Burat Na Virus Yan

Sensya na po sa babasa nito at medyo bastos ang taytol ng post ko ngayon.

Biernes ng gabi, kakatapos ko pa lang bumisita sa mga site na bastos kakatapos ko pa lang magdownload ng patch ng game ay may nakita na akong kakaiba sa computer ko. Bigla na lang akong may nakita na tumatakbo sa dos mode screen at agad namang nag-flag yung antivirus ko.  Dali-dali akong nag-full scan, ayun may nakitang trojan virus.

Ang akala ko ay ayos na ang lahat pero mayamaya lang ay may lumalabas nang mga outgoing messages mula computer ko (maski wala naman akong pinapadala).  Ni-re-reject naman ito nung antivirus ko pero mantakin mo ba namang ilang outgoing messages ang ni-re-ereject na kada minuto.  Aba, paktay na dahil maski ano gawin ko napuno na ng ganitong messages yung screen ko. Para bang nilagyan ng post-it yung buong screen. Ang mga messages pa man din niya ay yung sa viagra at cialis at kung anu-anong bastos na subject taytol.

E di ano pa ang magagawa ko kundi magreformat at re-install ng lahat ng programs ko. Nakakaburat talaga dahil kakainstall ko pa lang ng bagong sistem nung Enero dahil sumemplang yung hard drive ko.  Nakakagigil din dahil hindi tuloy ako makapagblogging (uy blog adik na rin yata ako).

Kaya dapat kayo din ay mag-ingat sa mga virus na tulad nito. Pero dun sa mga programmer na gumagawa ng virus, may araw din kayo! Sana ay mawalan kayo ng trabaho at maging taong grasa kayo! At sana magkaganito din ang buhok nyo! 

buhok_ng_taong_grasa.jpg

*photo courtesy of funpic.hu

 PS - thanks to kotsengkuba for the assistance in getting my new commentluv. lilitaw na yung latest posts nyo sa comments

Explore posts in the same categories: Nakakaburat

12 Comments on “Burat Na Virus Yan”

  1. kadeteng civies Says:

    asteeg talaga mga pics mo..hay buhay…nwala ang gutom ko…hayop sa buhok….

    about sa virus na tinutukoy mo san mo ba nakuha un?
    nakapasok sa firewall mo?

    kadeteng civies’s last blog post..Kissing Rock

    [Reply]

  2. gasti Says:

    taenang buhok yan..parang naamoy ko na ang kabahuan nyan…yuck!

    nakikiramay ako sa ngyari sa pc mo..inatake na rin ako ng trojan na yan eh pero wala namang ganyan eksena na nagsesend ng messages..

    [Reply]

  3. madbong23 Says:

    @tedaks-suspetsa ko galing yung virus dun sa mga zip files na dinownload ng anak para sa mod ng game niya.
    @gasti-alala ko mga 10 years ago may hinamon ako na barbero na bibigyan ko siya ng 3 daan gupitan lang yung taong grasa (hindi pa ganyan kasintulad yung buhok ha), sama ng tigin sa akin hehe.

    [Reply]

  4. misyel Says:

    Waaah, yoko magkaganyan buhok ko! hehehe… Sobra naman yang virus na yan, ako din naka-encounter na ng trojan virus pero di naman kasing grabe ng sa iyo, hayyy kasi wag na magDL ng kung anu-ano hehehe!

    misyel’s last blog post..Pacquiao, wow!

    [Reply]

  5. madbong23 Says:

    @misyel-tnx ulit, napanood ko na si pacman sa link mo. maski condensed version ok pa din.

    [Reply]

  6. Lyzius Says:

    nyahahaha… taga NZ ka pala ser..wowoot! matagal ko ng pinangarap na maka pag gatas ng mga baka jan kaso lang sabi ng mga bakero, baka daw kelangan nila hindi baboy kaya ayun, hindi ako makapasa pasa…wahihihihi

    Lyzius’s last blog post..Si Maya at ang mga Pepeng Pasada

    [Reply]

  7. madbong23 Says:

    @lyzius-thanks sa pagdalaw. may sarili akong alagang baka, papadala ko sayo hehehe.

    [Reply]

  8. Kotsengkuba Says:

    huwaw!! may commentLuv na :D mejo busy ako the past at pagod pa ko today from shanghai. dinelayed ko muna yung dapat kong photo story dahil wala pa kong pang-follow up pick. anyway, i have a good substitute naman ;-)
    na-virus din ako recently, ang ek-ek namang nung virus e i-hide lahat ng folders ko then later natutuluyan nang mabura. so i had to recover my system din at hanggang ngayon di pa ko tapos. the most important thing na nawala e yung mga fonts collections ko. in effect, dapat kong extra projects na din pa natatapos.

    email ko sayo later yung iba pang plugins na ayos. pero i’m happy that you got accustomed to installing the installables na sa blog mo. ehehehe, at ang comment section mo ha. nung kapanahunan ko e wala pa sa kalingkingan ng stats mo ang nakukuha ko. hahaha. keep it up ;-)
    Kotsengkuba’s last blog post..Photo Story WK812

    [Reply]

  9. linglingbells Says:

    eeeeewww yung buhok!! hay nakow! ako din, biktima din ako ng virus.. kaya pala nasira laptop ko dahil sa sangkatutak na virus.. badtrip talaga yang mga viruses na yan!! hmp!

    linglingbells’s last blog post..hulaan time

    [Reply]

  10. jeck Says:

    nakakaburat nga yung ganyang mga virus. yung desktop ko sa bahay, nakailang reformat na rin ako dahil sa bwakananginangpuchangburaot na viruses na yan!
    kadiri yung buhok nung mama, paano naging ganun yun?
    yuck.

    jeck’s last blog post..kung paano ko nilunod ang goldfish sa aquarium

    [Reply]

  11. madbong23 Says:

    @nac-salamat din dun sa ibang pinadala mo sa akin, pagaralan ko dis long weekened.
    @lingling-nabiktima ka din pala. hirap ako dun sa hulaan mo, isa lang yung nakuha ko.
    @jeck-para umabot ng ganung yung buhok niya, means to say ilang taon na siyang dehins goli, dehins nagsusuklay. yan ang literal na pwede ng taniman ng (redhotsilly) kamote yung buhok niya.

    [Reply]

  12. Ambo Says:

    Ganyan na ganyan nangyari dun sa isang PC ko. Na Trojan ako. Buset na galing ng virus na yan parang cancer, unti untiin ang PC mo. Nakailang reformat na ako kaso bumigay na talaga hehehehe.

    Kaya kayo jan, wag tularan si Madbong! Kasi laging porno tinitingnan eh ahahahahaha joke!

    [Reply]

Comment: