Biyaheng Aotearoa
May nabasa akong report last year na ito daw Aotearoa* ay 3rd sa buong mundo sa ownership ng vehicles. Una lang ang US at pangalawa ang Saudi. Sa populasyong 4 million kasi, around 82 porsyento ang merong sasakyan dito sa NZ. Lahat na yata ng modelo ng sasakyan meron dito ultimo mamahaling sports cars. Dito naman kasi mayroon nga na public transport - yung bus primarily dito samin sa North Shore. Ang problema, may oras ang public transport hanggang hatinggabi lang.
Nung baguhan pa ako dito at todo banat ng 2 jobs, yung 1st 9 months ko dito wala pa akong kotse. Ang mahirap lang ang labasan dun sa pangalawang trabaho ay eksakto 12midnight, wala na akong inaabot na bus. Nung una OK lang dahil malapit pa yung bahay kung saan ako nakiki-flatting, mga 30 minutes na lakad oneway. Nung una nakasama ko naman yung landlord ko sa second job kaya may nagpapasakay, pero nung nagresign siya ay no choice. Pero mahirap din gawin pagwinter na, madalas umuulan. Dito necessity talaga yung sasakyan lalo na kung hataw yung iskedyul.
Eto yung ruta ng bus sa hatinggabi na nakita ko kanina lang sa website nila kung halimbawa mula sa dati kong second job papunta dito sa amin ngayon. Tingnan nyo ha walang bus kundi taong naglalakad, may konsuwelo namang approximate time at distance.
Dito naman kasi ay madali makabili ng sasakyan sila pa ang mag-o-offer sayo ng car finance. Siempre mahal pa rin yung mga bago at halos bago. Pero dahil nag-i-import ang NZ ng secondhand vehicles mula Japan at ibang bansa ay mura kang makakabili ng secondhand. Yung mga japanesa car, makakatiempo ka ng mura at yung spare parts nila marami dito. May kakilala ako, nakabili ng roadworthy na kotse sa halagang $500 roughly 15 kitawsan pesos. Konting kutingting at palit ng piyesa kumakaripas na.
Kung makabili ka ng sasakyan, magbibigay ka lang ng detalye sa post shop (yun ang tawag sa post office dito) - wala pang 5 minutes transfer na kaagad yung sasakyan sa pangalan mo. Papadalhan ka pa ng transportation office ng history ng sasakyan - kung kailan siya dumating dito, ilan ang naging mayari at yung kilometrahe.
Ang chances mo pa makabili ng isang kotseng ‘lemon’ ay maliit din dahil mahigpit sila sa regulasyon ng sasakyan. Lahat ng mga sasakyan dito ay required magpa-warrant of fitness or WOF kada anim na buwan para i-check yung roadworthiness nung vehicle. Bale tinitingnan yung critical areas ng kotse mostly connected sa drivability niya. Ang lisensiya naman ng registration or rego ay nasasaiyo kung gusto mo every six months or 1 year. Again, wala pang 5 minutes ang transaksyon sa post shop.
Yung driver’s license naman, madali magpa-convert nito. Mula araw ng pagdating mo dito, allowed ka hanggang 1 year sa paggamit mo ng iyong lisensiya sa pinas. Actually, madami akong kakilala na nagse-second or third try bago pumasa sa actual or practical exam. Yung testing centre kasing malapit dito sa Brown’s Bay ay kinakatakutan dahil sa higpit nung mga examiner. Tatlong strike or mali - you’re out! ‘ika nga nila. Ako dalawang beses na-warningan sa overspeeding pero naipasa naman sa first try. Bawal kasi magexceed by 5 sa nakapost na speed limit, halimbawa sa 50 kilometers per hour na kalye pwede ka hanggang 55 ang takbo. Nag 56 lang ako warning na agad, yun naman kasing dashboard ng kotse ko digital, kitang-kita yung 56.
Ang malaking kaibahan ng pagmamaneho dito ay sa lefthand side of the road ang ginagamit. Ito ay bunga ng impluwensa ng British system sa NZ. Sa totoo lang, matagal na kong nagda-drive sa pinas pero sanay sa kanan. Pagdating dito ay nanibago ko dahil lahat ay baliktad at inabot din ako ng mga ilang buwan bago talagang nasanay sa driving on the left side of the road.
Maayos dito ang dispilina ng mga tao pagdating sa observance yung road rules. Mayroon ditong sinusunod na Road Code na nagdedetalye ng traffic laws at tamang driving practices. Wala yung mga bwisit at barumbadong driver na sobrang kagulangan at pagkabwakaw kung magmaneho sa pinas. Hmmm, sabagay sobrang gulang at bwakaw din ako magmaneho sa atin…hehe…dahil nga paghindi ka nanggulang ay pag-i-iwanan ka. Dati sa Pinas meron akong matuling kotse na lahat nang kagaguhang pantrapiko ay nagawa ko na yata - harurot at singit dito, singit dun… ako pa ang galit. Pero hindi na ngayon, malaki na pinagbago ko sa pagmamaneho, nag-mellow down na ako.
