Eastah in NZ
Itong Easter holiday ang isa sa paboritong holiday ng mga kiwi. Ito yung panghuling long holiday ng summer kasi ang susunod na long holiday ay bandang June pa. Ang holiday na ito ay sakop mula Good Friday hanggang bukas na Easter Monday. Yung mga anak ko nga meron pang Easter Tuesday pero ang mga school na lang ang merong holiday na to (tingin ko tinatamad lang yung mga teachers nila, di nga sobrang dami ng holiday ng mga bata dito).
Karamihan dito ay lumalabas ng city para sa isang last hurrah sa summer. Sa amin simple lang ang holiday namin at di na kami nag-out-of-town pa.
Maundy Thursday
Nung gabi nitong araw na to ay nagyaya na si luvsko na mag-grocery shopping dahil sarado ang mga supermarket ng Good Friday at Easter Sunday. Ang una naming pinuntahan ay yung bago naming nadicover na tindahan ng mga pinoy products (wala munang plugging, kailangan may bayad). Madami na din silang paninda, mura pa dahil sa bahay ang puwesto.
Tapos nito, nagpunta kami doon sa Foodtown, isa sa malaking grocery store dito. Maraming tao na namimili. Pero ang napansin namin ay karamihan ng mga item sa shelves ay may discount tag na. At yung discount nung karamihan ay malaki-laki ang matitipid mo (halos 20-30%). Ako, natuwa din dahil yung mga beer lahat may discount pati yung mga premium na beer (kaya daw malaki tiyan ko sabi ni luvsko). Maya-maya lang nag-announce yung store manager na “All cooked and cut meat at the deli and all fish are now 50% off. Happy Eastah…”. Aba e dagli kagad kaming nagpunta at nakabili kami ng murang salmon belly at ibang pambaon sa school ng mga bata. Ito ang isang gusto ko sa NZ, pagnag-sale, sale talaga.
Good Friday
Sa bahay lang kaming pamilya except si luvsko na napakiusapan pumasok dun sa part-time job niya bilang caregiver sa resthome. Ang mga bata buong araw nanood ng TV, puro kasi sine at wala pang commercial yung mga istasyon nung araw na ito.
Black Saturday
Pag-gising sa umaga ay niyaya ko si esmi and kids na mag-hiking dun sa Long Bay Regional Park na sakop pa din ng North Shore City. Bukod dun sa main beach sa baba kung saan mayroong nakabikining puti na oh so hot ay mayroong coastal trail dun sa may mga cliff na bumabaybay yung beach. Ang trail na ito ay taas-baba taas-baba na matarik din. Ako, nakakuntodong hiking boots/shorts pa pero napansin ko ay nangungulelat na ako kila luvsko at mga bata. Aba lawit dila ko nakakatrenta minutos pa lang ah. Ayan, simula kasi nung tinigilan ko yung part-time na trabaho ko bilang nightfiller ay hindi na ako nakaka-exercise. Buti pa si luvsko in fighting form dahil siya yung mahilig mag-walking at nag-e-exercise siya sa abs machine at stair climber.
After another 15 minutes nakita kong biglang nag-about face yung panganay ko at sumesenyas ng tigil. Nung nagpang-abot kami ay sinabi nitong mayroong nakahubo’t hubad dun sa beach sa baba. Siyempre tinanong ko yung bata kung ano ang nakita niya. Sagot sa akin “Dad, those nude people at the beach are like really old, eeeeeewwww”. Sa isip-isip ko, e di nakakita ka ng suso na pwedeng isampay sa likod hehehe. Ang plano sana ay bababa kami dun mismo sa beach na yon para tabing dagat naman mag-hiking pabalik. Napilitan kaming mag-backtrack dun sa isa pang maliit na beach na nalampasan na namin (another taas-baba hingal episode). Buti dito walang nakabomba. Mula doon, madali na kaming nakabalik dun sa main beach kung saan nandun pa din yung nakabikining puti na nagtatampisaw sa tubig na lintik bantayan nung boypren.
Dun nga pala sa main beach ay marami ding tao at mayroong mga gathering ng iba’t-ibang lahi. Yung mga Samoan naglalaro ng cricket saka rugby. Malalaki talaga lahi nila, kala mo pinabayaan sa kusina. Yung mga Indiano naman, nagbabatuhan ng colored na powder. Kala namin nababaliw na yun pala may holiday din sila, yung Festival of Colours. Nakakaaliw din makakita ng matatandang bumbay na teknicolor ang mukha. To end our adventure, bumili lang kami ng fish and chips sabay lipat dun sa kabilang Torbay beach at dun nag-picnic.
