I Heart My Job

Kasalukuyang pumapasok ako sa isang IT/market research company dito sa Auckland. Itago na lang natin itong kumpanya ko sa pangalang ”Database Factory.” 

Sa totoo lang wala naman akong tunay na background sa market research except na nagtrabaho ako dati sa isang call centre bilang interviewer. Ito yung tumatawag sa bahay-bahay sa buong NZ para mangulit at makipagtsismisan mag-survey. Saka ko nalang ikwe-kwento itong dati kong trabaho na ito.

Noon nga na nag-exam ako para sa current job ko ay mayroon akong portion na hindi ko nakuha yung tamang sagot, pero na-justify ko naman kung bakit iba ang sagot ko (gumana ang pagkapilosopong pinoy hehehe).

Kino-consider ko na masuwerte ako dito sa current job ko. Una ay varied ang trabaho at hindi paulit-ulit. Dun sa team namin ay matutuwa ka sa iba’t-ibang survey na makikita mo, minsan pa nga ay survey na gawa sa pinas. Dahil dito ay hindi ako nabo-bore sa trabaho at ang bilis lang lumilipas ng working day. Ito marahil ang nagbibigay sigla sa akin maski na minsan sang tambak ang mga database na nakapila. Para sa akin ay importante na nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo dahil kung hindi ay magiging routine na lang ang ginagawa mo at mawawala yung focus mo sa trabaho.

Pangalawa ay worldwide ang operations namin maski na medium-sized company lang kami. Actually, mga major corporations ang kliyente namin at sa isang given na taon ay mayroon kaming nakukuhang mga bagong kliente at mga bagong project dun sa dating kliyente na. Sabi nga nung isang director namin ay “The moment you stop expanding means that the company is not performing well.”

Ang pangatlo kong gusto dito ay super luwag sila, ika nga nung isang bossing ay “The only rule is that there are no rules.” Hindi sila mahigpit sa oras, basta nakaka-deliver ka ng expected output. Ako nga ay perennial latecomer pero bumabawi naman ako by extending my working hours. Sa totoo lang ay 15-20 minutes lang ang travel time ko mula sa bahay pero parating mabagal kumilos ang mga anak ko sa umaga kaya ako nale-late (uy nagpalusot pa - utot). Napaka-understanding din nila pag may kailangan kang gawin para sa pamilya tulad ng maagang aalis para magsundo kay misis or mga bata. Pwede din sa amin mag-trabaho mula sa bahay kung walang bantay ang mga bata pag school holidays. Wala pating ini-impose na dress code, isuot mo yung damit na kung saan ka komportable basta presentable. 

Pang-apat ay alaga nila ang empleyado. Mayroon libreng pagkain na fruit/snacks and drinks sa pangaraw-araw at madalas pa pag may presentation ay tinatapat sa lunch at sobra-sobra ang mga tsibog. Libre beer pa pagbiernes ng hapon (wawaweewa). Mayroon ding quarterly social events tulad ng naisulat ko na (yung paintball at luge, meron pa ngang go-cart and skiing/snowboarding lessons last year). OK na din ang pasuweldo, tatapatan nila yung performance with commensurate salary raises as your time in the company increases. Ang pinaka-okey sa akin ay yung bonuses, dahil dito naman sa NZ ay bihira yung mga kompanya na nagbibigay nito.

Ang best para sa akin ay okey yung mga kasamahan ko sa trabaho (pero mayroon pa ding dalawang buwisit na gusto kong ipakulam, baka marunong kayo). Para nga kaming mini UN dito dahil may instik, hapon, bumbay, rusko, romano, malaysian, czech, mexikano, arhentino, iraqi, south afrikan, englatero, pranses, eskimo at iba pang lahi. Outnumbered namin yung mga puti. Yung dalawa kong kasamang pinoy ay ka-tsokaran ko din (ba siyempre, sino pa ang magkakampihan ano).

Parati nga pala kaming kasali dun sa yearly contest na”Best places to work in NZ.”  Sa lahat ng pinagtrabahuhan ko, dito ko talagang masasabing “I heart my job”. 