Dito mahigpit din yung mga pulis, hahabulin ka talaga kung may violation ka. Pero alright yung mga pulis, hindi sila nangbabagansya o hulidap. Ang usong iskandalo ng pulis dito ay sex scandal.
Since bulubundukin (yung maraming hills) itong Auckland region, ang mga kalye dito ay pagewang-gewang at taas-baba. Sa tingin ko, ito ang dahilan kung bakit marami pa ding banggaan dito. Pero pagnabunggo ka naman dito ay hindi din naman masyado hassle kung may insurance ka. Sibilisado sila sa ganitong pangyayari - hindi naglalabas ng tubo tulad ng mga driver sa atin. Palitan lang ng pangalan at detalye sa insurance ayus na, kakamayan ka pa.
Pero nakakita na din ako ng mga away dito dahil sa muntik at tunay na bungguan ng sasakyan. Ang mga nakita kong nagwawala sa kalye ay yung mga islander (yung mga tubong isla sa gitna nga pasifiko na nagimmigrate din dito). Minsan pa nga ay hinabol pa ako nung isang babaeng islander na mas malaki pa sakin na sumusunod sa sasakyan ko nung nalito ako sa patutunguhan ko. Sabi sa akin “Pakyu madahpakah”, sabi ko “Madapa ka rin sana”.
Talagang mas gusto ko dito mag-drive dahil yung traffic dito ay mild lang kumpara sa atin. Dahil well-maintained yung mga kalsada at may mga traffic lights at appropriate road signs, makikita mo kung saan napunta yung binayaran mong tax. Mahirap maligaw dito sa Aotearoa dahil sagana sa mga destination signs lalo na kung maglo-long drive ka.
Ang hindi okay ngayon ay yung super taas ng gasolina at presyo ng pagkain na i’m sure ramdam nating lahat. Ine-expect nila na aabot ng $2 per liter (mga 60 pesoses) ang gasolina in the near future. Magkano na ba gasolina sa pinas?
*ang ibig sabihin nga pala ng AOTEAROA ay ‘Land of the Long White Cloud’ sa salitang Maori. Yan ang binigay nilang pangalan sa lupain na ito nung una nilang makita.


April 17th, 2008 10:20
mas mainam pa din pala dito sa geneva kasi hanggang 2 am ang bus at pag weekedn naman e may noctambus pero selected lines lang at least kahit papano me hahabulin pa din transportasyon lalo na mga gimikero.
ponchong’s last blog post..BARYA
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
jinkee, hindi na tayo nagkita ah, hayaan mo e-mail kita malapit na. txt mo din ako, nasayo na mobile namber ko
[Reply]
April 17th, 2008 17:34
tenks sa pagdaan sa blog ko bosing. cge exchange gift tayo, este exchange links pala. hehe. roadworthiness? nakow, pag ipatupad yan ng seryosohan dito sa pinas siguradong maraming dyip at kotse ang pupulutin sa junk shop at garage. LOL.
beero’s last blog post..Plagiarist Stikes Out!
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
maski ano gawin ko kasi wala akong masagot dun sa tag hehe. hirap pa din lakarin yung lima’t kalahating kilometro pagwinter na, tapos akyat-baba pa yung mga kalye habang umuulan
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
oo ba, punta ka lang dito akong blaha sayo. andun ka na din sakin
[Reply]
April 17th, 2008 18:39
buti pa pala dito sa pinas 24 hours ang transpo=)
pag napunta ako dyan..pa joy ride naman sa left hand side mong sports car…hehe=)
rio’s last blog post..Pasalubong na Tag ni sis lilmispaway
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
ano nga pala nangyari dun sa driving mo ng scooter? may sarili ka na ba?
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
pareng mark, bati mo nga pala ko haberdey sa panganay mo. yung panganay ko nagberdey din nung 16 apr bale 14 na. ang may learner’s dito si esmi na kasalukuyan kong tinuturuan (hirap turuan ng asawa sa totoo lang hehe)
[Reply]
April 17th, 2008 20:27
Ayun buti naman at nakaisip ka na parekoy mag lagay ng entry… ayus, mas lalu akong nagkakaron ng pagkagustong makalipat jan, kaso hindi ako napili nung magselection last april 9…sana mapili na ang EOI ko next selection…
Lyzius’s last blog post..Babu Cafeteria
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
oist kulang dito mga nars ngayon, ang balak pa nila kumuha galing china. di ba nars ka? apply na dali! puntahan mo tong site na to
http://nurse2nz.blogspot.com/
[Reply]
April 17th, 2008 21:00
Yung unang kotse ni Henry $400 na Honda Legend 1991. After a year and a half, ibinenta namin. Di ko na sasabihin kung magkano pero tubo kami. he he he
Jinkee’s last blog post..Hannah turned 1
[Reply]
madbong reply on April 19, 2008:
honga parekoy, kaya nagbago na din ako ng style sa pagmamaneho law-abiding na din ako lols. hmmm mas mahal pa din pala dito yung gasolina.
