Archive for March, 2008

Eastah in NZ

Itong Easter holiday ang isa sa paboritong holiday ng mga kiwi. Ito yung panghuling long holiday ng summer kasi ang susunod na long holiday ay bandang June pa. Ang holiday na ito ay sakop mula Good Friday hanggang bukas na Easter Monday. Yung mga anak ko nga meron pang Easter Tuesday pero ang mga school na lang ang merong holiday na to (tingin ko tinatamad lang yung mga teachers nila, di nga sobrang dami ng holiday ng mga bata dito).

Karamihan dito ay lumalabas ng city para sa isang last hurrah sa summer. Sa amin simple lang ang holiday namin at di na kami nag-out-of-town pa. 

Maundy Thursday

Nung gabi nitong araw na to ay nagyaya na si luvsko na mag-grocery shopping dahil sarado ang mga supermarket ng Good Friday at Easter Sunday. Ang una naming pinuntahan ay yung bago naming nadicover na tindahan ng mga pinoy products (wala munang plugging, kailangan may bayad). Madami na din silang paninda, mura pa dahil sa bahay ang puwesto.

Tapos nito, nagpunta kami doon sa Foodtown, isa sa malaking grocery store dito. Maraming tao na namimili. Pero ang napansin namin ay karamihan ng mga item sa shelves ay may discount tag na. At yung discount nung karamihan ay malaki-laki ang matitipid mo (halos 20-30%).  Ako, natuwa din dahil yung mga beer lahat may discount pati yung mga premium na beer (kaya daw malaki tiyan ko sabi ni luvsko). Maya-maya lang nag-announce yung store manager na “All cooked and cut meat at the deli and all fish are now 50% off. Happy Eastah…”. Aba e dagli kagad kaming nagpunta at nakabili kami ng murang salmon belly at ibang pambaon sa school ng mga bata. Ito ang isang gusto ko sa NZ, pagnag-sale, sale talaga.

Read the rest of this entry »

Ken Lee Part 2

Nung una kong napanood yung part 1 nito sa blog ni Chillidobo ay natuwa ako. Mga alas tres ng umaga nun dito at nung pinatugtug ko ito muli ay nagising si esmi na humahagalpak ang tawa. Siguro inabot din kami ng mga 5 mins sa kakatawa.

Ito yung next installment na medyo improved na yung english ni Ken Lee (medyo lang ahahaha). Hope you guys enjoy the vid as well.

Burat Na Virus Yan

Sensya na po sa babasa nito at medyo bastos ang taytol ng post ko ngayon.

Biernes ng gabi, kakatapos ko pa lang bumisita sa mga site na bastos kakatapos ko pa lang magdownload ng patch ng game ay may nakita na akong kakaiba sa computer ko. Bigla na lang akong may nakita na tumatakbo sa dos mode screen at agad namang nag-flag yung antivirus ko.  Dali-dali akong nag-full scan, ayun may nakitang trojan virus.

Ang akala ko ay ayos na ang lahat pero mayamaya lang ay may lumalabas nang mga outgoing messages mula computer ko (maski wala naman akong pinapadala).  Ni-re-reject naman ito nung antivirus ko pero mantakin mo ba namang ilang outgoing messages ang ni-re-ereject na kada minuto.  Aba, paktay na dahil maski ano gawin ko napuno na ng ganitong messages yung screen ko. Para bang nilagyan ng post-it yung buong screen. Ang mga messages pa man din niya ay yung sa viagra at cialis at kung anu-anong bastos na subject taytol.

E di ano pa ang magagawa ko kundi magreformat at re-install ng lahat ng programs ko. Nakakaburat talaga dahil kakainstall ko pa lang ng bagong sistem nung Enero dahil sumemplang yung hard drive ko.  Nakakagigil din dahil hindi tuloy ako makapagblogging (uy blog adik na rin yata ako).

Read the rest of this entry »

Bagong Chapter ng Hell’s Angels

hellsangels_india_chapter2.bmp

Masyadong busy ngayon sa trabaho kaya share ko na lang itong picture ng bagong chapter ng Hell’s Angels sa India. Ang source of income daw nila hindi drugs, prostitution or extortion kundi… (you should have guessed it already)…. 5-6. Amoy pa lang, nakakasindak na. 

I Heart My Job

Kasalukuyang pumapasok ako sa isang IT/market research company dito sa Auckland. Itago na lang natin itong kumpanya ko sa pangalang ”Database Factory.” 

Sa totoo lang wala naman akong tunay na background sa market research except na nagtrabaho ako dati sa isang call centre bilang interviewer. Ito yung tumatawag sa bahay-bahay sa buong NZ para mangulit at makipagtsismisan mag-survey. Saka ko nalang ikwe-kwento itong dati kong trabaho na ito.

Noon nga na nag-exam ako para sa current job ko ay mayroon akong portion na hindi ko nakuha yung tamang sagot, pero na-justify ko naman kung bakit iba ang sagot ko (gumana ang pagkapilosopong pinoy hehehe).

Kino-consider ko na masuwerte ako dito sa current job ko. Una ay varied ang trabaho at hindi paulit-ulit. Dun sa team namin ay matutuwa ka sa iba’t-ibang survey na makikita mo, minsan pa nga ay survey na gawa sa pinas. Dahil dito ay hindi ako nabo-bore sa trabaho at ang bilis lang lumilipas ng working day. Ito marahil ang nagbibigay sigla sa akin maski na minsan sang tambak ang mga database na nakapila. Para sa akin ay importante na nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo dahil kung hindi ay magiging routine na lang ang ginagawa mo at mawawala yung focus mo sa trabaho.

Read the rest of this entry »

Prison Dance

Meron na namang video clip yung mga preso mula sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center. Kung na-a-alala niyo sila yung biglang sumikat last year nung sinayaw nila yung “Thriller”. Maganda nga itong naisip nila para sa welfare ng mga preso, ehersisyo na nalilibang pa sila. At pwede din silang mag-aplay na entertainer pag lumaya na.

Serbisyong Publiko

Paano ba magtrabaho para sa gubyerno? Malaki ba ang diferens kaysa magtrabaho sa pribadong sektor?

Matagal din akong nagtrabaho sa gubyerno, so paano ba ako napunta doon? Aktuali, wala naman akong balak magtrabaho dito sa sektor na ito. Siguro ang una sa aking nagenganyo para pumasok dito ay sa kadahilanang produkto ako ng isang pampublikong unibersidad.  Siguro masasabi nyong medyo “idealist” ako noon at gusto kong magserbisyo sa publiko (peks man, pramis, hope to die) .

Read the rest of this entry »