Aksidente

Noong unang linggo ng Abril ay nagdesisyon si Luvsko na bumili ng sarili niyang sasakyan. Tulad ng naikwento ko dun sa isa kong post, ang sasakyan dito ay hinde luxury kundi necessity. Naging desidido siya bumili kasi may learner’s license na siya. Nahihirapan na din kasi siya mag-commute dahil nagbago na ang ruta ng bus dun sa pinagtratrabahuhan niya at lumayo na ang hintayan ng bus stop. Hindi na rin nagdadaan mismo sa kalye namin yung bus at malayo na rin yung pinakamalapit na babaan.

Nagkataon namang binebenta nung isang barkada yung luma niyang 1993 Honda Ascot. Binenta sa amin sa presyong kapatid at malaki ang natawad namin. Maganda naman ang pagkaka-maintain nung sasakyan at makinis pa, ang tingin ko ay nakaswerte kami.

Simula nung binili niya ito ay panay na ang praktis niya, nakikita ko namang natututo na magdrive. Konti pang praktis ay kukuha na siya ng restricted license - pag meron ka nito ay pwede ka na magmaneho ng walang kasama sa sasakyan pero hinde nga lang allowed magdrive mula 10pm hanggang 5am.

Noong 4 Mayo ay pumasok si Luvsko sa parttime niyang trabaho bilang caregiver sa ospital. Bandang 1pm ay naghanda na ako para sunduin siya. Nitong araw na ito ay malakas ang buhos ng ulan at kakatila lang nung nilabas ko ang sasakyan niya. Halos wala pang 300 meters sa bahay ay mayroong roadworks na ginagawa sa intersection na malapit sa amin. Nakasunod ako sa isang pickup truck ng sumignal ito pakanan at tumigil upang palampasin yung mga kasalubong niya. Nagpreno naman ako pero dumulas yung mga gulong ko dahil sa basang kalye at tinamaan ko yung pickup.

Dali-dali kong tinabi yung kotse ni esmi, at pinuntahan agad yung driver ng pickup para tingnan kung may nasaktan. Kinabahan kasi ako dahil nakita kong may mga bata na na pasahero yung pickup. OK naman daw sila at ako din naman ay kinumusta nung driver kung hinde daw ba ako nasaktan. Mabuti na lang at mabait yung nabangga ko at hinde yung tipong nagwawala tapos ng aksidente tulad sa pinas. Anlaking tao pa man din yung Maori na nabangga ko, kayang-kaya akong gulpihin.

Ang damage sa pickup niya? Nakupe lang ng konti yung kaha nung lumang pickup niya.

Ang damage sa sasakyan ni Luvsko? Yupi ang buong hood (parang nilukot na papel), wasak ang headlights, radiator, baterya at air cleaner. Ito ang hindi ko gusto sa Honda, parang lata lang ang kaha.

Iiling-iling nga yung Maori at sabing “worse off” daw yung sasakyan ko. Nagpalitan kami ng detalye nung Maori at nung tanungin ako kung tatawag pa kami ng pulis ay sabi ko hinde na dahil kasalanan ko naman. Ang sabi ko ay yung kanya-kanyang insurance company na lang ang mag-usap. Nagkamayan na lang kami at inuwi ko na yung sasakyan. Itinawag ko naman kaagad sa insurance company ko ang pangyayari at ibinigay ang insurance details dun sa Maori mismo nung araw na yun.

Kinabukasan ay dinala ko yung Honda sa isang panelbeater (yun ang tawag sa latero dito) para magpa-quote kung magkano ang aabutin sa pag-repair sa kotse. After 3 days ay ibinalita sa akin nung panelbeater na nagdesisyon yung insurance company ko na”i-write off” na lang daw yung Honda dahil yung presyo ng pagpagawa sa kanya ay pareho lang sa presyo na pagka-insure namin sa kanya. Yun pala, ang insurance companies dito ay ipapagawa lang yung sasakyan kung hindi aabot sa more than 2/3 ng insurance value niya. So ang nangyari ay babayaran na lang kami ng value ng sasakyan less yung “standard excess” na $300. Wala pa namang isang linggo ay resolbado naman lahat pati na yung pagbalik sa amin ng pera (hinihintay ko na lang pumasok sa bangko).

Pero nakakatakot pa din talaga ang aksidente, laking pasalamat ko sa Itaas na walang nasaktan.

