Archive for June, 2008

Mt Ruapehu

Exactly a year ago, nagkayayaan ang tropa magpunta sa Mt Ruapehu, isang bundok sa gitna ng North Island na mayroong ski fields.  Actually, siya lang ang tanging lugar dito sa North Island na mayroong snow, ang lugar na puro niebe talaga ay South Island. Ngayong time of the year maganda magpunta sa Ruapehu dahil kasagsagan ng snow.

Dahil hinde kami makakabalik this year at dahil inggit ako sa mga travel blogs, ipapakita ko na lang yung pics namin last year.

Halos 5 oras din ang biyahe papunta doon (kasama na yung mga rest breaks). Itong Ruapehu ay  338 kilometers from Auckland pero maayos ang mga daan at maganda yung mga views na madadaanan papunta doon. Ang pinuntahan namin mismo ay yung Whakapapa ski field.

Sino ba yan? Akala mo kanya yung snowmobile, nakikisakay lang naman. Pero madaming nakapilang pinoy na gustong sumakay din dahil photo opportunity nga naman.

Ito yung unang ski-lift pataas, ang haba din ng pila bago makasakay. Peak season kasi nung nagpunta kami dito. Habang umaakyat kami sa taas ay nag snowboarding naman yung dalawa kong anak na lalake.

Ito yung view sa taas ng lift. Medyo makulimlim na nung dumating kami sa taas. Tingnan ninyo yung dalawang skier sa baba bandang kaliwa na animo’y langgam. May sense of danger din dito sa Ruapehu dahil active volcano siya at nag-erupt siya mga 2 months tapos naming magpunta. Buti na lang hinde inabot yung ski-fields.

Ito yung pababa na kami ng lift. Kung mapapansin ninyo sa gitna bandang kaliwa, may nadisgrasyang skier na nirerespondehan ng mga rescuer. Mukhang masama yung bagsak niya dahil nilagyan pa ng neck-brace at sinakay pa sa sled ng snowmobile pababa.

Tapos maglaro ng snow sa bundok, break muna para magposing sa harap ng isang Swiss-type chalet na isang hotel doon sa baba ng bundok.

Bago kami umuwi ay nagsidetrip din kami sa Huka Falls. Ang tubig dito ay galing doon sa bundok at ang haba ng ilog Waikato ay mahigit 400 kilometers.

Very exciting din makakita ng snow for the first time. Highly recommended ko na bisitahing mo itong lugar na ito kung mapupunta ka dito sa Aotearoa ng winter time.

Puntong Rizal

map of teresaKangina nung maydowntime ako sa trabaho ay nag-web surfing ako at natiyempuhan ko yung isang site tungkol sa isang migrants association sa Estados Unidos para sa hometown ng ermats ko. Ang lugar na iyon ay Teresa, Rizal at ito ang bayan na susunod sa Antipolo.  Bale ito yung nasa baba ng bundok ng Antipolo at yung daan pababa ay zigzag.  

OK ang childhood memories ko doon. Ang Teresa noon ay mostly agricultural pa yung economy pero mayroon ding mga cement factory na siyang ikinabubuhay nung ibang residente doon. Napakalapit ng Teresa sa Manila pero probinsyang-probinsya ang dating niya nung araw.

Madalas ako magbakasyon doon nung bata pa ako, pagsummer umaabot pa nga ako ng isang buwan. Dahil unang apo ay medyo spoiled kay Amang at Inang (yung grandparents ko sa side ni ermats). Ang paborito kong request kay Inang tuwing umaga ay gatas ng kalabaw, na isasabaw sa kanin at lalagyan ng konting asin. Negosyante sina Amang at Inang, may poultry at wholesaler ng paninda dun sa palengke. Successful naman business nila at napagtapos ang walo nilang anak.

