Firebase Red

Nakayuko kami nung ka-buddy ko at dahan-dahan ang paghakbang papuntang tower ng kalaban. Tahimik pa, hindi pa nila alam na lumulusob kami. Tagaktak ang pawis ko habang hawak ko ang aking baril. Napahinto kami sa nung narinig naming biglang nagputukan dun sa bandang kaliwa namin. Sumenyas sa akin yung ka-buddy ko na tumuloy ulit kami. Ilang metro pa lang ay tumigil ulit kami para siyasatin kung nasaan yung objective namin ngunit sa sukal ng gubat ay wala kaming makita.

Kamalasmalasan ay muntik akong madapa at napahawak ako sa isang maliit na puno na nayugyog sa bigat ko. Ito ang nagpabisto sa posisyon namin at inulan kami ng bala. Daglian kaming dumapa ng kasama ko. Inangat ko ang ulo ko ng bahagya para magreturn fire pero splat - sapul ako sa facemask. Buti na lang yung paintball ay sa maskara lang tumama at hindi sa mukha, pero out of the game ako pansamantala hanggang hindi nakakalog-in and out sa staging base namin.

*******************************************************************************

paintballgear.bmp

Last year, isa sa naging social event namin sa opisina ay maglaro ng paintball sa Firebase Red, isang sikat na palaruan ng paintball north of Auckland. Dito sa lugar na ito ay maraming klaseng paintball fields at pwede kang maglaro ng iba’t-ibang klaseng paintball game scenarios like capture the flag, attack and defend, last man standing etc.

Yung grupo namin ay hinati sa dalawa, black team saka green team distinguishable by the facemasks na suot namin, bale 14 people each team.  Ang nilaro namin ay yung capture the flag, kung saan mayroon kang isang oras para ma-capture yung flag ng defending team. Actually, mayroong siren dun sa may flag na pag napindot ng attacking force ay captured na yung flag. Sa toss coin ay kami (black team) ang na-designate na attacker.

Round 1 (green team defending)

Binigyan namin ang green team ng 15 mins. para pumuesto dun sa lugar nila. Ang mahirap bilang attacker ay hindi namin kabisado yung dinedepensahan nilang lugar, ika nga ay ‘going blind’ kami. Ang napagkasunduan naming strategy ay mayroong a-atake sa harap bilang decoy habang mag-fla-flanking maneouver kami sa kaliwa’t kanan. Dun nga ako na-designate na mag-flanking sa kanan pero ako pa ang naging unang casualty sa team namin. lols. Pero nakabalik din naman ako sa game pagkatapos maglog in and out ako dun sa staging area ng team namin.

Ang nakaganda lang dun sa pagabuking ng flanking maneouver namin ay dun nag-concentrate ng firepower yung green team. Iniwanan nilang exposed yung left flank. Yung isang ka team ko ay nakalusot ng hindi nila namalayan at umatake mula sa likod. Sinabayan namin ito ng frontal attack at yun nagkagulo yung green team. 20 mins pa lang ay capture na namin ang flag ng green team. Black team wins!

Round 2 (black team defending)

Noong turn na namin magdepensa ay inusisa muna naming mabuti yung area na de-depensahan namin. Naglagay kami ng team member dun sa tingin namin ay may magandang field of fire maski saan lumusob ang green team. Ang napili kong pwesto ay kita kung sino man ang a-atake mula harap at kaliwa. Ang naging usapan pa namin ay hindi muna kami babaril hanggang maari at papalapitin muna namin yung mga attacker saka namin bibirahin for maximum effect. May dinesignate din kaming team member na magka-counter attack.

Pagtunog nung opening buzzer ay inabangan ko yung lalabas pa lang sa staging base. Medyo malayo at hindi pa ganun ka-accurate yung paintball sa malayuan pero splat - nakadale kaagad ako ng isa.  Maya-maya pa lang ay may nakita kaming tatlo na may balak mga-flanking maneouver sa kaliwa. Hinintay naming makababa ng kaunti tapos pinaulanan namin ng bala, todas yung tatlo!

Anticipated namin na lilipat ng atake yung green team sa kanan. Yun na nga ang ginawa nila pero may na-a-abang sa kanila dun kaya hindi sila makalapit.

Nagkaroon ng lull yung laban at namalayan ko na lang na mayroong isang attacker na dahan-dahang gumagapang na naman sa left flank. Ang ginawa ko, hinintay ko hanggang mga 20 feet na lang ang layo sa pwesto ko at pag-angat niya ng ulo ay splat - head shot (nakaganti din ako sa headshot sa akin, mwahahaha).

Lumipat ako dun sa may tower para maganda ang sniping posisyon. Kita kong palapit naman mula sa kanan yung isang ubod ng yabang naming manedyer sa opisina (na recognise ko sa scarf na suot niya). Ayun multiple hits, anlaki ng tuwa ko! Uy hindi ako salbahe ha, walang personalan, war games lang po.

Pero mayroon din kaming naging case ng friendly fire. Yun ba namang ka-buddy ko ay bigla nalang sumigaw ng “they are attacking from behind!” sabay binaril yung ka-team mate namin. Galit na galit nga yung yung taong nabaril, lilipat lang daw siya ng pwesto ay napagkamalan pang kalaban.

Mula noon ay para bang na-disorganize na yung plan of attack ng green team.  Pinag-a-alaska na nga namin sila pero yun natapos yung isang oras at nag-sound na uli yung buzzer. Kulang talaga sila sa military strategy, tsk tsk. Black team wins again! 

Masaya talaga maglaro ng paintball, sayang nga lang wala man lang nagdala ng camera. Sana ay maulit uli ito as social event namin. 

4 Responses to “Firebase Red

  • 1
    Kotsengkuba
    February 22nd, 2008 05:17

    hahaha, kakatuwa naman ang detalye ng kwento mo. kumbaga sa huntahang bata e may “pung,” “bang” at “ka-plug” pang kasama. di pa ko nakasubok maglaro ng ganyan. uso daw ngayon satin e airgun naman.

    [Reply]

  • 2
    madbong23
    February 22nd, 2008 09:26

    hey nac bago kami umalis ng pinas ay mayroong naglalaro ng war games na gamit ay airsoft gun dun sa may amin sa bf parañaque. ang venue nila ay yung nasunog na Tropical Palace hotel. hindi ko lang alam kung naglalaro pa din sila hanggang ngayon.

    [Reply]

  • 3
    linglingbells
    February 22nd, 2008 22:36

    parang enjoy nga laruin yan.. kelan kaya ako makakalaro niyan??

    [Reply]

  • 4
    madbong23
    February 23rd, 2008 10:48

    hi lingling, enjoy na enjoy! pati nga yung mga kasama naming mga babae na kalaro namin ay enjoy din. dapat nga lang na nakasuot ng protective gear para hindi masakit pag tumama yung paintball. may kasama akong hindi nagsuot ng gear, ayun dalawang linggo bago nawala yung mga pasa sa katawan.

    [Reply]

Leave a Reply