro ng snow sa bundok, break muna para magposing sa harap ng isang Swiss-type chalet na isang hotel doon sa baba ng bundok.
Bago kami umuwi ay nagsidetrip din kami sa Huka Falls. Ang tubig dito ay galing doon sa bundok at ang haba ng ilog Waikato ay mahigit 400 kilometers.
Very exciting din makakita ng snow for the first time. Highly recommended ko na bisitahing mo itong lugar na ito kung mapupunta ka dito sa Aotearoa ng winter time.