Easter Sunday
Buhay na si Lord at ang ganda ng sikat ng araw! Nung umaga, nagpunta kami sa flea market dun sa Takapuna. Itong flea market ay tuwing linggo mula 7am hanggang tanghali. Dito marami ding bargain at sari-sari ding paninda. Ang peyborit kong gawin sa market ay tikman yung mga pagkain dun lalo na yung mga asian stall dahil medyo kahawig nito yung mga luto sa atin. Ang usual na binibili ko ay yung siopao at saka yung lumpiang vietnamese. Minsan dito na din kami bumibili ng panaghalian na fresh fish na pwede pa-ihaw dun sa tindahan ng isda. Yung karamihan ng foodstalls ng keso, mga spreads/jams, dips at tinapay ay mayroon pang libreng patikim kaya ok. Pagmalapit na pati magsara yung flea market ay bina-bargain na nung mga paninda nung iba lalo na kung pagkain at mga halaman. Hmmm, parang nabisto katakawan ko….
Tatanungin pa ba kung ano ang hilig ni misis sa flea market? E di fleas aysus damit siyempre.
Nung hapon, nag-driving session ulit si luvsko (panay ang preno ko mula sa passenger side maski walang apakan ng preno hehe hirap maging kalmado pag misis ang tituturuan). Desidido na kasi siyang mag-drive at yun naman talaga ay kailangan dito dahil necessity yung sariling sasakyan. At nung gabi, nag-long walk ulit kami ni esmi dito lang sa palibot naming lugar (medyo konti na lang ang hingal dis taym hehe).
At least hindi pa din tapos ang holiday namin dahil may isang araw pa bukas.


March 24th, 2008 11:36
ahoy! Happy Eastah, kabayan! miss ko na ang mga flea markets. di pa ako nakapunta ng takapuna flea market. kapag nadaan ako dun, makiki-kape ako sa inyo ha?
kiwipinay’s last blog post..Easter 2008
[Reply]
March 24th, 2008 16:58
Happy Easter po! Sayang di ko nabalitaan yung sale sa Foodtown. Anyway, aabangan ko na lang yon next year.
Marami talagang nagagawa dito, kahit di ka na lumayo. Kaya kami di na din lumabas ng Akl.
Yung tindahan ng pinoy products, naligaw na din ako doon about 2 months ago. Natuwa ako sa range ng tinda nila. Pero nung makita ko yung presyo ng same products sa mga asian shops, nalungkot ako dahil malaki ang mahal nila sa presyo. Baka may sale din sila nung bumili kayo.
[Reply]
March 24th, 2008 17:32
mukhang mahabahaba nga yung holiday mo bro ang haba ng post eh,,,sana tumuloy ka na bumaba sa beach mag-isa…heheh
islander’s last blog post..Ang missing kong BAGGAGE
[Reply]
March 25th, 2008 02:32
huuuu..powtek na sandamukal na aplikeyshon ko sa NZ, hindi pa rin ako matanggap sa work… me alam po ba kayong maayos na agent to apply for construction job jan? hehehe…
mason po ako at piyon…
Lyzius’s last blog post..Kanser sa Dudu
[Reply]
March 25th, 2008 19:08
wow! ang saya naman diyan! haba-holiday!!
linglingbells’s last blog post..makati talaga!
[Reply]
March 26th, 2008 02:04
@kp-anytime punta ka dito sa amin, most welcome ka. may kasama pang biskwet yung kape.
@jinkee-ako din, di ko alam beforehand yung sa foodtown. inuubos nila yung perishables at ibang stock kasi nga sarado sila nung fri and sun.
@islander-ano ginagawa nyo sa bermuda pag holy week?
@lyzius-alam ko lang na opening tagatulak ng barko dun sa pier hehe. hindi nga serious ka magapply para dito?
@lingling-oo nga, haba-holiday dito. lumabas na ba results nung exams mo?
[Reply]
March 26th, 2008 11:00
wwaaaaaawwwww..sana meron ganyan dito sa Pinas…kaso mo, kahit nagsi-sale dito..parang wala pa ding sale kasi mahal pa rin..hahah..walang kwentang sale ang nangyayari…
randomdemeanor’s last blog post..Huli na
[Reply]
March 26th, 2008 21:35
@random-ganun nga dito sa nz lalo na pag nag-out-of-season sale or kung mayroong holidays. dun nga sa rebel sports nung lunes, yung mga orig na sport brands nag-sale din hanggang 40% yung discount. meron pang specials tulad nung rugby shirt na nabili ko ng $10, dati siyang $139.
[Reply]
March 26th, 2008 22:16
di pa po.. mga first wik of april siguro, lalabas na mismo yung grade ko.. hehe.. sana pasado ako sa lahat..
linglingbells’s last blog post..makati talaga!
[Reply]
March 31st, 2008 07:41
napadaan lang po
[Reply]
April 3rd, 2008 16:29
sarap naman din plang mag beach dyan..hehe! for experience lang ba pero mas trip ko pa rin ang mga nakabikining pinay…
tama ka! pag sale dito walarin kwenta kasi ang mamahal pa rin…karamihan 10-20% less lang o kaya naman 50% less pero orig price is 4k naman..mahal pa rin. lalo na sa mga laruan..sa toy kingdom kadalasan 10% less..lang kwenta!
[Reply]