Iba yung laro sa labas ng bahay kaysa yung ginagawa ng bagong henerasyon ngayon. Noon ay nagpako lang ako ng tatlong pirasong kahoy, naglagay ng isang pako bilang trigger - instant thompson machine gun na! Pabulusok ang kalye dun sa kila Amang kaya ang paborito naming laro ay yung karera ng mga home-made na sasakyang animo’y go-cart pero ball bearing ang mga gulong. Isa pang masayang salihan ay yung patintero na maramihan-yung hanggang walo kabilaan at saka taguan (lalo na sa gabi). Ang isa pang uso doon ay yung paggawa ng higanteng saranggola - ang tawag ay bulador - na minsan pa nga ay itinatali nila pag magdidilim na pero sa kinabukasang umaga ay lumilipad pa din pagbalik mo. Ang daming kalabaw dun nung araw at madalas kami sumasakay sa likod nito. Minsan may nagpapasakay din sa paragos (yung parang sled na gawa sa kawayan) na hilahila nung kalabaw.

Pagsummer ay madalas kami doon sa lupa nila Amang na may tanim na mangga. Iba pa rin ang lasa ng mangga sa atin. Pagseason naman ng mais at mane ay pumupunta kami doon sa kapatid ng lola ko na yun ang mga tanim.

Matagal na may rumor na dito daw sa lugar na ito ng Rizal province naibaon yung treasure ni Yamashita. Meron pa nga daw na nakahukay na ng bahagi nito (di ko alam kung totoo o hinde) pero may mga mangilan-ngilan din na taong bayan ang nagka-gold fever. Marami na ang mga naghukay kung saan-saan pero puro bigo. Yun ngang bunsong kapatid ni ermats ay nahawa din at naghukay minsan na pagkalalim-lalim…”Nakow malapit na, konting hukay na lang!”…..wala din.

Ang mapanasin mo sa lugar na ito ay yung puntong Rizal - yung ibang accent ng Tagalog. Ito yung pagkakaiba sa tono ng pagtatagalog at paggamit ng ibang nuance ng mga words. Ang halimbawa ay ang word na ‘katawan’ na binibigkas natin ng diretso, sa puntong Rizal ay nagiging ‘kataw-an’ (may konting break sa huli). Yung ibang words din may may letrang ‘D’ ay pinapalitang ng ‘R’, example ay rikit-rikit ang mga bunrok. Meron ding sariling slang tulad ng ‘buklat’ (short for ‘binuklat ka sa ilalim ng bato’) na ibig sabihin ay pangit ka.

Ganito ang dialogue doon (isipin mo ang punto ni Vic Ongasis sa Iskul Bukol habang binabasa ito at kuha mo na yung puntong Rizal):

Kapitbahay1: Hoy mare, parika rine at magtaglay ka ng rahon ng malunggay. Gusto ko kasi maghanra ng nilagang karne at inihaw na isra, pampalakas ng kataw-an.

Kapitbahay2: Sige mare, nasa raan na ako. Nakow, tanas ang tsinilas ko manghihiram muna ako sa katapatir ko. Banghirap gumala ng nakapaa.

Kapitbahay1: Huwag kang is-le! Magparausos ka nalang papunta rine. Baka kita’y mamura.

Kapitbahay2: Isa kang buklat bruka! Ay hu-o, pariyan na nga ako. Ika’y masyadong maramramin. Yung sanrok mo nakita kong nakasabit sa ringring namin, dalhin ko na rin ngay-on. Itali mo nga ng lubir ang inyong aso at baka ako’y hagarin.

 Miss ko na din itong lugar na ito, pero six months to go na lang makikita ko na uli.

Double Tag

Na double-tag ako ni Lawstude at Dakilang Islander. Pasensya na kung natagalan kong sagutin at mayni-rush kasi kaming bagong project nung nakaraang linggo.

Tag 1 ni Lawstude:

The Rules:

1. Link to your tagger and post these rules on your blog.
2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird.
3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs.
4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.

1. Ipinanganak ako sa Quezon City sa Veteran’s Memorial Hospital (yung lolo ko kase ay war veteran).  Lumaki ako sa Caloocan hanggang 7 years old pero lumipat din sa Parañaque kung saan kami nagtagal.

