Mean As
Ito yung bagong kinalolokohan naming mag-aama ngayon. Ang tawag dito ay XMODS Custom RC at ito yung Skyline model. Nadiskubre namin ito nung nakaraang Pasko at ito yung hininging pamasko nung pangalawa kong anak na lalaki.
Hindi ito yung tipong ordinaryong RC toy na nabibili sa toy department ng mga tindahan. Ito ay intended para sa big boys. Ang kaibahan nito sa ibang RC ay mayroon siyang independent suspension system. Pwede siyang i-customise - may upgrade ng makina, bodykits and drift tires. Pwede pang lagyan ng headlights/taillights and even neon lights sa ilalim. Pwede ding palitan yung gears niya (may drift, drag, road race & top speed settings) at lagyan ng heat sink para di mag-overheat yung makina.
Ang nakaka-aliw sa kanya ay para siyang tunay na kotse kung tumakbo. Considering its size, it is super fast. Sa totoo lang mas madalas akong maglaro nito kaysa mga anak ko. Dumadayo pa nga ako sa school ng bunso ko dahil mayroon dung bagong simento na court na perfect para patakbuhin ito. Bibili nga sana ako kangina ng isa pa ulit pero ang bilis naubos yung stock dun sa Farmer’s.
Kung gusto makakita kung paano ito tumakbo ay maraming video nito sa youtube. Just type xmod dun sa search.
Explore posts in the same categories: Pamilyado, Toys 4D Big Boys
February 18th, 2008 at 3:13 am
HUWAW!!!! hanep sa details. hanep si tatay, nang-aagaw ng laruan
[Reply]
February 18th, 2008 at 10:50 am
hehe, oo nga panay nga simangot nung anak magasgasan lang ng konti
[Reply]
February 19th, 2008 at 5:08 pm
kainggit naman..gusto kong magkaroon niyan. tagal ko nang nag-iipon para makabili ng RC eh. magkano ba yan? meron na kaya dito niyan sa pinas? astig talaga…*tulo laway*
[Reply]
February 19th, 2008 at 9:15 pm
Toys for bigboys nga. Mabigat din yan sa bulsa. hehehe.
[Reply]
February 19th, 2008 at 11:13 pm
@jeck
bale nz$100 (equivalent to P3000 sa exchange rate ngayon) tapos yung mga upgrade nabibili ng nz$10 on average. pero nung isang araw nagsale bale $70 na lang. bibili pa sana ako ng isa pa pero ubos kaagad. ang hindi ko alam kung mayroon sa pinas pero check mo din sa model shops.
@iceyelo
di naman ganun kabigat. tingin ko reasonable pa din kung i-co-consider yung enjoyment value. pero sa totoo lang wala akong naging laruan na ganito nung bata pa ko kaya siguro yung tatay ang mas madalas maglaro kaysa anak. lols.
[Reply]
February 20th, 2008 at 2:43 am
gusto ko niyan. :drool:
[Reply]
February 23rd, 2008 at 9:29 pm
bigyan mo naman ako niyan tay!!cge na..please….wink wink..lols.
[Reply]
February 24th, 2008 at 11:40 pm
sige anak, punta ka dito bigyan kita.
[Reply]
February 25th, 2008 at 1:03 am
hahahaa….ang layu mo weh….yung plane ticket ko bibili ko nalang ng pandesal..lols….ei….indi pala ako natuloy sa korea…nalaaman ko na mas malaki pa pala sweldo ko kung icoconvert ko sa peso ang sahod ko….kaya no thanks..hehhee.
[Reply]
March 7th, 2008 at 10:09 pm
ang masasabi ko lang dyan, boys never outgrow their love for toys. yun nga lang pag-adult na, mas mahal na ang mga toys. agree?
[Reply]
March 7th, 2008 at 11:28 pm
i agree, spin-a-win! inabut mo ba yang show na yan ni jean young nung araw? siguro sa mga nakakabatang makakabasa nito ay hindi nila mage-gets. hehe
[Reply]