testing ulit
Isang taon din palang hinde ko man lang na-update itong blog ko. At dahil bago ang version ng wordpress ko ay nangangapa ulit ako kung paano magpost. Sa totoo lang medyo naging abala ako sa trabaho. Madami din sa blog friends ko ang tumigil na magblog kaya tinamad na din ako. Na-adik din sa facebook kaya nakalimutan ang blog. Pero tila hirap ako magpost sa FB ng mga bagay-bagay na personal sa dahilang ayoko ko naman ito mabasa ng mga kamaganak at mga kaibigan ko. Kaya heto at balik blog ulit ako. May nagbabasa pa kaya ng blog ko? Comment naman kayo.
P.S. Congratulations kay bossing Kotsengkuba sa bago niyang baby boy!
Bata pa lang ay mahilig na ako manood ng boxing. Actually, hinde ko siguro nakuha ang hilig na ito sa erpats ko dahil hinde siya masyado mahilig manood ng bloodsports. Nahawa yata ako dito sa lolo’t lola ko kasi pag nakabakasyon ako sa probinsiya ay parati kaming nanunood ng laban pagkapalabas ito sa TV. Naalala ko tuloy lola ko, ni hinde ko siya narining man lang magmura o kaya’y magalit sa kapwa (kumbaga soft-spoken siya) pero pag nasa harap na ng TV pagmay boxing ay talo pa ang isang buong cheering squad.
Nitong huling Sabado ay ginanap dito sa NZ yung “Fight Of The Century” na laban ng parehong heavyweight New Zealander na si David “Tuaman” Tua at si Shane “The Mountain Warrior” Cameron. Ang nakasalalay ay yung title na WBO Asia Pacific Heavyweight Championship Belt. Eto sila.
Ang manok ko sa labang ito ay si Tuaman (siya yung nasa kaliwa, picture niya yan nung bata pa siya…asteeg di ba?). Ipinanganak siya sa Samoa pero kiwi na rin siya. Kung naalala niyo ay nakalaban pa niya nun si Lennox Lewis pero natalo siya. Pero bumilib ako sa comeback ni Tua dahil 2 rounds pa lang ay knockout na si Cameron. Sa unang round ay dalawang beses na siyang natumba. Hanga ako sa sa bilis at lakas ni Tua kung sumuntok. Maski matagal siyang hinde napalaban ay bumawi siya ngayon. Eto ang highlights nung laban nila mula sa youtube (sana ay hinde tanggalin yung video kasi pay-per-view).
O di ba, lintik ang left hook? Check nyo na lang sa youtube yung buong laban, hanggang simula lang naman ng 2nd round tapos na. Para nga pala sa mga die-hard fans ng boxing, eto may nadiskubre akong boxing database (check niyo yung kay Pacquiao).
Kangina matrapik daw sa CBD ng Auckland City. Sabi ay hinde daw umuusad ang trapik dahil libo-libong tao ang nasa kalye.
Ang rason?
Continue Reading »
Itlog Ng Hapon [Imbestigador Series]
WARNING: Ang mga sumusunod ay hindi pang bata ngunit balitang totoo na ilalabas ko bilang investigative reporting
Naalala niyo pa ba yung kaibigan kong hapon? Yung nagkwento sa akin ng mga nakakaintrigang gawain ng mga hapon kaya ako naglabas noon ng paunang investigative post?
Continue Reading »
Una ko siyang nakita sa personal nung tumakbo siya sa snap election laban kay Presidente Marcos. Nakita ko siya sa isang motorcade habang nangangampanya siya. And the rest is history as we know it.
Hinde ko akalain noon na madalas ko pala siya makikita, dahil natanggap ako sa Presidential Management Staff (PMS) noon 1989. Never mind na hinde ako nun sangayon sa ibang patakaran ng administrasyon niya. Pagnagserve ka sa presidente ay isasantabi mo yun dahil hinde naman kami mga political appointees kundi mga permanenteng empleyado na may civil service.
Naalala ko nun na madalas ko din i-cover ang mga appointments niya. Kami din ang naaatasang gumawa ng reports sa mga performance ng mga line departments saka yung mga tinatawag na attached agencies ng Office of the President. Pero ang hinde ko makakalimutan na isa sa main functions ko nun ay ako ang nagda-draft ng mga kasagutan ni Presidente Aquino dun sa regular ‘Magtanong sa Pangulo’ radio program niya.
Minsan ay nakasama at nakatabi ko din naman siya ng personal, nga lang ay hinde masyadong good experience para sa akin ang pangyayari.
