Archive for February 29th, 2008

Baby Baboy

Friday, February 29th, 2008

baboyanakko.jpg

Ay salamat at Biernes na naman! Ito kasing nakaraang buwan na ito ay talagang madugo ang o-trabs dito sa opisina. Nagkataon kasi na may sakit yung isang kasama ko kaya sa akin ang bagsak ng lahat ng trabaho.  Pero nakaraos din naman at medyo matumal ang trabaho ngayong araw na to, kahit na 3pm pa lang dito sa opis ay close shop na ako.

Dahil walang magawa ay pinuntahan ko yung funpic.  Aliw ako dito sa hungarian site na ito dahil parating updated and marami siyang categories. Pero na-intriga ako sa picture na nasa itaas.

Una kong tanong sa sarili ko, “Bakit yung isang ale ay baboy ang bitbit”?  Inisip ko na maari niyang pet ito at ipinasyal lang.  Pero sa pagkakakalong nung babae ay para bang sarili niyang anak yung kalong niya. Dinaig pa si Paris Hilton at ang chihuahua niya!

Ang pangalawang katanungan ay “Bakit nakabihis yung baboy ng pang-baby”? Napabungisngis ako at napaisip na uso din naman sa mga pets na aso at pusa yung binibihisan ng amo nila, so pwede rin siguro sa baboy. At nakabota pa ang hinayupak!

Pangatlong tanong ko sa sarili ko ay “Saan kayang lugar sila naroon”?. Alangan namang sa clinic dahil iba yung doktor ng tao sa hayop. Hindi rin siguro sa mall dahil “no pets allowed” di ba.

Ang panghuli kong tanong sa sarili ko ay “Kung yung babae ay turing baby talaga sa baboy, bine-breastfeed din kaya niya ito pagnagutom ito”? Nakakakilabot isipin kung ganun nga.

Kayo, ano sa tingin ninyo ang istorya sa likod ng larawan na ito?