Baby Baboy
Ay salamat at Biernes na naman! Ito kasing nakaraang buwan na ito ay talagang madugo ang o-trabs dito sa opisina. Nagkataon kasi na may sakit yung isang kasama ko kaya sa akin ang bagsak ng lahat ng trabaho. Pero nakaraos din naman at medyo matumal ang trabaho ngayong araw na to, kahit na 3pm pa lang dito sa opis ay close shop na ako.
Dahil walang magawa ay pinuntahan ko yung funpic. Aliw ako dito sa hungarian site na ito dahil parating updated and marami siyang categories. Pero na-intriga ako sa picture na nasa itaas.
Una kong tanong sa sarili ko, “Bakit yung isang ale ay baboy ang bitbit”? Inisip ko na maari niyang pet ito at ipinasyal lang. Pero sa pagkakakalong nung babae ay para bang sarili niyang anak yung kalong niya. Dinaig pa si Paris Hilton at ang chihuahua niya!
Ang pangalawang katanungan ay “Bakit nakabihis yung baboy ng pang-baby”? Napabungisngis ako at napaisip na uso din naman sa mga pets na aso at pusa yung binibihisan ng amo nila, so pwede rin siguro sa baboy. At nakabota pa ang hinayupak!
Pangatlong tanong ko sa sarili ko ay “Saan kayang lugar sila naroon”?. Alangan namang sa clinic dahil iba yung doktor ng tao sa hayop. Hindi rin siguro sa mall dahil “no pets allowed” di ba.
Ang panghuli kong tanong sa sarili ko ay “Kung yung babae ay turing baby talaga sa baboy, bine-breastfeed din kaya niya ito pagnagutom ito”? Nakakakilabot isipin kung ganun nga.
Kayo, ano sa tingin ninyo ang istorya sa likod ng larawan na ito?


February 29th, 2008 17:10
oist, alam mo bang nung napadpad ako ng japan dati e marami akong nakitang mga ganyan. as in huwat!? ginagawa nilang pet ang baboy na parang tuta lang ang dala. nung minsan pa, di ba uso din sa japan ang bike na may basket sa harap, ang isang hapon e baboy ang nakasampa sa basket nya at may ribbon pa ang hinayupak na baboy. hahaha!
dun ko lang nalaman na hindi pala flip si dr. ang dun sa shaider dahil talagang inaalagaan nila ang baboy dun as normal domestic house pet. one time meron pang palabas sa tv ang puro mga may dalang pet na baboy ang mga babae. hahaha
[Reply]
February 29th, 2008 22:42
sa palagay ko, nasa loob sila ng isang studio.. naghihintay tawagin para sa audition.. mag-aaudition ang baby at ang baboy para sa isang commercial ng gatas o diaper.. nagkataon lang na sila ang magkasunod sa pila..
[Reply]
March 1st, 2008 08:30
nyahahahah!!! ang lufet ni babi! naka-shorts pa ang hitad at may sapatos pa! eh bakit kaya yung dalawang paa nya sa harap ay walang saplot?
[Reply]
March 1st, 2008 08:41
bagay yan sa house ko…. hello nangugulo lang po
[Reply]
March 1st, 2008 22:17
@kotsengkuba
naging japayuki ka din pala ha. lols
@lingling
malamang tama nga yung hula mo.
@kp
oo nga, dapat nilagyan na lang ng gloves.
@misspinkbiik
intriga ako sa pangalang gamit mo. lols
[Reply]
March 6th, 2008 02:04
ahhehee….natawa namana ko sa pics na yan….lols…at ang tanong mo na sinususu ba naman ng baboy ang babeng yan,.ahaha…masakit kaya yan!baka pag alis ng baboy eh wala na si ale ng nipples..wajaja
[Reply]