[Reply]
kiwipinay reply on April 20, 2008:
natawa ako dun sa side comment mo na “hirap turuan ng asawa sa totoo lang”. naalala ko yung kaibigan ko na nag-aaral din na magmaneho. nasisigawan ng asawa. sa buset ng babae, bumayad na lang ng instructor. ayun! matiwasay na nakaraos ng test. naka-restricted na sya ngayon.
kiwipinay’s last blog post..maligayang bati!
[Reply]
April 18th, 2008 05:10
buti naman di mo gnawa ung tag ni Lyzius..hahaha sabi ko pa naman gagawin ko un pag ginawa ko..hehehe
tamang ehersisyo yang ruta mo ha…sana may ganyan din na estimate estimate sa mga ruta natin dto para wala ng late..
kadet kyut’s last blog post..Hear Ye! Hear Ye!
[Reply]
April 18th, 2008 06:26
hala…pasaway pala ang mga islander dyan di sila tulad ko..heheh
ayus yung $500 na car kung dito lang yun bili na ako ng apat heh..ang mga used cars kasi dito starts from $2,000 pataas.
[Reply]
April 18th, 2008 18:09
pwede bang paampon na lang ako sayo? gusto ko talagang tumira sa NZ
ifoundme’s last blog post..huh?! my brother is in love?
[Reply]
April 18th, 2008 19:58
nung mga unang part ng pagbabasa ko inggit talaga ako..mas sibilisado nga naman ang tao dyan at halatang maunlad na..natawa pa ko dun sa pag nagbungguan paliatan lang ng pangalan at insurance details at kakamayan ka pa..lols! kung sa pinas may bungguan, malulutong na mura ang maririnig mo at palitan ng suntok..lols! nawawala lahat ng pinag aralan pag nakipag away sa kalsada. pati pagkuha ng lisensya puta naalala ko nung kumuha ako ng lisensya ultimo student license ang gulo ng processing..tapos nagkalat pa ang fixer..bwisit talaga. 5 minutes lang dyan? ang saya naman.
pre ang diesel sa ngyon ay 40 pesos at sa unleaded ay nasa 45 pesos.. ang mahal na talaga ng gasolina pati bigas ang mahal na rin. tapos ang sweldo walang pinagbago!
[Reply]
Lyzius reply on April 19, 2008:
nakupo salamat sa concern, pakibasa na lang yung latest entry ko…hirap na nga sitwasyon dito me mga taong siraulo ka pang kasama e di delubyo na talaga!
Lyzius’s last blog post..Bawal Magbiro!
[Reply]
madbong reply on April 21, 2008:
oist quiet ka lang kay misis, tiyak aawayin ako nun pagnalamang binanggit ko pa sa post ko hehe
[Reply]
madbong reply on April 22, 2008:
makakabili ka din ng sasakyan balang araw, ikaw pa! heniways ingat sa pag-uwi galing trabaho
April 19th, 2008 03:07
may nakastandby nang 2 agencies na willing kumuha sakin. ang problema ko is that nakahain na yung papers ko for US and malapit na akong mabigyan ng visa. kung sana hindi lang ako nagkaron ng problema with my parents before (yes, sa tanda ko nito e pinapatulan pa rin nila ang pagkasira ulo ko), siguro nandyan na ako at hindi na nagbablog. LOL! naiinggit talaga ako sa inyo. LOL! di bale, balang araw mapapadpad din ako dyan. pasyal mo ako ha? pwede ba add kita sa blogroll ko?
ifoundme’s last blog post..couldn’t think of a title
[Reply]
April 19th, 2008 08:57
hello! mas praktikal nga na magkaruon ng sasakyan dito sa NZ. Yung panganay ko nga nag-tratrabaho sa mcdo hanggang 10pm. kaya gusto na sana makapag-drive, ( nasa learner’s pa lang siya. ) ang tagal daw ng bus lalo na kung na miss mo yung dapat mong sakyan. Tapos may lugar na walang bus route, walk lang talaga.
[Reply]
madbong reply on April 20, 2008:
thanks bro, pero iba pala nasa-isip mo ahahaha
[Reply]
April 19th, 2008 19:58
huwaw. nice post. kahit mahaba hindi nakakatamad basahin. educational din. yun pala yun aotearoa..iba yung pumapasok sa isip ko pag nababasa ko yan eh, yung katunog nya–areola. hehe
jeck’s last blog post..At minsan umulan ng katangahan, ako’y nakatingalang nakanganga.
[Reply]
madbong reply on April 21, 2008:
sa pinas kasi pipigain ka ng husto kumita lang sila kaya ang daming tsetsebureche.
[Reply]
April 21st, 2008 16:02
buti pa diyan, mabilis lang ang mga transactions pagdating sa usaping sasakyan.. dito, grabe ang tagal!
linglingbells’s last blog post..kaliwaan
[Reply]
April 22nd, 2008 00:26
buti kapa bro may sasakyan na..mga kasama ko dito sa office meron na din..ako pano ako makakabili eh may pamilya pa akong tinataguyod?huh uh hu…safe lang naman maglakad sa iny dyan eh,..dito subukan mong maglakad ng wee hours..iihi ka sa kakatakbo..lols..ako bro midnyt na din labas ko….God bless me nalang sa halang ang bituka.
Maldito’s last blog post..Sunday Wrap Up
[Reply]