Archive for February, 2008

Baby Baboy

baboyanakko.jpg

Ay salamat at Biernes na naman! Ito kasing nakaraang buwan na ito ay talagang madugo ang o-trabs dito sa opisina. Nagkataon kasi na may sakit yung isang kasama ko kaya sa akin ang bagsak ng lahat ng trabaho.  Pero nakaraos din naman at medyo matumal ang trabaho ngayong araw na to, kahit na 3pm pa lang dito sa opis ay close shop na ako.

Dahil walang magawa ay pinuntahan ko yung funpic.  Aliw ako dito sa hungarian site na ito dahil parating updated and marami siyang categories. Pero na-intriga ako sa picture na nasa itaas.

Una kong tanong sa sarili ko, “Bakit yung isang ale ay baboy ang bitbit”?  Inisip ko na maari niyang pet ito at ipinasyal lang.  Pero sa pagkakakalong nung babae ay para bang sarili niyang anak yung kalong niya. Dinaig pa si Paris Hilton at ang chihuahua niya!

Ang pangalawang katanungan ay “Bakit nakabihis yung baboy ng pang-baby”? Napabungisngis ako at napaisip na uso din naman sa mga pets na aso at pusa yung binibihisan ng amo nila, so pwede rin siguro sa baboy. At nakabota pa ang hinayupak!

Pangatlong tanong ko sa sarili ko ay “Saan kayang lugar sila naroon”?. Alangan namang sa clinic dahil iba yung doktor ng tao sa hayop. Hindi rin siguro sa mall dahil “no pets allowed” di ba.

Ang panghuli kong tanong sa sarili ko ay “Kung yung babae ay turing baby talaga sa baboy, bine-breastfeed din kaya niya ito pagnagutom ito”? Nakakakilabot isipin kung ganun nga.

Kayo, ano sa tingin ninyo ang istorya sa likod ng larawan na ito? 

Firebase Red

Nakayuko kami nung ka-buddy ko at dahan-dahan ang paghakbang papuntang tower ng kalaban. Tahimik pa, hindi pa nila alam na lumulusob kami. Tagaktak ang pawis ko habang hawak ko ang aking baril. Napahinto kami sa nung narinig naming biglang nagputukan dun sa bandang kaliwa namin. Sumenyas sa akin yung ka-buddy ko na tumuloy ulit kami. Ilang metro pa lang ay tumigil ulit kami para siyasatin kung nasaan yung objective namin ngunit sa sukal ng gubat ay wala kaming makita.

Kamalasmalasan ay muntik akong madapa at napahawak ako sa isang maliit na puno na nayugyog sa bigat ko. Ito ang nagpabisto sa posisyon namin at inulan kami ng bala. Daglian kaming dumapa ng kasama ko. Inangat ko ang ulo ko ng bahagya para magreturn fire pero splat - sapul ako sa facemask. Buti na lang yung paintball ay sa maskara lang tumama at hindi sa mukha, pero out of the game ako pansamantala hanggang hindi nakakalog-in and out sa staging base namin.

*******************************************************************************

paintballgear.bmp

Read the rest of this entry »

Mean As

sky01.JPGsky02.JPGsky03.JPG

Ito yung bagong kinalolokohan naming mag-aama ngayon. Ang tawag dito ay XMODS Custom RC at ito yung Skyline model. Nadiskubre namin ito nung nakaraang Pasko at ito yung hininging pamasko nung pangalawa kong anak na lalaki. 

Hindi ito yung tipong ordinaryong RC toy na nabibili sa toy department ng mga tindahan. Ito ay intended para sa big boys. Ang kaibahan nito sa ibang RC ay mayroon siyang independent suspension system. Pwede siyang i-customise - may upgrade ng makina, bodykits and drift tires. Pwede pang lagyan ng headlights/taillights and even neon lights sa ilalim. Pwede ding palitan yung gears niya (may drift, drag, road race & top speed settings) at lagyan ng heat sink para di mag-overheat yung makina.

Ang nakaka-aliw sa kanya ay para siyang tunay na kotse kung tumakbo. Considering its size, it is super fast. Sa totoo lang mas madalas akong maglaro nito kaysa mga anak ko. Dumadayo pa nga ako sa school ng bunso ko dahil mayroon dung bagong simento na court na perfect para patakbuhin ito. Bibili nga sana ako kangina ng isa pa ulit pero ang bilis naubos yung stock dun sa Farmer’s.

