Archive for April 9th, 2008

Mga Manyikang Parausan

WARNING: Ang mga sumusunod ay hindi pang bata ngunit balitang totoo na ilalabas ko bilang investigative reporting.

Nung minsan may nakainuman akong hapon dito sa Auckland, napag-usapan namin yung mga partikyular na kultura ng mga kanya-kanyang bansa. Habang nagkwekwentuhan tungkol sa medyo adult na content na ay bigla siyang nagbanggit ng “datch waifu”. Anu kako yun sabi ko sa kanya. Ang tinutukoy pala niya yung mga manyika na tinatawag na love doll. E di sabi ko sa kanya “Luma na yan. Yan yung mga plastic na dolls na hinihipan parang beachball at ginagamit sa kung anu man ng mga lalaking walang makuhang partner.”

Hindi daw yun ang tinutukoy niya kundi yung premium na dolls na nauuso sa Japan ngayon. So dahil naintriga ako sa sinabi niya, nagsagawa ako ng sarili kong investigation. Ito ang resulta…

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Ang inyong investigative reporter na si Madbong ay nag-search sa Youtube at meron nga na video nito.

Lintyak, anong klaseng pag-i-isip ang meron itong hapon na ito at pinagpalit niya ang tunay na babae sa manyika? Estimated na nagastos niya almost $170,000 para sa almost 100 dolls in over a decade! Ang presyo daw nung isang premium doll ay nasa six to seven thousand dolyares!! Anak ng pating, anu ba ang meron yang doll na yan at ganyan ang presyo?

Ang inyong reporter ay nagsagawa ng research sa mga search portal at ito ang natuklasan niya. Dun pala sa bansang Hapon ay matatagpuan yung CandyGirl na isang premium na love doll. Napasok ng inyong reporter yung website niya at nalamang ito pala mukhang tunay na tao na talaga. Ito ay gawa sa silicone na may realistic na balat at tunay na buhok. Mayroon siyang PVC or metal skeleton na flexible para maipuwesto yung doll ng iba-ibang posisyon. Inter-changeable din yung mga mukha at katawan (pati size ng dodo hehe) depende sa gusto orderin ng kliyente. Marami pa siyang accesories (I leave it to your imagination my readers) . Eto ang itsura niya (click on the pic to enlarge)

lisa015.jpglisa011.jpgmao086.jpgmao117.jpg

Ang nakakatawa ay meron ding mga business na nagpapa-hire nito sa Japan. Dadalhin pa mismo sa bahay mo kung gusto mo. Langya, pati manyika may escort service na.

Sa kabilang dako ng mundo, meron din US version nitong dolls na ito. Ang tawag naman sa kanila ay RealDolls. Tulad nung Jap counterpart niya, articulated din siya, interchangeable yung bodyparts at marami ding accessories. Pero tingin ko mas lamang ang US technology kung itsura ang pag-u-usapan. Heto, kumpara niyo.

realdoll1.jpgrealdoll2.jpgrealdoll4.jpgrealdoll3.jpgrealdoll5.jpgrealdoll7.jpg

Kung makikita nyo lang yung gallery nito ay mapapahanga ka sa realism nung bodyparts (iba-iba pa yung itsura ng ‘kuwan’ nila hehe) yun nga lang medyo graphic na. Uy tiningnan ko lang yung gallery for the sake of journalism ha (utot).

Ngayon, kung tatanungin ako kung bibili ako nito ang sagot ko ay hinde dahil wala pa ding papalit sa beauty ni luvsko. 

Update

Meron pala ngayong comedy film  na may feature na love doll, yung Lars and the Real Girl. Di ko na kukwento ang synopsis tingnan nyo na lang sa link pero sure ako na papanoorin ko ito paglabas nito sa NZ.

Para dun sa interesadong makita yung gallery nung RealDoll eto yung link. Pero babala ulit na hindi ito pang bata (AO, NSFW) at wala akong kasalanan kung biglang mag-alab ang inyong pagnanasa lolz.