Serbisyong Publiko
Paano ba magtrabaho para sa gubyerno? Malaki ba ang diferens kaysa magtrabaho sa pribadong sektor?
Matagal din akong nagtrabaho sa gubyerno, so paano ba ako napunta doon? Aktuali, wala naman akong balak magtrabaho dito sa sektor na ito. Siguro ang una sa aking nagenganyo para pumasok dito ay sa kadahilanang produkto ako ng isang pampublikong unibersidad. Siguro masasabi nyong medyo “idealist” ako noon at gusto kong magserbisyo sa publiko (peks man, pramis, hope to die) .
Ang pangalawa ay yung ermats ko ay sa gubyerno din nagtratrabaho. Pagka gradweyt ko pa nga lang ay kinulit akong mag-take ng Civil Service Exam. At nung napasa ko naman ay sabi sa akin na “O, tutal may sibil serbis ka na mag-aplay ka na ng trabaho bukas ha”! Siguro nagsawa na kakakita sa aking nakahilata sa sopa.
Ano ba naman ang benepisyo ng pagtratrabaho sa gubyerno? Based on my experience, the greatest benefit that you can get while working in the government is education. Maraming scholarship na bibibigay ang civil service commission pati na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Mayroon nga na scholarship na bukod sa sagot na nila ay full time pa ito meaning ma-de-devote mo yung oras mo sa pag-inom pag-a-aral at the same time, bayad ka pa ng buo sa opisina. Mayroon ding tsansa na makapag-aral at training abroad. Ako nakaswerte din at nakapunta sa europa para sa training. Yung iba ding ahensya ay may sariling pabahay sa mga empleyado nila.
Hindi ba mababa ang suweldo sa gubyerno kaya maraming corrupt? Oo, mababa ang suweldo sa gubyerno kaysa pribadong sektor kaya naman yung ilan ay natutukso lalo na kung ang partikyular na trabaho nila ay may involved na pera sa transaksyones. Pero hindi naman lahat ng ahensiya ng gubyerno ay mababa ang suweldo. Yung ibang mga government owned or controlled corporations ay maganda din ang pasuweldo, meron pa yung iba na sariling savings/retirement package at bukod pa ito sa GSIS or Pag-IBIG Fund. Pero hindi ako kasali dun ha, dahil mga napasukan kong ahensya ay puro budgeted (meaning may nakalaan lang na official budget for the year na mukhang lumiliit at lumiliit every year) kaya sobrang api ang pasuweldo. Kaya nga naisipan kong mag-abroad e.
Hindi ba puro pulitikahan pag nagtrabaho diyan? Ay oo, hindi mawawala ang pulitikahan pero maski naman sa mga pribadong kumpanya ay may pulitikahan din. Maski saang parte ng mundo, hindi ito mawawala. Sa mga ahensya ng gubyerno ay may dalawang uri ng tao: yung appointed at yung sakop ng plantilla. Yung una ay pansamantala mo lang makakasama dahil nakadikit sila sa kung sino man ang namumuno. Pagwala na yung amo nila, sila yung unang pinapalitan. Ang talagang pangmatagalan ay yung mga de plantilla dahil protektado ang posisyon nila ng civil service.
So masasabi ko bang worth it ang pagtrabaho ko doon? Sa tingi ko ay oo, dahil nakakabusog din naman sa puso yung makatulong ka ng ibang tao. Also worth it are the things I’ve learned and the people I’ve met.
Explore posts in the same categories: Islas de Pilipinas, Serbisyong Publiko
March 2nd, 2008 at 4:43 pm
naks! serbisyong totoo!
[Reply]
March 4th, 2008 at 12:19 am
hi lingling, yung bunso kong anak medyo hirap na magtagalog, pinabasa ko yung title ng blog mo. nabubulol sa ’tililing’ hahaha
[Reply]
March 4th, 2008 at 3:28 am
Tama kahit saan ka naman magtrabaho may pulitikahan mapa gobyerno man or pribadong kumpanya. Dito maganda din magtrabaho sa gobyerno, maganda mga benefits nila at malaki ang sweldo. Sana nga makapasok din ako sa kanila soon.
[Reply]
March 4th, 2008 at 4:54 am
then run for presidency!
[Reply]
March 4th, 2008 at 5:24 am
tama ka.. maliit talaga suweldo sa gobyerno.. ok lang yun, hindi naman ako pumasok dito para magpayaman (utot) bwahahahaha
link tayo pre (tito) ok ba?
[Reply]
March 4th, 2008 at 9:24 am
@misyel-i hope that you make it, kaya mo yan!
@nac-haha, di na ko pwede bro malapit na akong maging sixty cents dito.
@buhaybarracks-sige soulja, link din kita. so malapit ka na matapos sa pma?
[Reply]
March 4th, 2008 at 2:29 pm
marami talagang corrupt sa gobyerno lalo na sa customs at LTO garapalan pa.
mabuti naman at mukhang fulfilling ang trabaho mo dyan..yun naman ang importante..masaya ka sa ginagawa mo basta ba hindi ka nanlalamang ng kapwa..ayos ka pards!
[Reply]
March 4th, 2008 at 9:24 pm
@gasti-tenks bro, naniniwala kasi ako sa karma, kung ano ang ginagawa ng isang tao ay babalik din sa kanya.
[Reply]
March 5th, 2008 at 11:59 am
teka, ano bang naging posisyon mo sa gobyerno? makapag-aplya nga dun…hehehehe..di ako magpapakabait, magpapakabundat ako at iinum lang ng kape..hahahahaha!
ganda pala ng career mo ngayon..Godbless sa work.
[Reply]
March 5th, 2008 at 1:09 pm
thanks jeck. bale nung nag-start ako ay general clerk, naging presidential staff officer at naging division chief bago ako nag-resign. ngayon taga-timpla ako ng kape sa isang IT/market research company dito sa Auckland. hehe
[Reply]
March 7th, 2008 at 10:06 pm
nag-exam ako noon na Civil Service eligibility para in case mag-trabaho ako sa govt, eligible na di ba. Pero sabi ng tatay ko (isang govt employee all his life) wag daw akong papasok sa govt dahil kahit gaano ka ka-straight, kakainin ka ng bul*k na sistema.
sa govt ako nagsisilbi ngayon. very efficient and professional ang public service na nao-obserbahan ko. sana ganito din sa Pinas.
[Reply]
March 7th, 2008 at 11:26 pm
mas efficient nga dito sa atin kaysa pinas pero minsan a-abutin ka din ng bureaucracy ng sistema. humingi ako sa IRD ng simpleng certification, alam mo bang inabot din ako ng tatlong tawag at halos isang buwan bago ko nakuha yung request ko.
[Reply]
May 27th, 2008 at 3:00 pm
serbiyo publiko ay walang tinatangi, kung baga no exemption to the rules. dapat ang pagseserbisyo publiko ay responsable, kapaki-pakinabang at nikilado o di kinakalawang.
tulad ni robin hood na tumutulong sa kanyang kapwa, ok yon, kaso yong uri ng kanyang pagtulong ay mula sa pagnanakaw. May kalawaang kaya cannot be borrow one from robin nikilado.
Sa ngayong, may presyo na ang serbisyo publiko di tulad ng nakaraan. Noon walang bayad kase ngayon negosyo ang umiiral. Sa elektrisidad, nag-aagawan ang pamilya lopez at gobyernong super corrupt. Patay kang bata ka kung sa gobyenong kurap mapapupunta ang elektrisidad.
grounded tayong lahat.
[Reply]