10 Responses to “I Heart My Job

  • 1
    kiwipinay
    March 9th, 2008 11:30

    that’s good to know. iba talaga kapag kapuso mo ang iyong ginagawa.

    parekoy! email mo sa akin address mo. kaw nanalo dun sa contest ko na best captions.

    [Reply]

  • 2
    iceyelo
    March 9th, 2008 13:30

    Matagal ko din pinagisipan ang umalis ng bansa. last month, bumigay nako sa pressure ng pag-alis hahaha. sinimulan ko na yung application ko for canada, gusto ko ng sana diyan sa NZ kaso mas madali ang proseso sa canada kasi may sponsor nako dun. Hirap ng buhay dito sa pinas. Good Luck sa work.

    [Reply]

  • 3
    madbong23
    March 9th, 2008 21:35

    @kp-yehehay, ako pala ang nanalo, e-mail kita bukas.
    @iceyelo- good to hear na nag-aplay kay sa canada. nag-attempt din ako dun kaso, malaki-laki ang ’show money’ na required para sa canada. anyways, hindi porke’t umalis tayo ng pinas ay tinatalikuran na natin ang bansa natin. talaga lang hirap na ang buhay sa atin kaya tayo naghahanap ng greener pastures. ako, ang primary purpose ko sa pagpunta sa nz ay para sa mga bata.

    [Reply]

  • 4
    buhaybarracks
    March 10th, 2008 04:21

    suwerte mo naman..pagpatuloy mo yan..pabalikin mo anak mo dito sa pinas ng pumasok din sa paaralan ko..heheh

    salamat sa paglagay sakin sa parating pnupuntaha..pakiramdam ko para na kong touris attraction..hehehe

    [Reply]

  • 5
    madbong23
    March 10th, 2008 15:32

    @cadet - walang anuman bro.

    [Reply]

  • 6
    Maldito
    March 10th, 2008 18:03

    kakaingit naman..ahehhe..ako ewan ko ba if mahal ko ang work ko or indi..matagal ko nang planong mag resign.,.pero napigilan ko nung nag enjoy na ako sa team ko..the best ang companiosnhip namin,..lahat kami ayw sa job pero see, mag 2 2 years na kami…ahehe.iba iba din ang region namin…hay…buhay…enjoy lang talaga..kahit same routine lang ang work namin…tsk tsk.

    [Reply]

  • 7
    madbong23
    March 10th, 2008 23:02

    @maldito-minsan may palaisipan din ang pagtratrabaho. ano ang pipiliin mo yung malaki suweldo pero bad trip yung mga opismeyt or maliit yung suweldo pero ok ang mga kasama? malaki naman ang suweldo sa call center nyo di ba, tapos oks yung kasama mo so lamang ka narin. yun nga lang minsan kasawa kumausap ng tao (nag-call center din ako dito).

    [Reply]

  • 8
    Kotsengkuba
    March 12th, 2008 16:19

    i heart your job too! i hope i could find a job na hindi routenary at hindi assholes ang mga katrabaho. otherwise, magtatayo nalang ako ng photography studio or something that i really love doing.

    [Reply]

  • 9
    misyel
    March 12th, 2008 17:29

    Wow, galing naman! Ang sarap atang magtrabaho kapag okay ang lahat sa paligid mo (except nga dun sa dalawang gusto mong ipakulam, hehehe). Kung ganyang din ang pinapasukan ko, naku naman gaganahan talaga akong pumasok. Congrats po sa work nyo and keep it up! ;)

    [Reply]

  • 10
    gasti
    March 17th, 2008 19:51

    tsong i heart your job na rin..hehe! andaming benefits..mabilis ka yayaman nyan..milyonaryo ka na ata. tama ka para sa mga kids yan…ganun talaga kapag may pamilya na hindi na lang sarili ang iniisip.

    gasti’s last blog post..pinakyaw ni pacquiao!

    [Reply]

Leave a Reply