Holdap ‘To, Taas Ang Kamay
Nung nakaraang buwan, nagkaroon ng holdapan dun sa may Milford Beach which is only a block from where I work. May limang kabataan na nanggulpe at nangholdap ng magsingirog na nakaparada lang sa may beach. Hindi pa nakuntento, nanggulpe at nagholdap pa uli ang mga mokong ng isa pang magsingirog na naglalakad naman sa may bandang Takapuna. May binugbog pang isang binata na naglalakad dun sa Takapuna beach. Mabilis naman rumesponde yung mga pulis. Ilang araw lang ay huli na kaagad yung mga mokong.
Nakakabahala din itong mga krimen na nangyayari dito sa North Shore. Mayroon din akong dalawang kasama sa work na nabiktima last year - yung isa na-isnatch yung bag sa Milford mall, samantalang yung isa ay ninakaw yung kotse sa parking lot nung mall. Hindi na ba safe ang New Zealand? Well, bilang isang pinoy ay masasabi ko lang na wala pa ding sinabi ang krimen dito kumpara sa atin. Pagnagbabasa nga ako inquirer.net ay hindi man lang major news ang mga patayan at nakawan sa atin at pangkaraniwan mo lang ito mababasa sa balita.
Ako man ay nagkaroon na din ng muntikan moments at masuwerte lang na malakas ang pantunug ko (may malaki akong radar dish sa ulo).
Na-alala kong minsang papasok pa ako sa Malacanan. Ang sinasakyan ko ay LRT at bumababa sa may Sta. Cruz tapos maglalakad papuntang Quiapo para sumakay ng jeep papuntang Arlegui. Nung malapit na ko sa Quiapo ay may napansin akong dalawang mokong na nakaistambay at narinig ko yung isa na nagsabing “Ito, ito”! Patay mali ako pero habang naglalakad ay tinitingnan ko kung sila sa reflection ng bintana ng mga tindahan kung sumusunod sa akin. Aba, e sumusunod nga! Ang ginawa ko, pagdating dun sa isang kanto ay lumiko ako at biglang nag-about face. Pagliko nung dalawa ay halata mong gulat sila na nakaharap na ako sa kanila at masama ang tingin ko sa kanila. Napatunayan ko na holdaper nga ang mga lintek dahil parehong nagkamot sila ng ulo at napatigil sa paglakad.
Minsan naman nakasakay ako ng bus galing Buendia papuntang Ayala kasama yung opismeyt ko. May namataan kaming grupo ng mga lalaki na sumakay sa bus bandang Makati Med. Ang nakakapansin ay kahit maluwag yung bus ay hiwahiwalay pa din silang umupo (ika nga strategic masyado yung pagkakapuwesto nila, mula unahan hanggang likod ng bus). Masama ang kutob ko at bigla kong niyaya yung kasama ko na bumaba ng bus maski malayo pa sa babaan namin. Ilang minuto lang ay tanaw naming nagmamadaling nagbabaan yung mga pasahero ng bus at nung tanungin namin yung isa ay sinabi nitong nag-declare nga yung grupo ng mga lalaki ng holdap pagkababa namin.
Mas nakakatakot pa din sa pinas dahil ultimo yung mga pulis na dapat proprotekta sa mamamayan ay siya pang gumagawa ng kalokohan.
Case in point - minsan umuwi ako galing trabaho at may inabutan akong mga limang pulis dun sa bahay ni ermat. Involved daw yung sasakyan ko sa bank robbery dun sa may Ermita. Simple lang ang sinabi ni ermats, “O yan na ang anak kong nagtratrabaho sa Malacanan, siya na kausapin ninyo”. Sabi nung pulis na “Ser, pasensya na dahil pareho ng plate number mo ang ginamit sa bank robbery pero hindi naman pala kapareho ng description ng sasakyan. Sorry sa abala”. Aba nagmadaling umalis yung mga kumag. Ang sabi sa akin ni ermat pagka-alis nila ay ang humihingi pala ng “pang-areglo” yung mga pulis para wag kaming madamay sa sinasabi nilang bank robbery kuno.
