Holdap ‘To, Taas Ang Kamay
Thursday, February 14th, 2008Nung nakaraang buwan, nagkaroon ng holdapan dun sa may Milford Beach which is only a block from where I work. May limang kabataan na nanggulpe at nangholdap ng magsingirog na nakaparada lang sa may beach. Hindi pa nakuntento, nanggulpe at nagholdap pa uli ang mga mokong ng isa pang magsingirog na naglalakad naman sa may bandang Takapuna. May binugbog pang isang binata na naglalakad dun sa Takapuna beach. Mabilis naman rumesponde yung mga pulis. Ilang araw lang ay huli na kaagad yung mga mokong.
Nakakabahala din itong mga krimen na nangyayari dito sa North Shore. Mayroon din akong dalawang kasama sa work na nabiktima last year - yung isa na-isnatch yung bag sa Milford mall, samantalang yung isa ay ninakaw yung kotse sa parking lot nung mall. Hindi na ba safe ang New Zealand? Well, bilang isang pinoy ay masasabi ko lang na wala pa ding sinabi ang krimen dito kumpara sa atin. Pagnagbabasa nga ako inquirer.net ay hindi man lang major news ang mga patayan at nakawan sa atin at pangkaraniwan mo lang ito mababasa sa balita.