Noong bagong salta pa lang ako sa PMS ay madalas ako nag-a-attend ng flag ceremony every week para sa mga opisina na under ng Office of the President. Ang ginagawa ng mga iba’t-ibang opisina ay nagrorotate ng taga kanta ng pambansang awit at taga lead ng panatang makabayan. Aba, nung pangatlo o pangapat na buwan ko lang yata sa PMS ay bigla na lang nila akong sinabihan na ako daw ang aakyat sa stage at kakanta ng pambansang awit sabay magli-lead na rin sa panatang makabayan. Ayoko talagang gawin dahil una ay hinde naman maganda ng boses ko. Pangalawa ay sinabihan lang ako doon mismo sa assembly namin meaning 5 minutes lang bago ito mangyari. Pero no choice ako dahil yung utos ay nanggaling sa PMS Secretary mismo.
So bilang isang masunuring empleyado ay umakyat nga ako ng stage at tumawid dun sa harap ni Pangulong Aquino papunta dun sa lugar ng mikropono. Para bang may-nasense akong hinde maganda ang tingin sa akin ng pangulo pero hinde ko na lang pinansin at ginawa ko na lang yung pagkanta at yung panata.
Nung natapos na ito ay nakahinga na ako ng maluwag pero may sabit pala yung ginawa ko. Pagbaba ko ng stage ay agad akong pinuntahan ng isang Undersecretary at sinermonan ako ng “Don’t you know, it is against protocol to pass directly in front of the President? You should have passed at the back!” Ayun, kaya naman pala ang sama ng tingin sa akin ng Pangulo. Sumagot na lang ako na “So sorry Sir, nobody briefed me on the proper protocol and I was just asked 5 minutes before the ceremony to do it.” Napahiya ako nun pero kasalanan ko ba na wala man lang nagbrief sa akin ng proper protocol procedures considering na baguhan ako sa ahensiya? Alam niyo tapos nun? Hinde na ako nagattend pa ulit ng flag ceremony sa OP kahit kailan.
Rest In Peace, H.E. President Corazon C. Aquino.
P.S. Wag niyo kong tatanungin kung ano itsura ni Kris Aquino dahil sa sinamang palad ay hinde ko siya nakita kahit minsan.
Marahil kung meron ang isang tao ng mga anak ay isa na sa pinagbabalingan ng atensyon nito ay ang pagaaral nila. Ganun talaga ang magulang di ba? Ang gusto ay yung mga anak ay nasasabing magaling sa iskwelahan.
Naalala ko nung nasa pinas pa kami at pinagaral naman ang tatlo naming anak sa pribadong iskwelahan na malapit sa amin (yung mga madre ang nagpapatakbo). Kahit na mahal ang matrikula dito ay sige lang dahil ang gusto namin ay mabigyan ang mga bata ng headstart ‘ika nga pagdating sa pagaaral. Sa totoo lang, malaki ang nawawala sa sweldo ko dahil halos sa tuition at gastusin sa iskwela lang napupunta ito. Maliit lang naman kasi ang sweldo ko noon dahil nga sa gobierno lang ako nagtratrabaho.
Pagdating dito sa Aotearoa ay malaki ang pasasalamat ko. Bagamat sa public schools lang nagaaral ang mga anak ko ngayon ay maayos naman ang education system dito, suportado talaga ng gobierno. Kung tutuusin ay hinde mabigat sa bulsa dahil donation lang ang hinihingi nila – pwede mo pa makuha ang bahagi nito sa pamamagitan ng tax rebate.
Yun nga lang ay malaki ang kaibahan ng sistema ng iskwelahan dito kumpara sa pinas. Una ay puro laro lang sila pag nasa primary school (equivalent sa grade 1 – 4 sa atin). Saka lang nagseseryoso pag nasa intermediate school na (equivalent ng grade 5 -6). Iba pati ang school reports dito dahil hinde grado ang inilagay sa report cards, kakaiba talaga kung sanay ka sa sistema sa atin.