2. Lahat ng pinasukan kong eswelahan ay nasa Manila. Ang elementary at high school ko ay sa Letran College, samantalang nagtapos ako ng kolehiyo sa UP Manila.

3. PC Gamer talaga ako, kailan lang ako nahilig sa blogging. Hinde ako masyado nakakalaro ng PC games ngayon dahil hinde updated yung video card ko at hinde na kakayanin ang graphics requirement ng mga bagong games. Ata saka, masyadong mahal ang PC games dito sa NZ.

4. Sa tatlong Pangulo ng Pilipinas na inabot ko habang nasa Office of the President pa ako, si FVR ang nakita ko halos araw-araw dahil naging in-house staff reporter ako sa Office ng Press Secretary na kumo-cover sa kanya.  Tuwing umaga gumagawa ako ng point paper para sa kanya tungkol sa possible media issues, tapos kino-cover ko pa yung mga pribadong meeting niya sa Malacañang. Pero hinde ko siya nakausap kahit minsan.

5. Nakagawa na rin ako ng batas pambansa (Executive Order) at national procedural guidelines na ginagamit pa rin hanggang ngayon.

6. May shoe fetish ako at mahigit isang dosena na ang sapatos ko. Meron pa nga akong hinde nagagamit. Ito ay dahil size 12 ang paa ko at frustration ko noon sa pinas e wala parating size 12 sa mga sapataos na nakukursunadahan ko. Dito kase sa NZ ay pangkaraniwan lang ang ganitong size saka parati pang may sale ng sapatos kaya ako napapabili.

7. Nakarating na ako sa Sweden, Netherlands, Finland and Korea at sagot ang travels ko ng World Bank. Doon sa Sweden and Korea ay medyo matagal-tagal ako nag-stay dahil mga training courses yun.

———————————————————–

Tag 2 ni Dakilang Islander:

Here’s the rule:

Join us on this flight. Let all the bloggers around the globe come together in unity by blog linking. All you have to do is add your name to the list. Don’t forget to specify the country where you are from and of course, link your name to your respective blog. If you have two or more blogs, add and link them all. Then invite 8 or more bloggers to do the same.

Okay, here we go:

Julia from Philippines, Catherine from Malaysia, Shi from USA, Mitch from Philippines, Hailey from Philippines, Sexymom from USA, Liza from Philippines, Sasha from Philippines, Thess from Netherlands, Marie from Philippines, Mind Bubbles from USA, Evi from Canada, Christine - Marikit from AU, Christine - Strawberrygurl from AU, Mel’s Untamed World from PH, Mel’s Uncensored Life from Philippines, Vanity Kit from USA, Something Purple from USA, Em’s Detour from USA, Sassy Finds from Philippines, My Charmed Life from Philippines, Mommyhood and Me from Philippines, Changing Lanes from Philippines, Pit Stop from Philippines, Shopaholic Ties The Knot from Philippines, The Wifey Diaries from Philippines, Counting Stars with Zahara from Philippines, Paradigm and Random Thoughts from USA, Hail & Farewell, Behind the Mask from Philippines, Redlan’s Web of Arts from Philippines, Sreisaat Adventures in Cambodia, J-B-L-O-G-G-E-D in Maldives, Dakilang Islander from Bermuda w/ luv, Aotearoa Tales from New Zealand,………..

————————————————————–

Dahil 2 ang tag, papipiliin ko  itong mga ita-tag ko kung alin sa dalawa ng gusto nilang gawin.  I’m now tagging the following:

1. Misyel

2. Ponchong

3. Mangyan

4. Lyzius

5. Madcow23

6. Kiwipinay

7. Mark Sy

 

Ispup ni David Blaine Parts 4 & 5

Nakita ko na din yung dalawa pang episode ng mga ispup ni David Blaine. Actually, naipost ko na yung parts 1 to 3 sa isang post ko, pero natutuwa pa din ako sa mga sequels nito. Para mag-enjoy kayo ng husto sa video at ma-gets niyo ng maige ang storyline, recommended ko na panoorin ninyo muna yung unang tatlong video.

Pasok! David Blaine at dalawang juding!