Kung gusto makakita kung paano ito tumakbo ay maraming video nito sa youtube. Just type xmod dun sa search.

Holdap ‘To, Taas Ang Kamay

Nung nakaraang buwan, nagkaroon ng holdapan dun sa may Milford Beach which is only a block from where I work. May limang kabataan na nanggulpe at nangholdap ng magsingirog na nakaparada lang sa may beach.  Hindi pa nakuntento, nanggulpe at nagholdap pa uli ang mga mokong ng isa pang magsingirog na naglalakad naman sa may bandang Takapuna. May binugbog pang isang binata na naglalakad dun sa Takapuna beach. Mabilis naman rumesponde yung mga pulis.  Ilang araw lang ay huli na kaagad yung mga mokong.

Nakakabahala din itong mga krimen na nangyayari dito sa North Shore.  Mayroon din akong dalawang kasama sa work na nabiktima last year - yung isa na-isnatch yung bag sa Milford mall, samantalang yung isa ay ninakaw yung kotse sa parking lot nung mall. Hindi na ba safe ang New Zealand?  Well, bilang isang pinoy ay masasabi ko lang na wala pa ding sinabi ang krimen dito kumpara sa atin.  Pagnagbabasa nga ako inquirer.net ay hindi man lang major news ang mga patayan at nakawan sa atin at pangkaraniwan mo lang ito mababasa sa balita.

Read the rest of this entry »

LuvsKo

luvsko2.jpg

Ito si LuvsKo. Una ko siyang nakita dun sa boarding house ng barkada ko na malapit dun sa opis namin sa Malacanan.  Taga Daet talaga siya pero nagpunta ng Maynila para mag-review para sa nursing board exams. E pagkakita ko sa kanya ay hindi ko na pinakawalan, sumemplang tuloy sa board exam (ako na kasi ang ni-review lols).

Mag-fi-fifteen years na din kaming magkasama through thick and thin. Happy Valentine’s Day LuvsKo!!! (Libre mo naman ako bukas hehe)

Auckland Luge

luge021.JPGluge01.JPGluge03.JPGluge041.JPG

Nung isang weekend ay nagpa-social event yung office namin sa Auckland Luge.  Itong lugar na ito ay mga 20 minutes lang ang layo mula sa amin. This luge ride is very similar to the Skyline Luge that you’ll find in Rotorua (one of the major tourist attractions in North Island).  If you are looking for a cheap and exciting way to entertain the kids during the weekend, I would highly recommend the place.

To get up the hill, there are two travellators (yung parang sa mall but gigantic version) and it takes about 8 minutes to get to the top. Habang nakasakay nga sa travellator ay naalala ko nung araw sa probinsiya ni ermat na gumagawa kami ng parang  go kart na ball bearing yung gulong at nagkakarera pababa ng daan.

Mayroong tatlong routes: the scenic route, intermediate route and the fast route. Mabilis nga dun sa fast route kaso parang maigsi masyado yung trip pababa dahil ng puro straightaway. Yung intermediate route pa din ang paborito ko.

Actually, mga ilang buwan palang ito bukas, hindi pa nga ayos lahat. Pero mayroon ding added attractions like V8 racing simulator, a mini golf course and my favourite - the segway.  I never imagined that I would be able to ride a segway that day because it was not part of the advertised features in the luge website.  The bloke I talked to said that it was just recently added and that these amazing vehicles cost something like NZ$10,000. I couldn’t quite understand how the segway works except that it is based on a gyro mechanism - you lean forward to go, lean backward to stop or reverse, and lean sideways to turn.  And the best part? It just takes a minute to learn to ride it.

First Blood

Ito ang kaunaunahan kong blog. Una magpapasalamat ako kay kotsengkuba na nag-engganyo sa akin na mag-blog. Pangalawa, kay Ricky Reyes sa aking…. ay ano ba yan? Sa totoo lang wala akong alam sa pag-blo-blog. Pero sa pagsulat medyo may experience ako dahil noong araw ay naging journalist (uy journalist daw o) din ako.  Sa mga makakakita ng blog site ko, pasensya na po at hinde ko pa naaayos ang itsura nito.  Pagbigyan ninyo na muna akong mag-blog dahil excited talaga ako.

Ang talagang purpose ko sa pagsulat ng blog ay para mai-share ko din ang mga karanasan ko at ang buhay-buhay ng nakatira sa ibang bansa. Taga dito nga pala ako sa New Zealand.  Sana ay mapasaya kayo ng mga susunod kong ilalathala.

Lovingly Yours

Madbong