Dahil hinde ko ma-gauge yung progress ng mga anak ko ay talagang sinasadya kong magpunta sa iskwela nila tuwing may parent-teacher interviews. Tulad kangina na merong parent-teacher interview ako para sa bunso kong anak na babae na nasa intermediate school. Ang schedule namin kangina ay 6:10 pm dahil staggered yung style ng interviews dito. Pagdating namin sa library ay meron yung anak kong kaklase na naunang ininterview bago kami. Aba, nahalata ko na medyo matagal yata yung interview nung nauna sa amin (umabot ng mga 20 minutes), at napansin kong pailing-iling yung mga magulang nung bata habang ini-interview ng teacher. Hinde sa nakikinig ako sa interview nila (o sige na nga nakinig ako ng konti lols) pero problematic yung bata sa performance niya sa iskwela. Banggit pa nung mga magulang na nasosobrahan daw sa video games. Kailang daw magfocus ng mabuti sa pagaaral dagdag ni teacher dahil way behind.
Sa puntong ito ay kinabahan ako na baka may pagkukulang din si bunsoy dahil mahilig din maglaro sa computer. So una kong sinabi kay teacher nung turn na namin ay “How’s my daughter doing in school?”. Siryoso yung mukha ni teacher at sinabi sa akin na “She’s awful.” Sabay ngiti at biglang bawi na “No I’m kidding, she is very fantastic. As a matter of fact she is my best student.” Sa sinabi na ito ni teacher ay hinde ko mapigilan na maging very proud sa anak ko. Dagdagan pa ni teacher na “She is a role model in class and she is showing leadership with her classmates. All she needs to do is to maintain her performance.” Ay talaga namang super proud ang ama. Ito na marahil ang pinakamaigsing parent teacher interview na naranasan ko dahil wala pang 5 minutes ay tapos na kami. Ang galing mo bunso, nagmana ka talaga sa Daddy mo!
Ang tagal ko nang hinde nakapagpost, mga dalawang buwan din ang lumipas. O siya, aaminin ko na na tinamad akong gumawa ng post nitong mga nakalipas na panahon dahil sa mga sumusunod na dahilan.
Una ay bising-bisi ako sa trabaho ngayon. Nitong mga nakaraang 3 buwan ay maraming project na bago ang team namin sa opisina. Sa lahat ng mga team sa opisina namin ay bentang-benta kami ngayon dahil lahat ng bagong project ang bagsak ay sa amin. Medyo stressful, dahil ang hirap nung ibang project dahil komplikado ang setup ng database nila pero thankful ako na merong kaming sandamakmak na projects – ibig sabihin ay di kami apektado ng global recession at di nanganganib ang opisina namin.
Pangalawa ay ang karamihan ng mga binibisita kong bloggers ay tumigil na magblog o di kaya ay napakatumal na gumawa ng bagong post. Actually, kung sisilipin niyo yang bloglist ko ay kalahati na yata ang mga hinde nagbo-blog, o di kaya ay dinelete na yung mga blog nila. Paano ka gaganahan kung yung mga katsokaran mo ay biglang nawala na parang bula sa blogosphere?
Pangatlo ay medyo nahilig ako sa facebook ngayon at mas madalas ako nagfe-facebook kaysa bloghopping. Dangay naman kasi ay ang dami kong dating kakilala na nakontak ko ulit sa loob lang ng ilang linggo. Paano ko ba ipapaliwanag itong pagkahumaling ko sa facebook ngayon? Siguro ay dahil nasa ibang bansa ako ay sabik ako na makontak ulit yung mga dating kaibigan na nasa pinas lalo na yung mga kalakihan ko sa aming lugar at yung mga naging katropa sa eswelahan at sa dating trabaho.
Actually ay naisip ko na ding i-delete na itong blog ko, pero nakakahiya naman sa readers ko (apat yata kayo o lima haha). Subalit sayang naman ang nasimulan kaya mag-e-exert ako ng effort na magpost ulit maski paano. Kita-kits ulit.
Habang nagiging maliit ang mundo dahil sa ease of global travel ay nakakatakot naman ang downside nito tulad ng mabilis na paglaganap ng mga sakit worldwide tulad nung SARS noong ilang taon nang nakalipas at ang Swine Flu naman ngayon.
Paano mo malalaman na ang isang tao ay may sakit na swine flu?
Nitong Sabadong nakaraan ay nagconcert dito sa Aotearoa si Kuh Ledesma at ang kanyang anak na si Isabella. Pero bago sila magconcert ay nagpromotional tour muna sila sa iba’t ibang lugar dito sa Auckland. Dahil curious kami ni luvsko kung ano ang itsura niya sa personal ay nagpunta kami dun sa autograph signing nila dun sa tindahang pilipino na malapit sa amin. Siempre, yung mga pinoy puro papichur kasama si Kuh at si Isabella, pati ako nakipichur na din. Ako yang kasama ni Kuh pero sensya na shy talaga ako.