Burat Na Virus Yan
Sensya na po sa babasa nito at medyo bastos ang taytol ng post ko ngayon.
Biernes ng gabi, kakatapos ko pa lang bumisita sa mga site na bastos kakatapos ko pa lang magdownload ng patch ng game ay may nakita na akong kakaiba sa computer ko. Bigla na lang akong may nakita na tumatakbo sa dos mode screen at agad namang nag-flag yung antivirus ko. Dali-dali akong nag-full scan, ayun may nakitang trojan virus.
Ang akala ko ay ayos na ang lahat pero mayamaya lang ay may lumalabas nang mga outgoing messages mula computer ko (maski wala naman akong pinapadala). Ni-re-reject naman ito nung antivirus ko pero mantakin mo ba namang ilang outgoing messages ang ni-re-ereject na kada minuto. Aba, paktay na dahil maski ano gawin ko napuno na ng ganitong messages yung screen ko. Para bang nilagyan ng post-it yung buong screen. Ang mga messages pa man din niya ay yung sa viagra at cialis at kung anu-anong bastos na subject taytol.
E di ano pa ang magagawa ko kundi magreformat at re-install ng lahat ng programs ko. Nakakaburat talaga dahil kakainstall ko pa lang ng bagong sistem nung Enero dahil sumemplang yung hard drive ko. Nakakagigil din dahil hindi tuloy ako makapagblogging (uy blog adik na rin yata ako).