Minsan din may pinuntahan kami ng kumpare ko sa may Las Pinas. Bigla na lang hinintuan kami ng pulis mobile at ang sabi e “Umiskor kayo ng shabu ano? Puwede ba namin kayong kapkapan”? Ang sabi ko ”Sige payag kaming magpakapkap pero pwede ba sa istasyon ninyo natin gawin”? Sumakay kami sa likod ng mobile at yung pulis na nasa likod ay bumanat ng “Sige na umamin na kayo, dapat nga e areglohin na natin ito bago pa makarating sa istasyon.” Nagtinginan lang kami ng kumpare ko at pagdating namin sa istasyon nila ay inakbayan ko yung isa at pinakita ko yung Malacanan security tag ko. Ang sinabi ko ay “Magkasama tayo sa gubyerno, bagansya ba ang habol ninyo”? Aba e namutla yung pulis at sabing “Boss, hindi naman kayo nagpakilala agad. Dun kasi sa lugar na pinag-a-abangan ninyo ng jeep ay maraming pusher ng shabu. Pasensya na po.”
Hindi ko sinasabing lahat ng pulis sa atin ay ganyan. Meron din naman akong nga kakilala na marangal at nagbigigay ng tunay na serbisyo sa mamamayan. Ang nakakatakot lang ay hindi mo na masasabi sa panahon ngayon kung yung nakauniporme ay kawatan din.

February 16th, 2008 04:36
huwat!? taga-malacanang pala itong nakilala ko. takbo na

galing ‘tol, astigin ang kwento mo. atapang atao hindi atakbo
[Reply]
February 17th, 2008 01:42
Aysus, tama ka dyan bro… Ala pa ring sinabi NZ sa Pinas magdating sa crime rate. Abah, ang headline nga satin ngayon eh tungkol sa pag bawal sa spray paint dahil sa mga vandals/taggers (HU-wat??) hehe… Eh sa atin binabatukan lang ng branggay tanod pag me nahuhuling nagsusulat sa pader eh
[Reply]
February 17th, 2008 11:05
tama ka diyan tuny! ala nga kawenta-kwenta headlines dito pero oks lang, mas safe pa din dito. sa city ka pa rin ba titira pagdating ng esmi mo and kids? dito ka na sa north shore para magkapitbahay tayo.
[Reply]
February 19th, 2008 00:54
pareho kayo ng nanay ko, ang lakas ng radar sa mga holdapan.. ilang beses na niya kong niyaya bumaba sa alanganing lugar, nung una nagulat ako pero nung mga sumunod na, alam ko na naka-sense siya ng magaganap na holdapan..
nakakalungkot nga isipin na kung sino dapat magtanggol sa mga mamamayan ay sila pa ang nagpapahamak sa karamihan..
makalipad na nga din dyan sa new zealand! hehe! at least konti ang krimen diyan compare dito.. haha! how i wish pwede akong mangibang-bansa..
[Reply]
February 19th, 2008 09:05
LLB, why not try applying for other countries?
[Reply]
February 19th, 2008 17:11
buti ka nga, naging empleyado ka ng gobyerno. paano naman yung mga walang kalaban-laban na mamayan dito sa bansa natin. nakakaasar yung mga taong abusado sa kapangyarihan na meron sila. minsan, talagang mas nanaisin ko na lang na mag-abroad na rin.
[Reply]
February 20th, 2008 14:12
nagtrabaho ka pala sa malacanang? astig! wala pa lang sinabi mga pulis sayo eh..hehe! supalpal lahat..buti nga sa kanila.
tama ka pre dito sa pinas mas grabe ang krimen..puro patayan, rape, suicides atbp. marami na nga nababaliw rito eh.
[Reply]
February 20th, 2008 16:38
@gasti
buti na nga lang nagtrabaho ko dun kundi malamang nabagansya kami ng pulis. dami nga sa akin nangyari nung nandun pa ko pero hindi ko pwede ikwento lahat. hayaan mo, mag blo-blog din ako ng mga experiences ko dun.
[Reply]
February 20th, 2008 16:47
@jeck
pre papagawa nga pala ako ng tula sayo ha? yung kasing sweet ng ginawa mo para kay clang. siguro maraming langgam sa inyo no? lols.
[Reply]