35 Responses to “Aksidente

  • 1
    gasti
    May 14th, 2008 13:55

    yan ang hirap kapag nakatutok ka sa sasakyan at basa ang kalsada..mabilis siguro takbo mo tapos biglang preno kaya dumulas. buti na lang din at walang nasaktan sa ngyari pero agree ako sa sinabi mong parang lata mayupi ang honda..sabagay pick up naman yung binangga mo mas matibay yung kaha nun.

    kung dito ka makabangga baka makipagmurahan ka pa saka mag aantayan kayo ng pulis..tatrapik ang lugar at sa huli mag aaregluhan din naman..

    [Reply]

  • 2
    ifoundme
    May 14th, 2008 14:22

    buti na lang walang may nangyari sa inyo na medyo mas malala pa dun.

    ifoundme’s last blog post..lemme put stars in your eyes

    [Reply]

    madbong reply on May 14, 2008:

    pre siguro kumbinasyon ng matulin ako, malalim yung preno, madulas na kalye at may konti pang hangover kaya ayun disgrasya. ang rules kasi dito pagnabangga, itabi kaagad ang sasakyan sa hindi makakaabala.

    [Reply]

    madbong reply on May 14, 2008:

    right on bro. mangyan, kotse lang yun madali palitan pero ang buhay di mapapalitan.

    [Reply]

    Lyzius reply on May 18, 2008:

    mangyan bakit di mo ikwento yung naaksidente ka jan sa jeddah at nabangga mo ang camel at muntik ka ng makulong…wahahahaha

    Lyzius’s last blog post..Oceans Park Adbentyur

    [Reply]

    madbong reply on May 19, 2008:

    hey ponchong, marami na din akong naexperience na aksidente sa sasakyan (bilang pasahero) pero pangalawang bese na ako ang nakabunggo. buti pa rin at hinde grabe. pero gusto kong masubukan magdrive sa autobahn sa germany.

    madbong reply on May 19, 2008:

    hano? si magyan nakabunggo ng camel? inshallah

  • 3
    rio
    May 14th, 2008 16:37

    buti at mabait yung nakabanggan mo kuya!..
    ingat po sa pagmamaneho=)

    rio’s last blog post..Bagong Laba

    [Reply]

    madbong reply on May 14, 2008:

    honga IFM, buti ganun lang. pero nakaranas na din ako ng mas malalang aksidente sa atin.

    [Reply]

  • 4
    Lyzius
    May 14th, 2008 17:23

    hala naman…yan pala yung comment mo sa entry ni repapips na gasti…

    nagagawa nga naman kapag sibilisado ang mga tao, matapos ang isang aksidente kamayan na lang ang resulta, unlike dito nung sinuyod ko yung nananahimik na traysikol sa may taguig, kinuyog ako ng mga tao at hinihingi lisensya ko…akala ata practice driving ako…buti na lang hindi nakaupo yung driver sa motor nya kundi baka nasa likod na ako ng rehas nayun o kaya naman 6 feet under the ground na sa kuyog ng mga toda dun…huhuhu…from then on hindi na ako nagmaneho…

    Lyzius’s last blog post..Kagilagilalas at Kagulatgulat

    [Reply]

    madbong reply on May 14, 2008:

    tnx rio. ibigay mo din sakin user name mo sa ym at meebo ha

    [Reply]

  • 5
    mangyan ako
    May 14th, 2008 22:23

    salamat na nga lang sa dakilang Bathala, kasi mabait ‘yong nakabanggaan mo and parehas walang nasaktan. ‘Yong mga yupi-yupi puede namang ipaayos yan eh… mas mahalaga pa rin ang mga taong nasa loob ng sasakyan… laging mag-iingat bro.

    mangyan ako’s last blog post..Trapik sa Jeddah

    [Reply]

    madbong reply on May 14, 2008:

    katakot naman yan marekoy, buti na lang traysikol lang di nahagip yung driver. pero ganun talaga pag disgrasya di mo expected. sana tinuloy mo pa din pagmamaneho.

    [Reply]

    rio reply on May 15, 2008:

    wala po ako meebo e…YM lang po..************..chat tau ha!! hehehe

    rio’s last blog post..Quote ulit=)

    [Reply]

    madbong reply on May 17, 2008:

    tnx misyel, puro ulan nga winter namin ngayon

    madbong reply on May 17, 2008:

    ay oo talaga jinkee, kasinglaki ko pero doble ko ang katawan. buti na lang mabait…..kung hinde mabilis naman ako tumakbo ahehe

  • 6
    misyel
    May 15th, 2008 03:44

    hirap talaga kapag aksidente, buti na lang sasakyan lang ang nasugatan at nayupi. ingat po sa pagbyahe lalo na kapag panget ang panahon.

    misyel’s last blog post..Wow, galing!

    [Reply]

  • 7
    beero
    May 15th, 2008 14:19

    ahmmm…dahil pedicab lang kaya kong i-drive, ala akong mabibigay na driving tips sayo. ingatz na lang next time! hehe.

    beero’s last blog post..Pagbabalik

    [Reply]

    madbong reply on May 17, 2008:

    hi doc, i-nedit ko yung e-maill add mo ha, baka maspam ka

    [Reply]

    rio reply on May 17, 2008:

    thank you…hindi ko kasi alam kung san ko ilalagay e..=)

    rio’s last blog post..Bagong Laba

    [Reply]

  • 8
    dakilang islander
    May 15th, 2008 17:10

    hindi talaga maiwasan yung mga ganun buti nalang walang nasaktan…ang tagal mong namahinga sa blog mo ah busy ba sa trabho dyan..

    dakilang islander’s last blog post..It’s good to be back!

    [Reply]

    madbong reply on May 17, 2008:

    pre bilib ako kung marunong ka magpedicab hehe

    [Reply]

  • 9
    jeniffer
    May 15th, 2008 18:59

    nakakatakot talaga ang mga ganyang situation. Sana naman ayos ka lang.. Magingat sa susunod.. di naman sa luxury talaga ang car, its also a necessity in some other area.. :)

    [Reply]

    madbong reply on May 17, 2008:

    marami pa din work bro, pero medyo nakahabol na. gawa na laptop mo?

    [Reply]

  • 10
    R.J.
    May 16th, 2008 15:45

    kung nasa pinas ka, malamang nauna pang bumaba kaysa sa yo yung nabangga mo, at may dala dalang tubong pamalo. buti naman at walang nangyaring masama. mas okey na magpunta sa talyer kaysa sa ospital.

    R.J.’s last blog post..let’s do it the right way

    [Reply]

    madbong reply on May 17, 2008:

    uy happy graduation jennifer! dito ka magapply sa nz bilang nurse…shortage sila ngayon dito

    [Reply]

  • 11
    jinkee
    May 16th, 2008 17:15

    Buti na lang di ka kinanti nung Maori. Mas malaking disgrasya yon pag nagkataon.

    jinkee’s last blog post..Mahiwagang sayote

    [Reply]

    madbong reply on May 17, 2008:

    pareng rj nasa qatar ka napala. sana magsettle-in ka na kagad sa work. saka mo na isipin yung homesickness, para sa pamilya naman yan

    [Reply]

  • 12
    ponchong
    May 17th, 2008 08:20

    kaya takot ako magdrive dahil sa aksidente. kasi alam ko mas malaki ang chance na maaksidente ako kasi di ako marunong magdrive. pero one thing na nakikita ko, parang gumaganda ang disposisyon ng taong marunong magdrive.

    lakas mo kasi kay papa LORD kaya siniswerte ka.

    more power!

    ponchong’s last blog post..just GAGGING!

    [Reply]

  • 13
    linglingbells
    May 18th, 2008 00:10

    mabuti naman at okay ka.. :)
    linglingbells’s last blog post..pag oras mo na, oras mo na…

    [Reply]

  • 14
    kadeteng civies
    May 18th, 2008 16:48

    hay parekoi..anung petsa na? huli na naman ako..tagal ko pa naman hinintay to..ok talaga pamamalakad jan..isipin mo plantsado agad yung gusot in less than a week..kung d2 yan naku..wag na lang…pero mas importante walang nasaktan..ingat ka next tym..ingat prati..

    [Reply]

  • 15
    kadeteng civies
    May 18th, 2008 16:48

    hay parekoi..anung petsa na? huli na naman ako..tagal ko pa naman hinintay to..ok talaga pamamalakad jan..isipin mo plantsado agad yung gusot in less than a week..kung d2 yan naku..wag na lang…pero mas importante walang nasaktan..ingat ka next tym..ingat prati..

    kadeteng civies’s last blog post..Cadet’s Prayer

    [Reply]

    madbong reply on May 19, 2008:

    tnx lilnling. tuwing nababasa ko mga post mo sa iskul natin ay naaalala ko ang college life ko. hay, kung pwede lang ulitin…

    [Reply]

    madbong reply on May 19, 2008:

    tnx buff soulja na kadeteng kyut (o hayan ha kumpleto). ikaw din ingats pagbalik pero concentrate na sa pagtatapos ha.

    [Reply]

    madbong reply on May 19, 2008:

    tnx lingling. tuwing nababasa ko mga post mo sa iskul natin ay naaalala ko ang college life ko. hay, kung pwede lang ulitin…

    [Reply]

Leave a Reply